22
(salamat sa mga bago kong followers dahil sa story na to na ewan ko paano nabuo at kung paano mag- eend..hehehe)
******
“Sino si Hubert Gonzalo?” Ibinigay ni Zanjo ang papeles sa kanya. Nandun lahat ng impormasyong kailangan niya. Isang napakalaking larawan ni Hubert ang laman nito at ilang papeles. Napakunot noo siya, bata pa pala. Ang inaasahan niya ang isang matandang hukluban ang magkakainteres kay Mavee. Hindi naman pangit, mukhang may sinasabi at mukhang hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Nagkita na ba sila ni Mavee? Bakit hindi siya nagkagusto rito? Mukha namang habulin ng babae.
“Isa siyang businessman, katulad mo rin Craig. Masyadong tuso at marunong maglaro, sa galing niya, literal na laman siya ng pasugalan, laman ng mga casino. Hindi alam ng mag-ina na nalulong sa sugal si Alejandro. Alam natin yang pareho di ba? Kaya nga nagkaproblema siya sa company niya, napunta sa atin yung isang ibinenta. At lam natin ngayon na unti-unti siyang bumabangon. Pero ang plano, hindi na niya magagawa yun.”
“Paanong nagkainteres siya kay Mavee?”
“JC, I know you are aware that Mavee is damn hot!” Tinignan ni Craig ng masama si Zanjo. “Easy, hindi mo ako kaaway, napaghahalata ka.” Tumawa pa ito.
“Shut up!”
“Oo na, kahit sino JC magkakainteres kay Mavee. You know men! Hindi malayong ganun din si Hubert. Eh pakipot yang chicks mo, hindi yata nagkainteres sa kanya, yung theory ko Pare, hindi matanggap ni Hubert yun.”
“Then kailangan niya talagang tanggapin. Hindi para sa kanya si Mavee.” Nakasimangot na sabi niya.
“JC, are you sure you are not in love with Mavee?”
Tinignan niya ulit ng masama si Zanjo. “I’m not in the mood, Zanjo. Alam mong hindi ako naniniwala jan.”
Tumawa lang si Zanjo, alam niyang pikon na si JC sa itsura pa lang nito, pero alam niyang hindi naman ito pikon lalo na at pagdating sa babae. “Sinabi mo eh, ako, payong kaibigan lang JC, mahirap kapag sa huli mo na aminin sa sarili mo yan, pagkatapos malalaman ni Mavee ang pinaggagawa mo, baka luluhod kang papunta sa kanya.” Dagdag asar niya.
“No way! Kung wala kang magandang sasabihin, Zanjo, umalis ka na.”
“Bye JC, yung puso mo, baka hindi na kilala ng utak mo. Hahahaha!” Binato niya ito ng ball pen pero nakalabas na si Zanjo.
Muli niyang tinignan ang larawan ni Gonzalo, kailangan niya itong makilala, hanggang ngayon ay may interes pa pala siya kay Mavee. Maruming maglaro ha, tignan natin kung sino sa kanila ang mas magaling.
*****
Nasa isang kilalang casino siya ng Gensan, ayon sa informant niya, dito naglalagi si Gonzalo, titignan niya ang galing nito. Agad na nahagip ito ng mga mata niya. Nakaupo ito sa mesa at nagsusugal. May kinausap siya sa loob at ilang sandal pa, magkaharap na sila.

YOU ARE READING
He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)
General FictionJay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich man hires someone to be his girlfriend? There might be reasons...would you like to know why? "Kapag...