Pakibasa po A/N sa baba :)
-----------------------Jeoian's POV
"SEVENTEEN! SEVENTEEN! SEVENTEEN!" Sigaw ng mga fans namin pagkatapos naming mag perform dito sa stage ng Music Bank.
Nag bow kami at kumaway sa kanila atsaka na kami pumunta sa may backstage.
"Woooh.." nakahinga din ako ng maluwag.
"Guys diretso daw tayo sa dressing room para mag ayos na." Sabi ni S.Coups kaya nag puntahan na kami sa may dressing room.
Nag ayos kami ng gamit namin pagkatapos nun ay inayos nina make up artist noona ang mga make up namin.
Agad na tapos ang pag aayos sa akin kaya napag pasyahan ko na muna na lumabas ng dressing room at mag lakad lakad sa buong backstage.
"Oppa.." Hala!
Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino iyon. Nag kunwari ako na hindi ko siya narinig at mas binilisan ko na ang lakad ko.
"Oppa!" Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas na ako ng building.
"O-Oppa naman eh! B-Bakit mo ba ako i-iniiwasan??" Narinig ko ang pag garagal ng boses niya kaya hinarap ko siya at tama nga ako. Umiiyak na siya..
Pinag masdan ko siya habang umiiyak siya habang suot yung outfit niya para sa performance nila mamaya.
Kusa na akong lumapit sa kanya. Naawa ako sa kanya dahil nag kagusto siya sa Jeonghan na peke.. sa akin.. Sa akin na dapat unnie ang tawag niya at hindi oppa.. Sa akin na dongsaeng ang turing sa kanya..
"Yeri-ah.. I mean sunbaenim.."
"Oppa naman eh! Wag ng sunbae!" Pag mamaktol niya habang umiiyak.
"Yeri hindi naman sa iniiwasan kita. Pero yun yung kailangan.. Ayaw kitang makitang umiiyak ng dahil sa akin kaya please accept it. Ayaw lang kitang masaktan.." sabi ko sa kanya at kasabay non ang pag punas ko sa mga luha niya.
"Oppa nasasaktan *sob* na ako eh.. Sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasa akin ka *sob* pero bakit puro na lang iyak ang ginagawa ko?" Iyak niyang sabi..
"Sorry Yeri.. I can still be your oppa but as a brother not a boyfriend.. I treat you as my younger sister please accept it.." sabi ko pero umiling lang siya.
"Sabihin mo nga oppa! May mahal ka bang iba? Huh? Meron ba?" Nanginginig siya habang sinasabi ang mga salitang iyon..
"Kung meron ba akong mahal na iba ay papalayain muna ako at tatanggapin mo na little sister lang talaga ang turing ko sayo?" Tanong ko sa kanya..
"So meron nga?! Kaya pala.. Sino ba siya oppa?! D-Dapat ako na lang!" Sabi niya habang pinag hahampas ako gamit ng mga kamay niya kaya yinakap ko siya.
"Tama na Yeri.." sabi ko at umiyak na lang siya sa balikat ko.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko sa bulsa ko.
Bumitaw ako sa yakap ko kay Yeri..
"Tama na.. marami pang iba diyan.. I don't deserve you.. Mauuna na ako.." sabi ko sa kanya atsaka ako bumalik papasok sa may building ng Music Bank.
Oonga pala may tumatawag sa akin! Chineck ko ang phone ko at tapos na yung tawag at si Doyoon pala iyon kaya agad akong pumunta sa may part na tago dito sa may backstage.
Agad ko namang dinial ang number ni Doyoon.
Calling Doyoon....
["Hello Jeoian.."] bungad niya sa akin.

YOU ARE READING
I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]
FanfictionJEOIAN PARK to JEONGHAN of SEVENTEEN??? WHAT?? ANDWAEEEE! BEST RANKS: #1 in Jeonghan #40 in Fan Fiction THANK YOU @yeolfic- and lourie dongsaeng for the past book covers