"Whooohhh!!!" Nagtakbuhan sila taeil papasok ng dorm.
"Grabe ang saya!!" -johnny
Ako naman ay naglakad lang. Nasa likod si taeyong habang kasabay ko naman si jaehyun.
"Nag enjoy ka ba kanina?" Napatingin ako kay jeahyun habang naglalakad.
"Uhm.. oo naman! Nahiya nga lang ako kase pinakilala niyo pa ko"
"Nako kailangan yun! Syempre para kilala nila kung sino yung araw araw na kasama namin" sobrang cute mo jung yoonoh kapag nakangiti.
"Eh kayo. Hindi ba kayo napapagod?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya.
"Oo pero nawawala yun kapag nakikita namin ang mga fans namin na masaya sa ginagawa namin" paliwanag niya.
Halos abutin na kami ng madaling araw dahil sa show nila. Nang makapasok kami sa loob ay hinatid ako ni jaehyun sa kwarto ko. "Kamsahamnida oppa." wika ko.
"Welcome. Bakit oppa? Mas matanda ba ko sayo?" Tanong niya.
"Oo. Uh! I mean opo kase 1999 ako pinanganak, same as mark"
"Wag mo na ko i- oppa, nagmumukha akong matanda sa lagay na yun eh. Mas bet ko pa na casper na lang ang tawag mo sakin"
"Uhm.. sige ca-casper" nahihiya talaga ako sa kaniya. Sa lahat kase parang siya agad ang pinakaclose ko.
"S-sige bye na. Good night to you sweet dreams" aniya.
"Salamat talaga ah. Good night din casper" after nun ay isinara ko na yung pinto at tumakbo papunta sa kama. Nagpagulong gulong ako dahil sa sobrang kilig. Shemaysssz!! Di ko alam kung anong feelings yung mararamdaman ko kapag kasama ko si jung!
Pakiramdam ko, si jaehyun na ang bias wrecker ko ngayon.
-☆-
"Good morning mark!" Sigaw ko. Siya palang ata ang gising.
"Good moring jewel" matamlay niyang sagot. Mukha siyang lantang gulay. Nilapitan ko siya at nilapat ko ang kamay ko sa leeg niya.
"Hala mark! May sakit ka!" Inalalayan ko siya papuntang sofa. Dali dali akong pumunta ng kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Tumakbo ako papuntang kwarto.
"Ouch!" May nakabangga pa ko (_ _) #
Sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang na 2 inches na lang ang layo ng mukha ni taeil sa mukha ko. Nakapatong pala ako sa kaniya. Jusko!
"I'm sorry oppa!" Tumayo ako kaagad at tinulungan na rin siya makatayo.
"O-okay lang. Bakit ka ba kase nagmamadali?''
"S-si mark kase nilalagnat" nagulat din siya.
"Asan siya?" Tanong niya kaagad.
"Andun sa sala kaso iniwan ko muna kase nga kukuha ako ng towel sa kwarto ko para ipunas sa kaniya" tinalikuran ko na siya habang naglalakad.
"Teka." Pigil niya sakin.
"sa baba ang kwarto ni mark. Dun sa kulay brown na cabinet, marami siyang towel doon."
Sinabayan ko na siya pababa ng hagdan. Inasikaso niya si mark samantalang ako ay dumiretso na sa kwarto.
Pagkapasok ko ay hinanap ko kaagad yung brown na cabinet. Medyo malaki din pala ang kwarto ni mark. Kasalukuyan akong naghahanap ng may marinig akong nagbukas ng pinto. Tinignan ko iyon kaagad.
S-si t-taeyong na nakahalf naked! Di ako kaagad nakakilos. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan. Yung triceps niya, abs, yung hubog ng katawan niya. Basang basa pa ang buhok niya dahil kagagaling lang siguro sa paliligo. Nang matapos ko na ang pagiimahinasyon ko ay kumilos na ko kaagad.
"Mianhe!" Tumalikod ako at tinakpan ang aking mata. Itinuon ko na lang ulit ang sarili sa paghahanap ng towel na magagamit ko kay mark.
"Sino ang nagpapasok sayo dito?" Cold niyang tanong.
Kinabahan tuloy ako. "S-si taeil oppa sabi niya kase na d-dito daw ang kwarto ni mark kaya pumasok ako.
"Sa susunod matuto ka munang magtanong kung sino pa ang kasama ni mark sa kwarto at sa lahat ng members." Naramdaman ko sa likuran ko ang presensya niya na papalapit.
Bahagya niya kong itinulak papalayo sa pwesto ko. "Ayan. Lumabas ka na" pagkakuha ko nung towel ay lumabas na ko kaagad ng kwarto. Ang sungit talaga ni taeyong!
Pagkalabas ko ay nandun na kaagad yung ibang members. Lahat sila nagaalala. "Binasa ko kaagad yung towel at ipinunas sa noo ni mark. Pati sa leeg at mga braso niya. "Anong ginagawa mo jewel?'' Tanong ni yuta.
"Inaalis ko yung init ng katawan niya."
"Huh? Ganyan ba yun? Nako pag nagkasakit ako ganyanin mo din ako!" Said winwin.
"Yuck! Baka puro libag yung makuha sayo ni jewel!" Sagot ni doyoung.
"Pano naman sayo? Baka kuto at mga garapata pa" nagsimula na naman silang dalawa.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni taeyong.
"Ayan na si grandpa!" Bulong ni doyoung na halos marinig ko na dahil sa lakas.
"Ano ba yang ginagawa mo? Gagaling ba siya niyan?" Tanong ni taeyong.
''Hindi ko sigurado pero maaring bumaba ang sakit niya." Paliwanag ko.
Matapos kong mapunasan si mark ay pinatulog ko muna siya. "Baka dahil sa pagod to kahapon" sabi ko.
"Pupunta na lang ako ng drug store" ani haechan.
"Huh? Ako na lang" offer ko. Kumunot mga noo nila.
"Hindi pwede dapat may kasama ka" tutol ni johnny.
"Hindi na kailangan. Saka ito ang gawain ko"
"Taeyong-hyung samahan mo kaya" wika naman ni doyoung.
"Ako pa talaga inutusan mo?" *death glare*
''Sabi ko nga ako na lang eh"
"Hindi na nga ako na lang. Saka baka mamaya magkaissue pa''
"Eh di magdisguise!" -winwin.
"Ha? Disguise? Paano?"
"Palagi kaming ganito. Kapag pumupunta ng mall or namamasyal" kwenton ni johnny.
Pinaakyat na ni taeil-hyung si doyoung para magbihis. Ako naman ay nagstay lang sa baba.
Napatingin ako kay taeyong. Masama ang tingin niya sakin. Wag niya namang sabihin sakin na ako ang dahilan ng nangyayari kay mark or baka dahil sa nangyari kanina.
"Jewel tara na!" Aya niya. Binigyan ako ng pera ni johnny. Umalis na kami at sumakay ng taxi.
A/n: So ayan! Ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa pinakamamahal kong si taeyong! Last week or let's say last month, I've been wondering kung bakit maraming tao ang nangba-bash kay teayong. Ang una kong nalaman is, bully daw siya. Pero ngayon ko lang naintindihan na noong teen days niya pala, nang iscam siya ng mga japanese. He's selling fake products to the japanese. But pinagsisihan niya na iyon. Pero may mga tao pa ring hinahanapan siya ng mali, mga taong puro mali lang ang tinitignan. Sinisi pa nila ang smtown kung bakit daw sila tumanggap ng sm rookies na katulad ni taeyong. Wag naman po kayo sanang ganyan. Lahat tayo nagkakamali, lahat tayo nakakagawa ng kasalanan sa harap ni Lord. No one is perfect.

YOU ARE READING
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...