Chapter 63

1.3K 83 12
                                    

Jeoian's POV

"I miss you baby.." sabi ni Yeri atsaka siya lumapit sa pwesto namin. Yinakap niya si S.Coups. Tsk! Chansing..

"How's your day baby?" Sabi niyang muli. Nagulat ako ng makita ko ang kamay niya na nakahawak sa abs ni S.Coups.

"Ahm.. Excuse me lang ah? Kukuha ako ng tubig.." sabi ko. Kinuha ko ang damit ni S.Coups.

Dumaan ako sa harap nila ni Yeri kaya napalayo si Yeri atsaka ko pasimpleng inabot yung damit niya.

Dumiretso ako sa may gilid ng backstage at kumuha ng tubig doon. Medyo nakikita ko pa naman sila.

"Teka lang mag damit lang ako.." sabi ni S.Coups at lumayo kay Yeri but biglang hinawakan ni Yeri ang kamay ni S.Coups at kinuha ang damit nito.

"Ako na mag papasuot sayo baby.." sabi nito. Hindi sumagot si S.Coups. Like what the funk yo! Hindi man lang siya humindi!!

"Talandi ng bangaw na'to! Nakaka Hosht~" napatingin ako kay Seungkwan na sumunod pala sa akin.

"Nakakairita.. Minamaniac niya si Coups hyung! Ang sarap niyang sakalin no hyung??" Sabi ni Seungkwan sabay tingin kina Yeri.

Pinapasuot niya ngayon yung damit ni S.Coups. Tsk! Pasimple pa siyang nanyayansing eh! Kung pwede lang na sabunutan at pigilan ko sila eh kaso ako si Jeonghan ngayon eh..

Okay lang sana kung susugurin ko bilang Jeonghan si Yeri dahil alam naman niya at nina S.Coups at Jisoo na ako si Jeoian pero hindi kase alam ng ibang members na ako si Jeoian eh kaya napapa shut up na lang ako..

Pero teka..

May bright idea ako!!

"Paano kung dumating si Jeoian para tigilan nila ang kalandian nila?" Tanong ko kay Seungkwan. Tinignan niya ako ng may pag tataka sa mukha niya.

"Paano yun hyung? Eh hindi natin alam kung asaan si noona.." sabi niya kaya ngumisi lang ako.

"Paano kung mag panggap ako bilang si Jeoian?" Mas lumaki ang ngisi sa labi ko. Nagulat naman si Seungkwan pero agad din siyang na pangiti ng malaki.

"Mukhang maanda ang plano mo hyung.. Sige go ako dyan!" Masayang sabi niya sabay palakpak pa.

"Pero paano kaya mo ba siyang gayahin yung? I mean gayahin by movements?" Tanong niya. Hinarap ko siya at nginitian.

"That's so easy.." sabi ko. Madali lang yon dahil ako naman talaga si Jeoian.

"So ano ng gagawin natin hyung?" Masayang sabi ni Seungkwan.

"Tara sa waiting room.." sabi ko kaya pumunta na kami sa waiting room namin.

Sinalubong kami nina Dondie noona doon. Sinabi namin ang plano namin since kakampi din namin sila sa AntiBangawSquad namin.

Pinasuotan ako ni Dondie noona ng simpleng fited jeans, isang malaking white t-shirt at isang rounded eye glasses. Linagyan din ako ng hair extension nina Dondie noona at linagyan din ako ng bangs topos inipitan nila ako ng buo at linagyan ng bandana ang ulo ko. Ang ganda din ng sapatos na pinasuot niya sa akin at aamin ako na first time ko mag suot ng ganitong sapatos.

Linagyan din ako ng light make up nina noona I mean eonni since naka pang babae na ako ngayon.

"Wow Hannie ko! Ang ganda mo! Kamukha mo na talaga si Jeoian~" sabi ni Dondie noona kaya natawa ako.

"Okay na ba noona?" Tanong ko gamit parin ang boses ni Jeonghan.

"Oo.. I wonder kung mag kapatid ba kayo ni Jeoian o hindi.. Mag kamukha kase talaga kayo eh." Sabi niya pa. Ako din.. Minsan naisip ko kung kapatid ko ba si Jeonghan oppa o hindi..

I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]Where stories live. Discover now