Chapter 43

1.1K 77 106
                                    

Jeoian's POV

"Here comes bangaw.." bulong ni Seungkwan na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong tawag mo sa kanya?" Tanong ko. Tinignan ko ang ibang members at mukhang nakikinig din sila sa amin except kay S.Coups na nasa harap ni Yeri.

"Bangaw. B-A-N-G-A-W.." mahinang sabi ni Seungkwan pero sapat lang para marinig naming lahat.

"Anong pinag uusapan ninyo?" Biglang sabi ni Yeri kaya nabalik ang atensyon namin sa kanila ni S.Coups.

Kumapit pa si Yeri sa braso ni S.Coups habang nakatingin siya sa amin. Jeoian.. Sawa ka ng masaktan hayaan mo na lang sila. Manhid ka na..

"Oww wait! What's this? Bakit ang dumi niyo?" Sabi ni Yeri atsaka siya bumitaw kay S.Coups at pinag pag ang sarili niya.

Ang arte mo po ateng. Ang sarap niyo pong ihulog sa kanal.

"Ohh it's nothing my dear bang~ bang~ bang~ awch!" Sabi ni Seungkwan. Pakunwari pa siyang kinakanta niya yung bangbangbang ng Big Bang at nasaktan daw kuno siya ng mahampas niya ng kaunti ang mukha niya para lang matawag niya ng bangaw si Yeri hahaha.

Galawang Boo Seungkwan..

"Seriously that's ew.." sabi ni Yeri. Nag taas naman ng kilay si Boo at akmang sasagot ng biglang mag salita si Mingyu.

"Oh my! I miss you so much dear~" sabi nito atsaka niya mabilisang binesobeso at yinakap si Yeri.

"Look dear.. Mas bagay na kayo ni Coups hyung oh diba. Matchy matchy kayo.." seriously? Mingyu?? Anong ginawa sayo ni Boo at nahawa ka na??

"OH MY GAWD!!" Inis na sigaw ni Yeri pero mukhang sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya.

"You're not supposed to say oh my gawd!" Sabi ni Vernon. Huminga naman ng malalim si Yeri.

"Yeah. Tama kayo.. matchy matchy na kami ng baby ko.." she said at kumapit na ulit kay S.Coups. okay..

"So ano na pala ulit ang pinag uusapn ninyo?" Tanong niya ulit.

"Ahh wala.. pinag uusapan lang namin ang bagong call sign ni----hmmph!" Muntik ng madulas si Hoshi buti na lang at tinakpan ni DK ang bibig niya.

"Anong call sign? Para kanino?" Tanong ni Yeri.

"Ahh wala may bago kase kaming alaga sa bahay.." medyo sarkastikong sabi ni Seungkwan. I can feel it nag sisimula nanaman siya.

"Really? Ano siya? I love pets!" Masayang sabi ni Yeri pero mababakas mo parin ang ka plastikan niya.

"Talaga? Ang cute nung alaga namin gusto mo ibigay na namin sayo?" Sagot ni Seungkwan.

"Sure! Ano bang pet yon?" Sabi ni Yeri.

"Pareho kayong maganda nung pet namin!" Nag papapalakpak pa si Seungkwan habang sinasabi ang mga yon.

"Really? OMG!" Sabi ni Yeri.

"Magandang patayin.." medyo mahinang sabi ni Seungkwan pero mukhang narinig siya ni Yeri kaya tinignan niya si Boo ng masama.

"What did you say?!" Naiinis na sabi ni Yeri.

"Wala po bangaw--ayy este Yero--I mean Yeri.." okay wala ng makakaawat sa ka divahan ni Boo.

"Hmph!" Inirapan ni Yeri si Seungkwan kaya inirapan din siya nito.

Biglang napalibutan ng katahimikan ang lahat. Walang nag salita ni isa kaya ako na lang ang mag aalis ng katahimikan.

"Tara uwi na tayo para makaligo na tayo.." sabi ko sa kanila. Sumang ayon naman ang iba ng biglang dumating si Manager hyung.

I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon