34

44.5K 638 20
                                        

34

“Mavee, don’t …

“Oh! Hindi mo pa ba alam? Kahit kailan talaga, may pagka tanga ang mga Klein, katulad ng ama mo.”

“Huwag mong idamay ang ama ko rito!”

“Matapang! Pero pumasok ka sa bitag namin, sa bitag ni JC.” Tila demonyong tumawa si Calixto Chou.

“Pa! Please, wala ito sa plano natin.” Nakikiusap si Craig sa ama. Hawak pa rin niya ang kamay ni Mavee.

“Anong wala? Di ba umpisa pa lang, ang plano ay paibigin ang isang yan, then drop her like a hot potato just in front of her Dad. Pumalpak tayo dun dahil inatake si Alejandro, then we hired her, still part of the plan para masigurong durog na durog ang mga Klein, kasamang madudurog ang puso ng ina niya. Still dump her after, anong wala sa plano Jay Craig?”

“Mavee.” Tumingin si Craig sa dalaga.

Inalis nito ang pagkakahawak sa kamay niya. “Mavee, don’t listen please.” Nagmamakaawa na si Craig.

“Totoo ba, Craig? You will let me fall for you and drop me like a hot potato?”

Naihilamos ni Craig ang kamay. “Mavee.”

“Totoo ba!”

“Yes, but…”

She slapped him. Then he looked at Calixto Chou. “Mga demonyo kayo, magsama kayong lahat sa impiyerno!”

“Mavee!”  Tinagkang habulin ni Craig ang dalaga pero hinawakan siya ni Calixto.

“Bitiwan ninyo ako, baka makalimutan kong ama kita.”

Tuloy ang patak ng mga luha niya. She doesn’t know what to do, narinig niyang tinatawag siya ni Craig kaya mas along binilisan niya ang pagtakbo. Naabutan siya nito at hinawakan ang braso niya.

“Mavee, listen please.”

“Don’t touch me! At huwag na huwag kang susunod. I hate you, I hate you, Craig!”

Nanghihina na binitawan ni Craig si Mavee. He just looked at her moving away from him. “Mavee.”

*******

Hindi muna tumuloy si Mavee sa bahay nila, ayaw niyang makita ng ina na umiiyak siya, ayaw niyang masaktan ito at matutuwa ang mga Chou. Dumireho siya kina Leila, lumipat na naman kasi ito sa condo nila ng boyfriend niyang si Cyrus, nagulat ito nung makita siya na umiiyak. She cannot believe what she had narrated.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now