"Kita mo nga naman ang pagkakataon. Nandito ka rin." Pati ba naman sa convenience store ay makikita ko ang kuyang ito? Pati sa dinner ko pa naman makikita ko talaga siya? Umay.
"Ano 'yan dinner na ba yan?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko. "Cup noodles lang?"
"Paki mo ba?" Lumipat ako sa kabilang upuan pero sinundan lang din niya ako. "Wala ka bang magawa sa buhay mo?"
"Marami akong ginagawa sa buhay. Seryoso akong tao." Sabi nito saka kinain ang siopao na hawak niya. "Gusto mo? Ang payat mo na nga tapos cup noodles pa ang kinakain mo."
"Hindi ka mukhang seryoso." Sumubo pa ulit ako sa cup noodles na kinakain ko saka muling binasa ang libro sa harapan ko. May quiz ako bukas kaya dapat hindi ako nagpapaabala sa taong katulad niya.
"Seryoso ako." Hindi ko na lang siya pinansin nang sabihin niya iyon. Hindi naman kasi siya kapanipaniwala. May seryoso bang tao na talagang halos ibalandra sa buong floor na may babae siyang kasama? Nakakamiss tuloy si ate Yvette. Nakakamiss 'yung mga panahon na tahimik lang ang floor namin.
"Nag-aaral ka na naman. Siguro ang taas na ng grades mo."
"Pwede bang kahit dito man lang ay manahik ka po? Pwede?"
"Sungit. Teka, close ba kayo ng kapatid ko? Si Yvette? Nakakausap mo ba?" Huminga ako nang malalim bago ko isinara ang libro ko. Maski rito maingay. Kapag babalik ako sa unit ko baka mag-ingay na naman siya.
Tumayo na ako at lumabas sa convenience store. Sayang akala ko pa naman ay nakahanap na ako ng good spot para mag-aral.
"Hoy! Tama bang iwan ako?"
"Mr. Engineer,.." Nagpamaywang ako "Kung maari lang sana huwag mo na lang akong kausapin tuwing makikita mo ako? Hindi naman kasi tayo magkakilala, diba?"
"Hindi nga ba? Ikaw nga 'tong unang lumapit sa akin. Kumapit ka pa nga sa braso ko." Tumayo ako na dahilan din ng pagtayo niya bigla.
"Bagay mo 'yang buhok mo. Hindi ko type ang maikli ang buhok pero bagay mo talaga, e." Umiling-iling na lang akong iniwan siya habang nagsasalita. Baliw na yata talaga ang isang 'yon. Bakit ba hindi sila pareho ng ugali ni ate Yvette? Kambal ba talaga sila?
"Ugali mo talagang nang-iiwan, ano? Babalik ka na ba sa apartment mo?"
"Bakit? Babalik ka na rin ba para makapag-ingay ka ulit?"
"Ilang gabi na akong hindi nag-iingay sa unit ko, ah. Hindi mo ba napansin? Hindi na kaya ako nag-uuwi ng babae."
"Babae?" Napahinto talaga ako sa paglalakad at namamangha kong tinanong siya. "Ibig sabihin, gabi-gabi iba ang kasama mo?" Tumango naman siya bilang sagot.
"But they're decent." Decent? Inuuwi niya sa apartment nila tapos sasabihin niyang desente? "I meant, clean." Umirap ako dahil hindi naman niya kailangang magpaliwanag pa sa akin. Wala akong pakialam kung pokpok o hindi ang kasama niya.
"Paano 'yung Carol? Nakausap mo na?" Tumigil ito sa paglalakad at nang humarap ako sa kanya, ang mga ngiti sa mukha niya ay biglang nawala.
"Huwag na huwag mo ulit babanggitin ang pangalan niya." Nauna na itong naglakad sa akin at saka pumasok na sa building. Weirdo talaga. Siguro hindi pa sila nagkakabalikan ng Carol kaya ganyan siya.
***
"Miru! Party na tayo." Lumapit pa talaga si Celestine sa akin para lang sabihin iyon. Alam naman niyang wala pa talagang oras.
"Next time." Sagot ko na mukhang hindi niya ikinatuwa.
"Siguro ipinagdadamot mo na ang apartment mo. Saka siguro gusto mo lang solohin si Kevin. Hindi ka naman niya magugustuhan, e."
"Anong pinagsasabi mo? Kaibigan ko siya at ano ngayon kung hindi niya ako magustuhan?"
"Kasi hindi ka naman maganda!"
"Sino bang nagsabing maganda ako?"Nginitian ko si Celestine para lalo siyang mainis. Kahit kailan ang arte-arte niya talaga. Feelingera na nga, mapanglait pa. Pasalamat talaga siya at pinapakisamahan ko pa siya, e. Pasalamat siya dahil hindi ako immature katulad niya.
"Pinag-aawayan niyo ba ang kapogian ko?" Kumindat pa itong kadarating lang na si Kevin sa amin. Isa pa 'tong pugitang 'to. Ang lakas ng loob talaga minsan. Sarap tapyasan nung mukha.
"Hoy Miru." Inakbayan ako ni Kevin saka idinala sa corridor. "Nakita ka raw ni mama kagabi. May kasabay ka raw na lalaki habang naglalakad pauwi? May boyfriend ka na ba at hindi mo sinasabi sa amin? Dapat padaanin mo muna sa tropa. Hindi pwedeng hindi makilatis 'yan pare."
"Sira!" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "Ang aga-aga nantitrip ka na naman. Katulad nga ng sabi ni Celestine, hindi naman ako maganda kaya hindi na ako nangangarap magkaroon ng boyfriend."
"Hindi ko akalain na darating sa puntong matatanggap mong hindi ka maganda. Nawalan ka na yata talaga ng pag-asa." Huminga ako nang malalim na agad naman niyang napansin. "Pero seryoso, maganda ka at mas maganda ka pa kaysa sa mga naglalagay ng makeup sa mukha. Wala lang talagang lumalapit sayo kasi mas lalaki ka pa kumilos sa kanila." Natawa pa ito bago ako nilayuan dahil alam na nitong masusuntok ko talaga siya.
"Naku! Kapag naabutan talaga kita matatamaan ka sa akin!" Nang-asar na naman kasi.
Lumipas ang oras at uwian na naman. Nauna na akong umalis dahil kailangan ko pang pumunta sa company kung saan ako nag o-ojt. Ang sabi pa naman ng supervisor kahapon ay may bago raw na papasok sa department. May backer daw siya kaya siya natanggap. Yun ang tsimis na kumakalat.
"Miru, paki-double check nga ito kung tama ang computation. Ibigay mo na rin kay Ms. Lanie dahil kailangan na niya 'yan."
"Opo. At nga pala, magpakilala ka kay Ms. Grace, hah? Yung bagong Grace dahil dalawa na silang Grace ngayon. Magmula ngayon ay siya na ang magsusupervise sa 'yo. Direct ka na ring magrereport sa kanya at hindi na sa akin."
"Bakit naman po?"
"lilipat kasi ako ng trabaho kaya siya na ang papalit sa akin. Matapos ko lang maiturnover ang lahat ng ito sa kanya. Kaya dapat sumama ka mamaya at ititreat ko kayong mga OJT." Ginawa na ulit ni Mrs. Chua ang work niya nang matapos niya iyong sabihin sa akin kaya naman ginawa ko na rin ang pinapagawa sa akin para maibigay ko na rin kay Ms. Lanie.
Isang oras pa bago ako lumapit ako kaagad kay Ms. Grace. Mabuti pa siya kaya niya magpahaba ng buhok. Mabait din siya at mukhang matangkad na babae. Hindi ko kasi masukat dahil nakaupo siya.
"Hi Ms. Grace." Bati ko. "May ipapagawa ka po?"
"You must be Miru." Ngumiti ito sa akin ng isang napakagandang ngiti. Para siyang anghel at mukha nga siyang mabait. "Don't call me Grace, Carol na lang kasi dalawa raw kaming Grace dito. Ito na lang, paki-file ako nitong mga 'to, okay?" Carol?Kung ganyan kaganda 'yung Carol na tinutukoy ni Engineer siguro naman maski 'yang Carol sa harap ko ngayon ay iiwan din 'yung baliw na 'yun.
"Okay po." Carol? Nacurious tuloy ako bigla kung anong hitsura ng Carol na tinutukoy ni Engineer. Mukhang hindi pa naman siya makamove on. Sana mamayang pag-uwi ko ay tahimik na naman sa floor. Kailangan ko pa naman bumawi ng tulog ngayong gabi.
****
Follow me on twitter! UN: aril_daine

YOU ARE READING
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015