Jeoian's POV
Napangiti ako habang tinitignan ko si S.Coups na mag hintay sa akin dito sa may garden. Nag tago muna kase ako sa isang puno dahil natuwa ako na makita siyang ngitingngiti habang namumulot ng bato habang hinihintay ako.
"Ang tagal naman ni Jeoie ko.. Miss ko na siya.." rinig kong sabi niya atsaka siya umupo sa may bench na malapit sa puno kung nasaan ako nag tatago.
Napangiti ako atsaka ako pumunta sa may likuran niya ng di niya ako napapansin. Tinakpan ko ang mga mata niya.
"HALA! Woy sino'to?" Gulat na sabi niya kaya medyo natawa naman ako.
"Sino ka??" Sabi niya pa ulit.
"Hulaan mo.." bulong ko sa tenga niya. Pinag cross naman niya ang mga kamay niya.
"As if di ko makikilala ang boses mo, Jeoie ko.." sabi niya kaya inalis ko na ang mga kamay ko sa mata niya atsaka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Cheolie ko!" Bati ko din sa kanya pero inirapan niya ako. Aba? Lakas makairap ng isang'to.
"Bakit ang tagal mo? Nag seselos nako kay Wooshin ah. Ano ba pinag uusapan niyo?" Patampong sabi niya sabay irap at pout pa.
"Uyy nag tatampo yung bata. Ano ka ba Cheolie ko? Bakit ka naman mag seselos eh ikaw ang boyfriend ko?" Sagot ko sa kanya pero umiirap lang siya na parang batang maliit.
"Atsaka, medyo napa haba lang yung kwentuhan namin tungkol sa school trip next month which is next next week na." Sabi ko pa. Medyo na alis na naman ang kunot sa nuo niya kaya hinalikan ko siya ng mabilis sa labi niya kaya napangiti naman ang gilagid na'to.
"Okay bati na tayo.." ngiting ngiti na sabi niya.
"Sasama ba kayo sa school trip namin??" Tanong ko sa kanya
"Hindi eh. Next week na alis namin para sa Asia Tour." Sagot naman niya kaya napapout ako.
"Oonga pala."
"Ikaw sasama ba kayo nina Bea?" Tanong sa akin ni S.Coups. Naalala ko naman ang napag usapan namin ni Wooshin kanina.
"Ako at si Wooshin sure na pero si Bea hindi pa eh. Alam mo naman.." sagot ko sa kanya. Oo, sasama kami ni Wooshin sa school trip.
"Ahh oo. Sayang wala ka kanina dahil nagkaharap si Tito, ang dad ni hoshi at si Bea. Hindi pala alam ng dad ni Hoshi na wala na sila ni Bea so ayun si Bea namismo ang nag sabi sa dad ni Hoshi. Tapos ito namang si Hoshi pagkatapos mag walk out ni Bea ay sinundan naman niya si Bea. Di ko na alam ang nangyari pero ang gulo nilang dalawa eh mukhang mahal na mahal parin naman nila ang isa't isa." Parang tatay na sabi ni S.Coups kaya medyo na tawa ako.
"Hay Cheolie ko.. hayaan na muna natin sila." Saad ko naman.
"Date tayo?" Tinaas baba ko pa ang kilay ko habang sinasabi ko yan sa kanya. Ngumiti naman siya ng malapad.
"Gusto ko yan!" Sabi niya and with that ay hinawakan na niya ang kamay ko at hinila paalis ng Hoshi University.
Sumakay kami ng taxi at dumiretso kami sa Myeongdong. Buti na lang talaga at may baon siyang pang disguise kaya ligtas kami.
Bumaba kami kaagad sa taxi after naming mag bayad. Sinuot ko na din ang salamin at kupya ko.
Napatingin ako kay S.Coups ng hawakan niya ang kamay ko. Nginitian naman niya ako ng napakalapad kaya medyo natawa na lang din ako.
"Tara?" Aya niya kaya nag simula na kaming maglakad. Linibot namin ang Myeongdong. Kain lang kami ng kain kumbaga nag food trip lang kami hanggang sa mapahinto kami sa isang ice cream vendor na nag bebenta ng ice cream yung nasa cone pero mahaba ahaha.

YOU ARE READING
I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]
FanfictionJEOIAN PARK to JEONGHAN of SEVENTEEN??? WHAT?? ANDWAEEEE! BEST RANKS: #1 in Jeonghan #40 in Fan Fiction THANK YOU @yeolfic- and lourie dongsaeng for the past book covers