28

47.1K 768 65
                                        

28

Ano raw? Hilo na ba siya kaya hindi niya na maintindihan ang sinasabi ng gagong to? Teka, bakit niya ba ito kasama ngayon? Di ba may kadate siya at kasama niya si Leila at Cyrus? Bakit siya nasa kotse nito?


“Ibaba mo nga ako!”

Hindi siya pinansin nito, nakatutok lang ang mga mata nito sa daan. Parang wala lang itong narinig.

“Ano ba, Craig, ano bang problema mo ha?” Inis na inis na siya sa binata.

“Ihahatid na kita pauwi.” Mahinahon nitong sabi.

Natutuyuan na talaga ng dugo si Mavee, ano bang kalokohan ang sinasabi ni Craig, matapos siyang hilain palabas ng bar, at matapos nitong sirain ang date niya at matapos nitong suntukin si Claude na wala namang ginagawang masama, sasabihin lang nitong ihahatid siya pauwi.

“Demonyo ka talaga Chou! Ano pa ba ng gusto mo ha? Kulang pa ba ng pagpapahirap mo sa akin? Sira na nga kami di ba? Nakuha nyo ng lahat-lahat!” Pinagsusuntok niya ito habang nagmamaneho.

Tinignan niya ng masama si Mavee. “Gusto mo bang mamatay ha? Nagmamaneho ako.” Kahit naman babae ito ay malakas pa rin ang mga suntok at palo nito sa kanya.

“Sana nga pinatay mo na lang ako, Craig. Sana ako na lang, sana hindi na si Daddy! Sana hindi na nalulungkot si Mommy ngayon. Sana binigyan mo ako nang choice.” Humagulgol na siya, hindi niya alam kung epekto ba ng nainom o ng nararamdaman o dahil si Craig ang kasama niya ngayon, basta ang alam niya, hindi na niya napigilan ang sarili.

“Mavee.”

“Ang sama-sama mo Craig! Ang sama-sama mo at ng pamilya ninyo. Minahal naman kita, ibinigay ko lahat-lahat sayo, bakit nagawa mo sa akin ito. Dahil ba sa nangyari kina Mommy at ng Daddy mo noon? Bakit ang laki-laki naman ng kinuha mo. Hirap na hirap na ako Craig!”

Di na kaya ng binata ang nakikita, itinabi niya ang kotse at agad na kinabig ang dalaga papalapit sa kanya. Pinagsusuntok pa rin siya nito pero hindi na niya ininda. Umiiyak pa rin ito kahit yakap na niya. Kung sana pupuwede lang tunawin ng yakap niya ang galit na meron ito ngayon. Kung pupuwede lang burahin sa mga alaala nito ang nagyari. At kung pupuwede lang na hindi niya ito makitang nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya.

Nung mapagod siya sa kakasuntok kay Craig at nung nailabas na niya ang kung anong nararamdaman niya ngayon, saka niya inilayo ang sarili sa binata. Wala naman siyang magawa, hindi naman siya pupuwedeng lumabas ng sasakyan ngayon kahit pa gugustuhin niya. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Bakit ba kasi umiiyak pa rin siya hanggang ngayon? Bakit kasi tuwing nakikita niya si Craig ay bumabalik lahat-lahat ng nangyari sa kanya? Sabi nga ni Leila, normal yun dahil tao siya.

Tinignan siyang muli ni Craig, pagkatapos ay muli nitong pinaandar ang kotse. Narinig niyang tumunog na naman ang cell phone nito, kanina pa actually may tumatawag sa kanya but he was just ignoring it. Siguro ngayon ay nairita na siya kaya sinagot na niya ito.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now