Special Chapter

47.5K 688 40
                                        

Special Chapter

Me topak lang ako at ayaw kong I update ang iba ko pang stories…

Ayaw ko nang ipartner si Jellaine kay Claude Anton, hanapan ko siya ng bagong lovelife, ibibigay ko siya kay Zanjo. Para kasing di sila bagay ni Claude.

Kaya ko naisip ang chapter na ito para sa kanilang dalawa...walang basagan ng trip...

********

“Easy bro, napaghahalata kang kinakabahan.” Sabi ng kapatid ni JC. Nagyon kasi ang kasal nila ng babaeng pinakamamahal niya, si Ma. Venice Klein. Pinalipas pa kasi nila ang isang taon bago ang church wedding. Ganun raw kapag namatayan, sino ba naman kassi ang nagpa uso ng ganun? He was very sure that Calixto Chou would understand him if he will marry Mavee a week after his funeral. Pero masunurin siya eh, masunurin siyang asawa. Kapag si Mavee ang nagsabi na kailangang maghintay, maghihintay siya.

Kaya two days after Calixto Chou’s death anniversary is their wedding. Their twins are of course included in the entourage na ngayon ay nakikita ni JC na hinahabol na ng mga Yaya nito dahil sa sobrang kalikutan.

Leila is their maid of honor, and the best man is Cyrus, nag palabunutan pa ang dalawa kung sino ang magiging best man niya. His two brothers and Claude are their groomsmen. Gusto niya sanang isali si Zanjo sa entourage pero may allergy pa ito sa kasal.

And speaking of Zanjo, nasaan na ba ito? Kabilin-bilinan nilang magkakapatid na huwag itong mawawala sa kasal.

“I saw him outside, mukhang wala yatang balak pumasok. Intindihin mo na lang. Di pa yata nakaka move on hanggang ngayon.”

Tsk! Huwag na nga niyang intindihin, kanina pa kasi siya kinakabahan. Ten minutes na lang at magsisimula na ang kasal, nakita na niyang nagreready si Father pero ang bride niya ay wala pa. Kinuha niya ang cell phone niya sa kapatid at tinawagan si Mavee.

“Where are you?”

“Paalis na.” Napangiti si Mavee, halata sa boses ng asawa na kinakabahan ito. Bakit pa ba siya kakabahan eh mag-asawa na nga sila, kasal na sila sa huwes. May sira talaga itong si Craig kahit kailan.

“Be sure that you will be here, Ma. Venice Klein-Chou, or else, ipapasundo kita sa chopper.”

Tumawa si Mavee. “Craig, do not use that tone on me.”

Napabuntung hininga ito. “I know, I’m nervous Mavee. I need to see you. I missed you.” Ang sweet lang naman talaga ng asawa niya.

“Craig, I love you.”

“I love you more, Honey. Come fast please.”

“Opo. Ibababa ko na, yung mga anak natin, baka ano ng hitsura nila pagdating ko.”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now