15

47.5K 606 17
                                        

15

  True to his words, maaga pa nga ay tumawag na si Craig sa kanya para ipaalala nito ang appointment   niya with Dr. Gan.

Maganda ang doktora kahit medyo may idad na, mukha itong mabait.  

"So you are Mavee, I'm glad you came, actually JC was hesitant when he first scheduled you here. Ang   sabi ko naman, if the two of you are not yet ready, why not. It's for your own good naman."  





Ngumiti siya ng tipid. Nahihiya kasi siya, siyempre, kung kilala ng doktora si Craig, malamang alam din   nito na wala itong asawa, pagkatapos may ginagawa na sila, parang awkward moment lang. Napansin   siguro ng doctor na asiwa siya sa sitwasyon.




"Wag ka nang mahiya, Iha. Sometimes, we should act like mature individual kaysa naman na hindi tayo   ready in handling a responsibility, mas mahirap yun. At saka, JC is very dear to me, parang anak ko na   yan, kaibigan ko kasi ang Mommy niya."  



"Po?" Mas lalo yatang nakakahiya if malalaman ng Mom ni Craig ang pinaggagagawa nilang dalawa.   Mukhang nasense naman ni Dr. Gan ang iniisip niya.


"Don't worry Mavee, can I call you Mavee? Yun kasi ang sabi ni JC na nick name mo. Confidential lahat   ng files ko, kayong dalawa lang ni JC ang makakaalam ng kung ano man ang magiging results ng mga   tests mo."







"Ganun po ba?"  




"Of course, Iha. Shall we start?" Sumunod si Mavee sa pinaggagawa ni Dr. Gan sa kanya. Nakatulong siguro na soft spoken ito kaya   medyo kumalma siya.





Ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang gawin, mga bagay bagay na makakabuti   at makasasama sa kanya, fertility period, at iba pa na halos hindi na niya maalalang lahat.



Ipinaliwanag   nito kung paano gamitin ang inireseta sa kanya kasama na ang side effects.   Nasa kalagitnaan sila ng pag - uusap ng biglang tumunog ang cell phone niya, si Craig. Tumingin siya sa   doktora kung pupuwedeng mag excuse.




"Go ahead, Mavee." Lumayo lamang siya ng kaunti.







"Hello."




"Hon, where are you?"




"I'm at Doc. Gan's clinic. Why?"




"Good. Can I talk to her? As much as I wanted to go there to be with you, hindi pupuwede, Mom's will   arrive in an hour."






"It's okay, mabait naman siya, Craig."  




"Yes, she is Hon and mapagkakatiwalaan ko siya."   Ibinigay niya ang cell phone niya sa doktora, inulit lang nito ang mga sinabi sa kanya. Talagang serysoso   si Craig sa gusto nitong mangyari, ang tanging tanong niya lang sa sarili, tama ba itong ginagawa niya?




  Hindi niya nga akalain na susunod siya sa mga gusto nito, before, she doesn't want to be controlled, that   is why she went here in Manila rather than follow her parents. Pero ibang usapan naman yung sa kanila.  




Masaya siya na sinusunod ito, masaya siyang nakikitang ngumingiti ito kapag kasama siya. She is happy   being controlled by him. Talagang habang tumatagal ay lumalalim na yung nararamdaman niya sa   binata.  




"Mavee, naintindihan mo ba yung mga explanations ko? Yung nobyo mo, nakakatuwa, talagang in - love   siya ano?"



"Po?"




He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now