chapter 1

2.7K 58 13
                                        

Jewel's p.o.v

"Beshie!! Kelan ka ba uuwi??" Halos mabingi ako sa pagsigaw niya sa cellphone.

"Ano ka ba!? Kakaalis ko lang kahapon diyan. Mas ikaw pa ata ang depressed sating dalawa eh!"

"Eh kase naman. Parang kelan lang, nasa korea ka na agad huhu" buang talaga to -_-

"Gag*! Hindi naman ako nagpunta lang dito para mag enjoy!" Sigaw ko kay roxanne

"Eh kahit pa! Atleast makikita mo na diyan sila taeyong mah labs natin!!" Inilayo ko pa ang cellphone sa tenga ko dahil parang nabasag na ata.

"Hoy! Pwede ba? Hindi naman porket nandito ako sa korea ngayon, eh happily ever after na ko! Saka panigurado kailangan ko muna silang tigilan dahil ang higpit sakin ng tiyahin ko!" Tutol ko.

"Ha?! Bakit ba?" Taka niyang tanong.

"Eh kase..--"

"Jewel!!! Walisan mo na yung bakuran!!" Speaking of -_-

"Beshie sino yung sumigaw?" Tanong ni roxanne

"Si tita" sagot ko.

"Ha!? Nako mukhang masungit ah!"

"Hayaan mo na! Atleast may tinitirhan pa ko saka okay na rin yun kase kamag anak ko naman siya."

"Wews. Umiral na naman yang kalambutan ng puso mo! Kay taeyong lang yan!" Pagbibiro niya. Medyo natawa tuloy ako. Pero mabilis ring nawala dahil sa naisip kong never naman nila akong mapapansin bakit pa?

"Beshie!!"

"Ano ba?! Andito lang ako!--"

"Andiyan ka lang pala! Maglinis ka na! Kung ano ano pang pinaggagawa mo diyan!" Nagulat ako ng hablutin ni tita ang cellphone ko at tapak tapakan ito.

"Sinabi ko diba?! Maglinis ka na! Wag kang pabigat!" Sabay tumalikod na siya at padabog na naglakad papalayo.

Sa hindi inaasahan ay tumulo na naman ang mga luha ko. Kakasabi ko nga lang kahapon bago ako pumasok ng bahay ni tita na hindi na ulit ako iiyak eh! Nakakainis! Sana kung nandito lang sila papa at mama, panigurado hindi magiging ganito ang buhay ko. Namatay sila last month dahil sa car crash at nailibing na rin kaso wala kasing magaalaga sakin na kapatid nila mama at papa kaya ipinadala ako dito sa korea dahil nandito ang step sister ni mama. Anak ni lolo sa iba.

Kinuha ko yung cellphone sa sahig at dali dali itong tinignan kung gumagana pa ba. Basag na ang screen nito at saka hindi na rin mabuksan. Mas lalo tuloy akong nalungkot. Ito kase ang gift sakin ni mama nung 17th birthday ko eh. Kaso sinira lang ni tita. Nagpunas ako ng mukha gamit ang mga kamay ko.

Pano na yan! Pano na ko mag uupdate tungkol sa nct? Pano ko na macocontact ang best friend ko? Wla na kong cellphone, wala na.

Binuksan ko yung cellphone at laking tuwa ko ng makita na okay pa ang sim card nito. Tinago ko sa bulsa ko ito at nagtungo sa bakuran para maglinis. Kararating ko nga lang kahapon nang komprontahin na agad ako ni tita eh.

"Sa pagtira mo dito, hindi ka magrereyna- reynahan naintindihan mo!?. Pangalawa, ayoko ng tatamad tamad! Pinatigil ka sa pagaaral sa pilipinas para pumunta dito at magtrabaho! Pangatlo, sundin mo lahat ng inuutos ko sayo kase sayo ko na lang mabubuhos lahat ng galit ko sa ina mo! Nakakainis! Tsaka wag na wag kang magtatangkang kalabanin ako! Dahil ngayon pa lang pwede na kitang palayasin naiintindihan mo?" Nakapamewang niyang tanong.

"O-opo"

''Pahabol ko pa pala. Hindi habang buhay kang nandito sa puder ko. Matuto ka ring maghanap ng trabaho ha?!"

Nang maalala ko yung mga sandaling iyon, parang gusto ko nang umiyak kaagad. Ano bang problema niya kay mama? Dapat nga ako pa ang magalit sa kaniya dahil inahas niya si papa kay mama eh! Pero hindi ako pinahintulutan ni mama dahil kapatid pa rin daw siya ni mama kahit hindi man ganun ang tingin niya kay mama.

"Aray!" Napasigaw ako dahil may bumagsak sa ulo ko na matigas na bagay. Tumingala ako. May puno rin pala ng buko rito? Ang akala ko sa pinas lang yun.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagwawalis ko at pagkatapos ay inipon ito sa isang tabi. Pagkatapos ay pumasok na ko sa loob para magpahinga. Ang laki kase ng nilinis ko eh. Nadatnan ko si tita na nakaupo at nanonood sa harap ng TV.

Umupo ako sa upuan malaput sa kaniya. "Tapos ka na ba?" Nalipat ang mga mata ko sa kaniya.

"O-opo nagpapa--"

"Anong nagpapahinga!? Hoy! Marami pa dun sa labas! Yung lababo! Puno ng hugasan! Yung cr naninilaw na! May mga labahan pa dun sa may likod!" Nanlumo ako sa sinabi ni tita.

"Ah.. tita magpapahinga lang po ako" daing ko.

"Anong magpapahinga? Kumilos ka! O ako mismo ang magkakaladkad sayo palabas ngayon!"

Tumayo kaagad ako at dumiretso sa kusina. Dalawa lang naman kami ni tita dito pero bakit gabundok ang hugasan? Sa paghuhugas ko ay may napansin akong radyo na de saksak doon. Dahil sa sobrang tahimik, inayos ko yung radyo at isinaksak ito sa extension malapit sakin. Binuksan ko ito at sakto namang..

빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum

That feeling na napatili ako sa sobrang excite. Grabe! Sobrang saya ko. Saktong sakto pa talaga na pagbukas ko ng radyo ayun agad yung maririnig ko! Well sa pilipinas kase hindi sila nagpapatugtog ng kpop sa radio eh.

Sumabay ako habang naghuhugas kaya ayun, dumami ang mga hugasan ko lalo.

*blag!* *ting* *nabasag na pinggan*

Dedicated po ang chap na ito sa nagiisang author na nagpakilala sakin sa kanila :*  secretlychasing follow her and also read her stories😘😘

He who fell in love with a fangirl |COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora