A/n: sowrey sa mga nabeten lols. Haha may practice kami sa church now eh.
-☆-
Continuation of taeyong's p.o.v
Napatayo siya. dahan dahan siyang umatras papalayo sakin pero kaagad akong bumangon at hinawakan ang kamay niya para hilain siya pabalik.
Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa mga nangyayari ngayon. Even me, i don't know what shitty things I've been doing right now. Yung paghawak ko sa kamay niya? Hindi iyon parte ng plano ko.
"Please don't leave me." Wika ko.
Mukha siyang natulala sa mga ginawa ko. Matagal din bago siya nakapagsalita. "I-i won't leave." Sagot niya. Bumalik naman kaagad siya sa pagkakaupo sa upuan sa tabi ng higaan ko.
"K-kanina ka pa ba gising?" Tanong niya. Hindi ko pa din inaalis ang paghawak ko sa kamay niya. "Yes."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinagot ko. "S-so nari--"
"Yeah. I've heard all the things you said." nagsimula nang manginig ang kamay niya.
"Lahat-lahat?"
"Yeah. Nung dumating kayo ni jaehyun, i was awake that time." Paliwanag ko. Napayuko siya at napakagat ng labi.
"Don't mind it. Sobrang saya ko sa lahat ng sinabi mo sakin." Panimula ko. Iniangat niya naman ang ulo niya at tinitigan ako sa mata.
Nang magtama ang mata namin ay nakaramdam kaagad ako ng kakaiba. Feelings na hindi ko pa naramdaman kahit kailan.
"H-hindi ka nagalit? Kase sinabi ko na ang sungit mo?" Tinawanan ko lang siya.
"Ako ba ang dapat magalit sating dalawa? Sa lahat ng ipinakita ko sayo? Yung mga pagsusungit ko at pagsasabi ng mga Kung ano-ano? Diba dapat ikaw pa nga ang nagagalit sakin?"
"Yung lahat ng iniisip ko pala sayo, lahat yun mali. Ako lang yung isip ng isip ng mga negatibo. na kesyo gagamitin mo lang kami para sumikat ka, yung iniisip ko na nagpapakitang tao ka lang, mabait ka kapag nasa harapan namin pero kapag nakatalikod na kami, unti-unti mo na kaming sinasaksak? Yan yung mga iniisip ko sayo! Pero bakit hindi mo man lang nagawang magalit sakin? Sa ginawa kong pagpapahiya sayo noon, yung ikaw pa yung sinisi ko, yung ikaw pa yung pinagbubuntunan ko ng galit."
"Kase alam kong hindi ka naman ganun eh. Ginagawa mo lang yun para sa kapakanan nila, ng grupo niyo." Sagot niya.
"I'm sorry kung yung first appearance ko sayo noon ay hindi maganda, I'm sorry kung naging masama ako sayo, sorry kase kahit kailan, hindi ko man lang nagawang maging mabuti sayo. I've been a selfish, fo--"
Nilagay niya yung daliri niya sa bibig ko. "Sshh. Magpahinga ka na. Okay na sakin lahat. Hindi mo naman kailangan nang mag-sorry. Wala kang kasalanan." Aniya.
"Sana hayaan mo naman akong gumawa ng paraan para maitama ko lahat ng pagkakamali ko. I don't know but every night, I'm always dreaming about you." Bigla naman siyang namula sa sinabi ko.
"Bigyan mo ko ng last chance para maipakita ko na iba ako sa nakilala mo noong first day mo pa lang please." Nagulat naman ako sa bigla niyang pagyakap sakin.
*sob*
"Kahit ilang chance pa ibigay ko sayo, gagawin ko! Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon! I've never expect na isang araw, kakausapin mo ko at hihingi ka ng tawad tapos magiging okay na tayo." Garalgal na ang boses niya dahil sa pag-iyak.
"S-salamat jewel." Wika ko.
"Nope. Salamat Taeyong, kase nagbago ka na." Dagdag pa niya.
Sa Sobrang lakas pag-iyak niya, hindi niya na narinig yung pagbukas ng pinto.
Si jaehyun na mukhang gulat na gulat sa nakikita niya.
Nakatitig lang siya samin. Walang kahit anong salita ang binitawan niya. Hindi din nagtagal, sinara niya na ulit ang pinto at lumabas.
End of taeyong's p.o.v (T.T)
A/n: huhu!!! Tapos na yung p.o.v ni taeyong waaaa!!!!!! Lols hahaha. Naaawa ako kay jaehyun! Ewan basta naaawa ako sa kaniya! Huhu. Ano ba sa tingin niyo ang rason kung bakit hindi siya nagsalita? Woooohooo!!! Di ko din alam eh hahaha >•< eto na nga! Atat?
-☆-
Jaehyun's p.o.v
Bahala na kung magalit sila taeil. Ayokong may mangyaring masama kay jewel. Baka mamaya, kung ano-ano nang pinagsasabi sa kaniya ni TY. Hindi pa naman namin alam kung talagang unti-unti nang nagbabago si taeyong eh. I know him better than anyone.
Tumakbo ako paakyat ng hagdan. Mabilis kong binagtas ang hallway ng ospital at dumiretso kaagad ako sa kwarto ni taeyong. Sa labas pa lang, naririnig ko na ang pag-iyak ni jewel. Kaya mabilisan kong binuksan ang pinto.
S-si jewel na nakayakap kay taeyong?
Hindi alam ni jewel na nandun na ko dahil nakayakap siya kay taeyong. Pero bakit? Bakit umiiyak siya? Gusto ko sanang lapitan si jewel pero parang napanghinaan na ko ng loob para gawin pa yun.
Mukha namang nagkakamabutihan naman sila nung wala ako. Pero diba tulog si TY? Baka pinagplanuhan niya 'to na hihingi siya ng tawad. Mabuti na din yun. Kaso, nakita ko kanina na ibang-iba ang tingin sakin ni taeyong. Pakiramdam ko, may iniisip siyang kakaiba.
"Sh*t! Ano ba tong pinag-iisip ko!?" Inis kong sabi sa sarili ko. Binuksan ko yung gripo at naghilamos ng mukha.
Malamang, marami nang magbabago. Dahil una, okay na sila taeyong at jewel. Alam kong si taeyong ang ultimate bias niya samin. Kaya panigurado, mahahati na ang atensyon niya.
pakiramdam ko pa, napanghinaan na ko ng loob para sabihin pa kay jewel na mahal ko siya. Ngayong okay na sila ni TY.
A/n: huhuhuhuhu!!!!! Naaawa talaga ako sa kaniya. Oyst. Hahahaah poll tayo ano!? Sino boto kay jaehyun para kay jewel!! #jehyun! O sini naman para kila taeyong at jewel! wohoooo!! #jeyong! Lols wala lang talaga akong magawa ahahahahah.

ESTÁS LEYENDO
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...