CHAPTER 41

82.2K 2.6K 538
                                        


CHAPTER 41

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula noong huling kita ko kay Gabe. Like what he said, binigyan niya ako ng oras para mag-isip. Hindi niya ako ginulo pero mas bothered ako lalo dahil hindi siya nagpaparamdam. Hindi rin ako tinanong ni Ravince, basta napansin ko lang na ang bait-bait niya sa akin ngayon.

"Sure ka talagang dito ka na ulit sa apartment mo? Baka mamaya umiyak ka na naman." Tumingin pa si Ravince sa unit ni Gabe. Saka niya ikinuyom ang mga palad.

"I'm fine Ravince."

"Sigurado ka talaga?" Muling tanong niya sa akin and this time ay nakatingin na siya sa mga mata ko.

"Yes, puntahan mo na si Robin." Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala sa akin. "You have nothing to worry about."

"That's when I worry the most." Pero kahit ganun ay nag-nod na rin siya. "Call me kapag may kailangan ka o kaya si Oliver. Kahit papaano naman tiwala ako doon." Tumango rin ako bilang tugon.

"I will. Thanks."

After ng isang oras ay tumawag sa akin si Kevin. Mag-aral daw kami para sa compre namin. 3 weeks na lang kasi at compre na. Kailangan naming pumasa para makapag-fifth year sa school na ito. Nagreply ako na dito na lang sa apartment. Ayokong lumabas, e. Kapag sa mga coffeeshop kasi kami hindi rin kami makakapag-aral. Titingin lang sila ng magagandang babaeng labas-pasok sa shop. Ganyan sila. Makakita lang ng legs susundan na nila ng tingin. Maraming distraction kung sa labas kami mag-aaral. Mahirap magfocus.

Lumabas na muna ako ng apartment para bumili ng makakain. Bumilli ako sa isang kainan na malapit lang sa apartment namin. Malinis naman kasi dito at may aircon pa. Nang makabili na ako ay kaagad akong bumalik.

Paakyat na nga ako sa third floor nang makita ako ni Gabe.

"Angel?" Mabilis itong lumapit sa akin at ibinaba ang hawak nitong plastic para mayakap ako. I didn't hug him back. Pero nang kumalas ito ay nginitian ko pa rin siya kahit papaano at nilagpasan siya. "Hinintay ko ang tawag mo." Sabi nito sa akin. "Hihintayin kong kausapin mo ulit ako." I bit my lower lip and faced him. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, huminga nang malalim at muling tinignan siya.

"Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko." Tumingin ako sa plastic na muli nitong hinawakan. MILK. Napatango ako pero kumikirot ang dibdib ko.

"Pinalayas si Carissa sa bahay nila." Nakayukong paliwanag niya. Hindi ko alam kung dapat ko pang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin. "Dito siya titira."

"Kasama mo?" Patanong na tuloy ko sa sinasabi niya. "Tama naman, e." Pinilit kong maging kalmado ang boses ko saka ko siya nginitian. "Responsibilidad mo naman kasi siya. Sige, mag-aaral pa kasi ako."

"Miru... huwag naman kasi ganito."

"Paanong hindi? Ibabahay mo na nga, e! Anong gusto mong gawin ko? Maging kabit mo kapag nagpakasal kayo?"

"Bakit ba kasi kasal kaagad ang nasa isip mo? Kung anak ko nga 'yun, pwede ko naman suportahan lang. Hindi mo ba ako tanggap kung may anak ako? Miru naman. Marriage won't work on our situation. You think I can marry her? No for Pete's sake! I can't even see myself marrying her!"

"You're cruel. Hindi mo ba naisip yung magiging anak niyo? Paglaki niya tutuksuhin siya kasi hindi pinakasalan ng ama niya ang ina niya? Gusto mo ba yun?" Naiiyak ako pero pinipigilan ko. "Gabe, naiintindihan ko naman na mahal mo ako. Mahal din naman kita pero naiintindihan ko rin naman si Carissa. Mas kailangan ka nila kaysa sa akin." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak nang makita kong nauna nang lumandas ang mga luha niya. I cupped his face and wiped his tears. "You didn't do wrong. You were broken and weak. And Carissa was there to comfort you."

Hello, NeighborWhere stories live. Discover now