PLEASE READ THE A/N SA DULO.. KEKE :)
*****
Jeoian's POV
Minulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag alog sa akin. Sigurado akong si Doyoon iyon. Nakatulog lala ako kanina.
"Andito na tayo?" Tanong ko kay Doyoon ng magising ako kaya tumango siya. Tumingin ako sa orasan ko at 11am na. Teka! 5hrs kaming nag byahe??
Bumaba ako sa sasakyan. Dito kami sa tabi ng dagat huminto pero di ko alam kung saan ito.
"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya. Bumaba na din siya.
"Nasa isang resort tayo sa probinsya namin.." a-ano? Probinsya??
"A-Ah ganon ba? A-Ano nama.g gagawin natin dito?" Tanong ko. Alam ko naman na mag f-friendly date kami pero bakit dito pa?
"Mag dedate tayo diba?" Nakangiting sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Tara kain muna tayo." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang parang restaurant dito.
Pinaupo niya ako sa isang upuan tapos ay umupo na siya sa harap ko.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin.
"Ahh kahit ano na lang. Ikaw na bahala." Sagot ko at ayun siya na lang ang nag order.
Di ko alam sa sarili ko pero naiilang talaga ako sa kanya ngayon. Parang may kakaiba eh. Tapos nakaka ilang din yung mga ibang tao na andito din dahil pinag bubulungan kami.
"Ang gwapo talaga ni Doyoon!" Girl 1
"Omg girl! Si Doyoon yung actor yan!" Girl 2
"OMG! Baka yan yung non-showbiz girlfriend niya daw na sinasabi ng mga sasaeng.." girl1
"Oonga.. Bagay sila no!" Girl2
"Yuck! Who's that girl? Di sila bagay ni Doyoon." Froglet 1
"Yah right! Mas bagay kayo.." Froglet 2
Tumingin ako sa mga nag bubulungan. Natawa ako nung inirapan nung dalawang babae si froglet 1&2 buti nga! Ahaha..
Pero for their info lang.. WE. ARE. FRIENDS.. hindi kami lovera no!
"Oh andito na pala yung food.." sabi ko pagkaharap ko pabalik sa table.
"Tara kain na tayo.." sabi ni Doyoon kaya kumain na kami. Grabe ang sarap ng mg inorder niya! Hmm..
Nasakalagitnaan ako ng pag nguya ko nang magbulungan nanaman yung mga nasa paligid namin. Yung iba busyng kumakain pero di ko alam sa mga babaeng to pero bulungan
sila ng bulungan. Di ko nga alam dito kay Doyoon kung bakit nakikilala na siya ng mga tao ay wala parin siyang pake.HELLO!! Actor ka kaya!
Tinignan ko ang orasan ko at 12:30 pm na pala. Nag patuloy na lang ako sa pagkain ko at hinayaan na lang sila.
Nang matapos kami ay bumalik kami kung saan naka park yung kotse. Ngayon ko lang napansin na kami lang ata yung tao sa part na'to sa tabi ng dagat. Not really kami pero bilang lang yung mga nandito. Sabagay, sino ba ang pupunta dito kung may yelo yung dagat. Pasko kaya!
Ewan ko ba dito kay Doyyon at dito naisipang pumunta.
Sumakay ako sa passenger seat at nag seatbelt na. Hinihintay kong sumakay si Doyoon ng bigla niyang katukin ang bintana sa tabi ko kaya binuksan ko iyon.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya sa akin.
"Malamang aalis na tayo diba?" Sabi ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti ng malapad.

YOU ARE READING
I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]
FanfictionJEOIAN PARK to JEONGHAN of SEVENTEEN??? WHAT?? ANDWAEEEE! BEST RANKS: #1 in Jeonghan #40 in Fan Fiction THANK YOU @yeolfic- and lourie dongsaeng for the past book covers