Chapter 31

1.2K 64 8
                                    

Makalipas ang dalawang buwan..

Jeoian's POV

Nag mamadali akong tumatakbo papunta sa classroom namin dahil late na ako. Napuyat kase ako kagabi kaka nuod sa One Fine Day at iba pang fancams ng Seventeen.

Hayy.. Oo hindi madali yung ginagawa ko pero siya naman nag sabi na supportahan ko sila diba?

Naalala ko nanaman yung last na pagkikita namin. Yung sa supermarket. Halos isang buwan yata akong umiiyak, buti na lang andyan si Bea para patahanin ako..

Medyo okay na ako ngayon. Sabi nga nila tuloy tuloy lang ng buhay. Kung na saktan ka man ngayon take that as a lesson. Move on and Let go..

Aish! Ano ba yan baka malate na ako nito..

Binilisan ko pa ang takbo ko ng mapadaan ako sa isang kumpulan ng mga babae. Anong meron dito? Aish! Late na ako! Jeoian alis na!

"Oppa pa kiss naman!"

"Oppa dali na pa kiss.."

"Ahh.. ahehe.."

"Oppa diba wala kang girlfriend? I can be yours.."

"Oppa pa kiss jebal.."

Ano yun?? Aish! At dahil totoo nga ang curiosity kills the cat ay sinilip ko kung ano ang nangyayare doon.

Hala! Kawawa naman si kuya.. Gwapo pa naman sana.. Ang gulo na ng damit niya tapos pinag sisiksikan na siya ng mga babaeng ito? And more on pinag sasamantalahan na siya..

Naptingin ako sa orasan ko. Hala! Late na ako! Tatakbo na sana ako kaso naawa na ako doon kay kuya. Aish!

Okay fine.. late narin ako! Tutulungan ko na siya..

"Hala!! Sino yon?? OMG! SI HOSHI NG SEVENTEEN!!!" Tili ko at mukhang na alarma naman yung mga babae.

"OMO! NASAAN??"

"DOON AYUN OHH!!" Sabi ko kaya nag si takbuhan naman sila. Tumingin ako kung nasaan si kuya pero literal na napanganga ako dahil meron paring mga iilang babaeng nakapalibot sa kanya.

Ano ba to? Artista?? Aish..

"Hey excuse me lang ah.." sabi ko sa mga babae at pumunta sa harap nung lalaki.

"Kanina ko pa napapansin na binabastos niyo na siya!" Sabi ko sa kanila sabay turo doon sa lalaki. Ano ba yan? Gwapo at medyo matipuno naman siya pero bakit di niya pinag tatanggol sarili niya? Ano siya artista na iniingatan ang image niya??

"Sino ka ba?? Wag ka makialam dito! Kasusap namin ang oppa namin! Umalis ka dyan!" Tinignan ko naman ng masama yung babaeng nag sabi non at mukha namang natakot siya.

"Kapag di niyo siya linubayan.. Isusumbong ko kayo sa office! Sasabihin ko nirape niyo siya!!" Sabi ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako kaya tinignan ko sila ng masama kaya ayun nag alisan na sila.

Tinignan ko ang orasan ko at late na talaga ako kaya nag mamadali akong nag paalam kay kuya..

"Ingat ka na ah! Mauuna na ako!" Sabi ko sabay takbo papunta sa classroom namin.

Pag dating ko sa classroom ay himala! Wala pa si Mr. Chu! Mansae! Mansae! Mansae!!

"Uyy bessy!! OMG!" Bungad ni Bea pagkapasok ko sa classrom namin.

"Oh ano nanaman yon?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Bessy na out na yung episode 4 ng One Fine Day ng Sebongii!!" Masayang sabi niya.

"Ikaw ba bessy na panuod mo ba??" Tanong ni Bea kaya naman tumango ako at nginitian siya.

"Oo naman! Hehe.." sagot ko sa kanya..

I'M NOT SEVENTEEN'S JEONGHAN! (Seventeen FanFic) [ON-HOLD]Where stories live. Discover now