Jeoian's POV
Friday na ngayon pero hindi parin sinasagot ni Bea ang mga text ko.
After kase nung araw na nag jjajangmyeon at tteokbokki kami ay di na siya pumapasok. Dalawang araw na to be exact.
Kasama ko ngayon si Wooshin na kumakain ng lunch. Pero di parin talaga maalis ang kabang nararamdaman ko.
"Jeoian, kumain ka muna. Mamamaya puntahan natin siya sa bahay nila." Sabi ni Wooshin. Tama! Pupuntahan na lang namin siya.
Ibinaba ko ang cellphone ko at nag simula na akong kumain.
"Ayan, Kumain ka para lumakas ka." Sabi ni Wooshin.
Nang mga nakaraang araw kase ay nakakaramdam na ako ng panghihina at umeepekto na ang mga side effect nung gamot.
"Salamat, Wooshin." Sabi ko sa kanya.
"Pero kailan mo sasabihin kay Bea ang sakit mo? Sa buong SEVENTEEN? Sa Kuya mo?" Tanong niya kaya napailing na lang ako.
"Wala na akong balak sabihin sa kanila ito. Ayoko-----" hindi ko na tuloy ang sinasabi ko ng biglang may mag salita sa likod ko.
"So wala ka talagang balak sabihin sa amin? Ang selfish mo, Jeoian." Nanginig ang buong sistema ko ng marinig ko ang boses na iyon.
"B-Bea?" Sabi ko atsaka ko ziya tinignan. Mugto ang mga mata niya at halatang wala pa siyang tulog.
"Ang sabi mo kapag may problema tayong dalawa ay agad nating sa isa't isa diba? Jeoian, Asaan na yun?!" Ramdam ko na galit siya sa akin at alam ko na mali ako kaya dapat lang na magalit siya sa akin.
"Bea, wag dito." Sabat ni Wooshin. Agad naman akong hinila pa tayo ni Bea at hinala niya ako paalis ng canteen. Nakita kong sinundan kami ni Wooshin.
"Ayan! Pwede na ba dito??" Sarkastikong sabi niya kaya napayuko na lang ako. Nandito kami sa may tagong garden ng University.
"B-Bea.." tanging na sabi ko.
"Kaya pala nag lalagas ng sobra ang bubok mo. Kaya pala nag memake up ka kahit di mo sabihin ay alam kong nag memake up ka. Kaya pala nag liliptint ka ay dahil may sakit ka!" Galit na sabi niya. Unti unti ng namumuo ang mga luha ko.
"May sakit ka, Jeoian! Ang selfish mo!" Galit na sabi pa niya.
"B-Bea, sorry.." iyak ko.
"At ano? Wala kang planong sabihin sa amin?! Sa akin na bessy mo? Jeoian simula bata palang tayo ay mag bestfriend na tayo! Bakit di mo parin na sabi sa akin ito!?" Tinignan ko siya at umiiyak na din siya.
"Jeoian, dalawang araw akong umiiyak at iniisip ko kung talagang bestfriend ba ang ugaling pinakita ko sayo o kulang pa ba yon para hindi mo sabihin sa akin ang kalagayan mo!!" Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya.
"Pero alam mo? Okay pa na di mo sabihin sa akin eh. Pero kina S.Coups oppa? Kina Jeonghan oppa?? Siya ang kuya mo! May karapatan silang malaman!" Sabi niya.
"I should tell them!" Sabi niya atsaka niya kinuha ang cellphone niya at nag dial doon.
"S.Coups oppa?" Sabi niya atsak niya ito linoud speaker.
["Bea?"]
"I have something to tell you." Sabi ni Bea sabay tingin sa akin kaya umiling ako.
["W-What is it? May problema ba? Si J-Jeoian??"] Nag aalalang sagot ni S.Coups.
"Yes. Tungko----"
"Stop it, Bea." Sabat ko atsak ko inagaw ang cellphone niya.
"I'm okay, Cheol kaya wag kang mag alala. Bye!" I said and then I ended the call.

YOU ARE READING
I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]
FanfictionJEOIAN PARK to JEONGHAN of SEVENTEEN??? WHAT?? ANDWAEEEE! BEST RANKS: #1 in Jeonghan #40 in Fan Fiction THANK YOU @yeolfic- and lourie dongsaeng for the past book covers