25

46.3K 807 85
                                        

25

(Sensiya, hindi ako pang drama, pang baliwan festival ako….anyare na sa kuwentong to, madaling araw tinype, ayaw ko basahin ulit….)

******

“Mom, you need to take this, para mapabilis ang paggaling mo.” Simula kasi nang inilibing ang daddy niya ay wala ng ginawa ang Mommy ni Mavee kundi ang umiyak.Madalas itong nakatingin sa kawalan, madalas na malungkot. Kinuha naman ng Mommy niya ang gamot na ibinigay niya. Kumain ito kanina pero kakaunti lang.

Nasa bahay sila ng isa nilang kamag-anak, wala namang nakatira sa bahay ng mga ito kaya ipinahiram na muna sa kanila.  Pangako niya sa ina, kapag nakahanap siya ng magandang trabaho, ibibili niya ito ng simpleng bahay. Wala na ang mga kasambahay nila, ang Yaya na lang niya ang natitira, ito ang kasa-kasama nila sa bahay, kapamilya na rin kasi ang turing nila rito, parang pangalawang ina niya.

“Ma, maghahanap lang po ako ng trabaho.” Halos isang buwan na rin kasi mula ng mawala ang Daddy niya, ayaw naman niyang maubos ang pera niya sa bangko ng wala man lang nakikitang trabaho. Ang sabi ni Attorney Buxani, may natira pa naman raw sa perang pinagbentahan ng lahat ng ari-arian ng Daddy niya, pero hindi na siya interesado dun.

Ang sabi ni Leila na nasa Manila ngayon ay open raw ang company na pinapasukan niya, pupuwede siyang mag-apply dun, maganda ang pasuweldo. Kung sabagay, ang gusto niya kasi ay magsimulang muli, kalimutan ang lahat ng nangyari. Gusto niya rin kasing maiba naman ang paligid ng Mommy niya, para mas mapadali ang pag momove on nito.

Nasa sasakyan na siya ng  tumawag si Attorney, kung pupuwede sana raw siyang mag drop by sa office nito. Pumayag naman siya. Seryoso nitong ipinapaliwanag sa kanya ang kontratang napirmahan ng ama bago ito atakihin.

“Ano pa ba ang gusto nila attorney? Nakuha naman nila ang lahat di ba?”

“Iha, I understand, but they just called up and they are insisting. Gusto ko sanang gumawa ng paraan pero wala akong magagawa. Masyado silang mapilit.”

“So, what do they want? Wala naman siguro pang mas masamang balita na kaya niyang harapin kung hindi yung pagkamatay ng ama niya.”

“They want you to work with them. Sorry iha, pero kasama sa mga napagkasunduan ay magtatrabaho ka sa mga Chou, magiging personal assistant ka ng kung sino man ang magiging president ng company.”

“What?!” Napatayo siya.

“Iha, they will pay you, maganda ang pasuweldo, 30 thousand a month.”

“Kahit isang milyon pa isang buwan, Attorney! Hindi pa ako nasisiraan ng bait!”

“Iha, calm down. Pag hindi nasunod ang nasa contract, they can sue your father supposedly, but he’s gone, so ang mangyayari ang Mommy mo ang mag susuffer.”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now