Chapter 48: Caught

1.2K 86 73
                                    

Jeoian's POV

Nagising ako dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko at dahil rin sa giniginaw ako.

Binalot ko ng kumot ang buong katawan ko pero wala paring epekto. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang pagkirot ng mga binti ko.

Dahan dahan akong tumayo kahit na masakit ang mga binti ko at mabigat ang pakiramdam ko.

Nag lakad ako ng dahan dahan at paikaika papunta sa kitchen at kumuha ng tubig at gamot atsaka ko ininom iyon.

Pabalik na sana ako sa kwarto ng makasalubong ko si S.Coups. Nag katitigan kami pero agad din akong umiwas at linag pasan siya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya hindi ko siya sinagot at nag lakad ako ng maayos para hindi niya makita na nahihirapan ako.

Pag dating ko sa kwarto ay kumuha ako ngmakapal na jacket at sinuot iyon.

Humiga na ako at binalot ko ng kumot ang ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko.

Bukas dapat wala ka ng sakit Jeoian arasso? Wag ka nang mag pabigat pa..

***************
Joshua's POV

Maaga kaming pumunta sa venue ng music show kung saan kami mag peperform mamayang gabi para makapag practice kami sa stage.

Nandito kami ngayon waiting room. Tahimik lang ang laha dahil sa nangyari kahapon. Wala din kumakausap kay S.Coups pero minsan ay kinakausap siya ng iba pero mabilisan lang.

"Hello!" Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng may mag salita.

Nakita ko si Minhyuk ng Monsta X na kumakaway sa amin habang nasa likod niya ang ibang members na kumakaway din.

"Oh! Monsta X hyungs!" Sabi ni Seungkwan atsaka siya lumapit kina Minhyuk at nakipag chest bump.

"Asaan ang Jeonghannie ko?" Sabi ni Minhyuk hyung. Close sila ni Jeonghan kaya ganyan ang tawag niya sa kanya.

Hinanap ko na man si Jeonghan sa buong waiting room. Nakita ko siya na nakahiga at tulog sa likod nina Dino,Vernon at DK sa may couch kaya hindi mo siya agad mapapansin.

"Hyung ayon si Jeonghan.." sabi ko sa kanya atsaka naman niya linapitan si Jeonghan.

Lumapit naman ang ibang members sa Monsta X at nakipag kwentuhan sa kanila. Napansin ko hindi lumalapit si S.Coups kaya linapitan ko siya.

Okay alam ko dapat galit din ako or naiilang sa kanya pero eader parin namin siya at kaibigan.. Chicken already healed my heart kaya mabait ako.

"Coups.." pag tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tanong niya atsaka niya ako tinignan na mukhang ikinagulat niya.

"Joshua.." sabi niya.

"Bakit di ka nakikisama sa kanila?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ahh.. nahihiya ako dahil sa kagabi.. Sorry pala.." sabi niya. Kaya ko syang patawarin pero once na naulit yon baka hindi na.

"Okay lang yon.. Sali ka na don! Nahihiya lang din sila sayo no!" Sabi ko sa kanya atsaa ko siya nginitian kaya ngumiti siya.

"Salamat Joshua.." sabi niya kaya tumango ako.

Sabay kaming lumapit at nakipag kwentuhan sa kanila. Nag papatawa pa nga sina Hoshi.
Napag alaman ko na kaya pala sila pumunta dito ay may performance din sila mamayang gabi at gusgo nila sabay sabay daw kami mag practice at para daw makapag bonding kami.

*************
Minhyuk's POV

Linapitan ko si Jeonghan. Umalis naman sina Vernon sa may couch at lumapit sila kina hyung.

I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]Where stories live. Discover now