"Salamat taeil." Niyakap ko siya. Tinapik niya naman ako mula sa likod.
"Magpoprotesta ako sa smtown kapag pinaalis ka nila sa trabaho mo." Biro pa niya.
"Wag naman hahaha."
"Jewel. Happy 18th birthday. Ahm. Happy birthday again. god I'm nervious." Natawa ako sa sinabi ni yuta. "Grabe ka naman haha." Napakamot na lang siya ng ulo.
"Jewel. Happy birthday. Gift ko and roses for you." -johnny. "Salamat." Sagot ko.
Sila jaehyun at taeyong na lang ang natira na nakatayo sa may gilid. Sabay ba sila? Mukhang napansin din nila doyoung at iba pang members ang sitwasyon nila taeyong ngayon. "Oy anong inaantay niyong dalawa diyan?" Tanong ni taeil.
Nagtinginan lang sila at mukhang nagpapakiramdaman kung sino ba ang muunang pumunta sakin. Sinenyasan ni jaehyun si taeyong na mauna na, pero ganun din ang ginawa ni taeyong. Anyare sa kanila?
"Luh. Vip sila ah." Pang-aasar ni doyoung. So walang nagawa si jaehyun kung di ang mauna na lang. Malay nila ayaw lang talaga ni taeyong akong batiin diba?
"Andito na ko sa tapat mo sa kaniya ka pa din nakatingin." Naibalik ko kaagad yung tingin ko kay jaehyun. "Sorry, ang kulit niyo akse tignan ni taeyong eh."
"Pwede bang wag mo muna banggitin yung pangalan niya habang kausap kita ngayon?" Request niya. Nakaramdam ako ng kakaiba. Naguguluhan ako kung ano ba talaga ang tingin sakin ni jaehyun. Minsan gusto kong umasa na mutual ang nararamdaman namin pero....natatakot ako na baka sa huli, ako lang pala yung umaasa nang lubos sa wala.
Lumuhod siya sa tapat ko. Kasabay ng pagtilian na pinangunahan nila mark at haechan. "Waaa!!! May gusto si jaehyun-hyung kay jewel!" Wika ni mark.
"Lumuhod lang meron na?'' Tutol na tanong ni jaehyun.
"Ow. Sowrey."
Kahit anong tingin ko kay jaehyun ay tumatagos ito papunta kay taeyong. "Happy birthday. Sorry kung may kasama pang kidnap kuno kanina hahaha. That was all my fault." Nag-pout ako dahil sa medyo naiinis.
"Andami mo naman kaseng pwedeng ipagawa na surprise yun pa." Tumawa lang siya. "Anyways, sana bigyan ka pa ni Lord ng maraming years na makasama namin. Nasanay kase ako na palagi kang nakikita." Tumaas ata ang pulso ko. Pati tibok ng puso ko, bumilis na ng 100x ano bang karisma meron ka jaehyun?
"S-salamat." Sagot ko. nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Sila haechan at mark naman ay mukhang kinikilig.
"Happy birthday again." Ngumiti muna siya bago tumayo. Napatingin naman ako dun sa camera man na nagvivideo sa amin. Sana hindi magalit yung mga fans lol.
Patayo na sana ako ng mapansin ko si taeyong na papalapit sakin. Kaya napabalik ako sa pagkakaupo ko. Tinaas niya ng bahagya yung t-shirt niya at kinuha sa bulsa ang nakatagong rose doon. I have 16 roses now, hindi ako mag-aasume na ibibigay niya sakin yan. Kilala ko si taeyong, maaari, ipahiya niya lang ako sa harap ng camera dahil alam niyang live kaming napapanood ngayon.
"Happy birthday." Wika niya sabay abot ng rose. Nung una, nagalinlangan pa ko. Pero after 2 minutes, kinuha ko iyon. Hindi niya, ako pinahiya? Wala siyang sinabi na masakit? Argh. Nasanay lang talaga ako.
"S-salamat." Tapos may binigay pa siyang maliit na kahon siguro na nakabalot ng pangregalo. "Walang anuman. Sana magtagal ka sa trabaho mo and wag ka nang umalis ng dorm." After it, tumalikod na siya.
Nganga kaming lahat. As in walang nakapagsalita nung mga sandaling iyon. Natulala na lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa mismong sila jaehyun na ang magpatayo sakin dito.
"Bakit yung speech ni taeyong na - goosebumps ka? Eh mas maganda naman yung speech ko?'' May halong pagtatampo na sabi ni jaehyun. Pauwi na kami ngayon sa dorm. Bukas na lang daw yung practice nila dahil naubos na yung oras namin sa paglilinos ng mga kalat sa studio. Kasama kong nag-birthday ngayon ang nct at mga staffs nila. Kung tutuusin, I've never imagine na isang araw, paggising ko kaarawan ko na. Na kasama kong magce-celebrate ang pinaka idol kong group.
"Sige. Alam ko na." Mahina niyang sabi. Nawala tuloy sa utak ko yung sinabi ni jaehyun. Hindi ko kase maialis sa utak ko yung nangyari kanina.
"Sorry." Yun na lang ang tanging naisagot ko dahil pakiramdam ko, lumulutang yung utak ko sa kawalan. Hindi na rin siya sumagot at ibinaling na lang din ang sarili sa bintana.
First time kong makita na ganyan si jaehyun. Di bale, baka nagtatampo lang to. Pero ano namang pagtatampuhan niya? Eh wala naman akong ginawa na mali sa kaniya kanina ah?
-☆-
Pagkababa namin ay dumiretso na ko ng kwarto dala ang mga regalo na ibinigay nilang regalo. Pagdating ko sa kwarto ay kinuha ko yung tabo at nilagyan ng tubig. Dun ko inilagay ang 18 roses na natanggap ko mula sa kanila. Doon ko nilagay yung mga roses sa gilid ng pinto ng c.r. pumunta naman ako sa may cabinet para kumuha ng damit.
After ko makapagpalit ay naisipan kong buksan ang mga regalo na ibinigay nila. Una kong binuksan ang kay winwin. Ang lambot kase eh, na curious ako.
Pinunit ko yung balat at tumambad sakin yung isang pillow na may tatak ng pangalan ko. "Ang cute ng pagkatahi." Wika ko.
Sunod naman ang kay doyoung. Isang t-shirt na may tatak din ng pangalan ko tapos nakalagay sa likod na 'from the handsome member of nct' natawa na lang ako. Kahit kailan talaga ang isang to.
Next kay taeil. Isang salamin na malaki. Pero bakit alam niya din yung grado ng mata ko? Luh. Ang galing naman ata manghula ni taeil. Medyo malabo lang ng konti 'to pero carry naman. Sunod kong binuksan yung kay jaehyun. Medyo mabigat siya at parang babasagin na ewan.
Dali-dali ko namang binuksan yun at ang nakita ko ay isang baso na may picture ko na nakastolen. Sa van to ah? Pano niya ko nakunan ng hindi ko alam?
Nilapag ko iyon sa may lamesa sa tabi ng kama ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang pinakamaliit at pinakahuli kong regalo. Okay lang kahit maliit tong bigay ni taeyong, at least meron.
Madali ko lang itong nabuksan. Isang maliit na box na mukhang mamahalin kagit tignan mo palang sa labas nito. Mukahang lalagyan ng singsing. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang kwaintas na jewel na sapphire. Napakaganda nito at halata mo na talagang mamahalin.
"Teka, bat ako reregaluhan ng ganito ni taeyong? Ang mahal nito ah." Bulong ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at sinuot ito. Sakto lang sakin. Pagkatapos ay pinaglulukot ko na yung mga bithday wrapper.
Tinapon ko ang mga yun sa basurahan at inayos na ang higaan ko. Napagod talaga ako ngayon. Pero ang nakapagpawala ng pagod k ay yung regalo ni taeyong.
Bakit taeyong? Para saan yang mga ginagawa mong pag-eefort?
A/n: ayoko na po pelaseeww.. antok na antok na ko. Tomorrow siguro.

YOU ARE READING
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...