11
(kaway kaway! Sorry, now lang ako nag update, itong story na muna para maka pag focus, wala akong focus eh, sa games and focus ko... :)
*****************************
“Mr. Chou!”
“Craig!”
Nagulat silang dalawa sa biglang pagsulpot nito.
“I am just helping him in…”
“It’s his job, Mavee, and I’m paying him for that.” Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito.
“Craig!”
“I’m sorry, Takashi.”
“Why are you saying sorry to him, Ma. Venice.” Dumagundong na ang boses nito sa buong kusina.
“Ano bang problema mo ha, Craig?”
Nag excuse si Chef Takashi sa kanila. Alam niyang umalis na ang mga ito. “Ano ba ang problema mo, Craig ha? Wala namang ginagawang masama ang tao sa yo?”
“Kumain ka na.” He just ignored her question.
“ikaw ang kumain niyan kung gusto mo. Hindi sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay nasusunod ka Craig, take note of that.” Magmamarcha n asana siyang paalis nung nahagip nito ang braso niya. Hinila siya nito paharap sa kanya. Bigla siya nitong niyakap, dahil matangkad ito ay hangang dibdib lang siya. Dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.
Hindi niya alam kung ilang segundo rin silang ganun bago ito nagsalita. “I just don’t like seeing you with other men, Ma. Venice.”
“Why?” Yun lang ang nasabi niya.
Humiwalay ito saglit sa kanya bago yumuko at hinalikan siya. It was just a short kiss but mind blowing, sino ba naman ang hindi mawiwindang sa halik niya.
“I will really try not to be bossy when you’re around Mavee. I’m..I’m sorry.”
Bumuntung-hininga na lang siya, this person in front of her might be complicated but she wanted and will try to understand him. Siguro sa ikli ng panahon na nakasama niya ito, alam niyang may nabago sa sistema niya. Konting lambing lang nito, nawawala na kung anumang tampo meron siya.
“Let’s eat? I’m really starving Mavee, wala akong kain sa kaaantay ng text message o tawag mo.” Binuhat nito ang upuan para makaupo siya bago ito umupo. Ang sweet at ang gentleman lang talaga. Parang ang sarap isipin na nagkakagusto na ito sa kanya, o sadyang ganito lang siya sa lahat ng mga babaeng kasama niya.

YOU ARE READING
He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)
General FictionJay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich man hires someone to be his girlfriend? There might be reasons...would you like to know why? "Kapag...