chapter 26

887 26 5
                                        

A/n: So dahil po sa magluluksa ako sa darating na bakasyon, susulitin ko nang mapabilis at matapos ang istoryang ito sa madaling panahon. Di ko po talaga kaya eh😭 magcoconcert po dito sa pilipinas ang nct huhu. So ayun back to our topic, hindi nga ako makakapunta, kaya magluluksa ako. Tapos kagabi, na feature pa sila sa tv patrol. Oh diba? Talagang ipinapamukha sakin na team bahay ako!. Hmp! De joke lang . Hezhez.

-☆-

One week since nung nagkausap kami ni ten. After nung pag-uusap na yun? Naging normal na ulit ang lahat except kila jaehyun at taeyong na malayo pa din ang agwat sa isa't-isa. Hindi na bago samin ang pagiiwasan nila. Siguro ay nasanay na talaga kami. Si ten naman, umalis na kahapon lang. Sa dorm naman daw siya ng nct dream manggugulo >-< wala atang permanenteng bahay ang isang yun.

Kasalukuyan naman akong nagluluto dito sa kusina ngayong umaga. Ako kaagad ang unang gumising para magluto. Ayoko lang talagang makarinig ng salita mula kay TY. mamaya, atakahin pa sa puso yun eh. Remember? He's grandpa? 

Habang nagluluto, napansin kong andaming nagkalat na balat ng mga junk foods na pinagkakain namin nung nagmovie marathon kami kagabi. Nako! Ayaw pa naman ni taeyong ang makalat. Takot daw siya sa germs. Lol it was based on my research when i was still in the philippines.

Habang nagluluto ako ay naisipan ko munang magwalis. Panget kase tignan, baka pumasok dito bigla di jaehyun tapos ang kalat kalat pa. Mamaya masabihan pa kong dugyot nun. Syempre, dahil sa sobrang sipag ko nga, mi-nop ko na din yung sahig kase tutal di pa naman kumukulo yung nilulutong kong baboy. Chef kuno ako ngayon eh.

Nandun na ko sa tapat ng pinto nag ma-mop ng bigla namang umusok yung niluluto ko. Kumaripas kaagad ako ng takbo. Sa sobrang katangahan ko, hindi ko man lang naalala na basa pa pala yung sahig.

So ayun, nadulas ako.

"Mama!!!!!!!!" Pahiyaw kong sabi. Syempre kapag ba nadulas ka, ang sasabihin mo 'ang ganda ko!!' Ewan ko lang kung hindi ka upakan ng katabi mo. For the nth time, napapikit na lang ulit ako sa takot. Kaso bago ko pa yun magawa ay may naramdaman na kong kamay na umalalay sakin upang hindi ako bumagsak sa sahig.

Is it ten again?

Hindi na siguro bago sakin kung si ten ulit ang aalalay sakin. Si jaehyun okay pa baka magimagine na naman ako nun. Kaso nung binuksan ko yung mata ko para makita kung sino man ang anghel an nagligtas sa akin, nagulantang ako. Siya? Hindi. ako.-_- malamang siya nga.

Anong nakain niya at ginawa niya kong alalayan? Pwede niya naman akong tignan na lang diba? Nakaakinis na habang nandun ako sa mga braso niya, pakiramdam ko tumigil ang oras. Yung lahat ng fangirling mode ko noon, bumalik. Aywan ko ba sa abnormal kong utak!

Sa sobrang hiya ko, napatayo ako kaagad at hindi na siya hinarap. Dumiretso ako kaagad sa niluluto ko para maayos ito. Hinawakan ko yung takip ng walang pot holder kaya ayun napaso ako. Napatingin ako kaagaad sa paligid ko. Andun si taeyong at nakatingin sakin habang naghuhugas ng kamay sa lababo.

Agad ko naman siyang tinalikuran at pinagpatuloy ang paghalo sa baboy. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya at bumulong.

"Be careful next time." Nanginig ang buo kong katawan ng banggitin niya yun. Ramdam ko ang hininga niyang napakainit. Tama, may sakit nga si taeyong. Dahil una sa lahat, wala siyang pakialam. Pangalawa, wala siyang pakialam ulit kahit anong mangyari sakin. Pangatlo, bakit niya naman sasabihin yun? Be careful? Ugh! Nakakapanibago na bigla niya na lang akong kinausap. Baka sinapian ng magandang kaluluwa yun.

Naiwan na lang akong tulala habang patuloy na hinahalo ang baboy sa case rola. Nang matapos ko yung lutuin ay nagsaing na din ako. Lutong pinoy ang naisip kong gawin ngayong umaga. Kahit hindi naman talaga ako marunong magluto ay pinilit ko pa rin. Hayaan niyo na kahit walang lasa, atleast may luto naman.

-☆-

"Ang sarap jewel!" Wika ni winwin.

"Oo nga! Kaso ang panget ng lasa ng taba ew!" Pahabol ni haechan.

"Ang aarte niyo! Hindi na nga kayo ang nagluto." -taeil.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni doyoung. Masaya akong nakikita na okay sila. Na hindi sila magkakaaway.
"San mo natutuhan ang pagluluto ng ganito? Ang sarap eh!" Napalingon ako kay jaehyun na katabi ko ngayon. Nawala ang atensyon ko kay jaehyun dahil sa nasa likod niya lang si taeyong.

Si taeyong, nakatingin sakin?

"Jewel?'' Napabalik ulit ang tingin ko kay jaehyun na mukha namang nag-alala.

"Huh? Uhm. Ano ba ulit yung tanong mo?" Lumingon si jaehyun sa likod niya kung saan nandoon si taeyong. Nagkatitigan sila pero mabilis ding nagiwasan ng tingin. "W-wala. Hayaan mo na yun." Wika niya.

Ipinagpatuloy na lang din namin ang pagkain sa adobo. Kitang-kita ko sila taeil na sarap na sarap sa niluto ko. Hayst. Buti success ako. Napasilip ulit ako kay taeyong na kumakain. Nasasarapan din pala siya sa luto ko? O baka wala lang talaga siyang choice dahil wala namang ibang pagkain na nasa ref. Inubos na nila winwin at saka doyoung.

After kumain ay inayos na namin yung mga pinagkainan namin. Nagvolunteer naman si haechan na siya daw ang maghuhugas pero tumanggi ako. "No. Kaya ko yan, sige na magpahinga ka na lang dun." Wika ko. Pero sabi ni taeil ay okay lang daw yun kaya si haechan na yung naghugas.

Ako naman ay dumiretso sa kwarto dahil kailangan kong tiklopin yung mga nilabhan ko kahapon na damit ko. Kasalukuyan na kong nagtitiklop ng biglang may kumatok. "Sino yan?" Pasigaw kong tanong.

''Jae." Dali-dali kong binuksan yung pinto. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay naamoy ko na kaagad ang pabango ni jaehyun. "Pasok ka." Aya ko sa kaniya. Agad naman siyang pumasok.

Umupo kami parehas sa gilid ng kama. Pinagpatuloy ko naman ang pagtitiklop ko. "Jaehyun. Ano palang kailangan mo? May iuutos ka ba?" Tanong ko.

"wala pero may itatanong lang sana ako. Kanina kase napansin kong di ka mapakali nung nakatingin sayo si taeyong. May ginawa na naman ba siya sayo?" May halong pag-aalala niyang tanong.

"H-ha? Wala naman siyang ginawa sakin." Pagsisinungaling ko.

"Eh bakit parang wala ka sa sarili kanina? Saka bakit ganun makatitig sayo si taeyong? Nakita ko din siya galing kanina sa kusina nung kasalukuyan kang nagluluto." Wala na din akong choice kundi sabihin ang totoo.

"Kanina kase. Nung nagluluto ako, naisipan kong maglinis. Nung nagma-mop ako,  nadulas ako tapos.."

"Tapos ano?"

"Sinalo niya ko pero hindi ko alam k-kung bakit niya nga din yun ginawa eh."

Natigilan si jaehyun. "Bakit niya gagawin yun sayo?" Seryoso niyang tanong. So parang sinasabi ni jaehyun na habang buhay nang masungit at walang pakialam si taeyong?

"I don't know. Malay natin nagbago na siya. Pero instant."

He who fell in love with a fangirl |COMPLETEDWhere stories live. Discover now