CHAPTER 16

106K 2.9K 314
                                        


"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Gabe nang sabay kaming lumabas sa kanya-kanya naming unit.

"Sa site. Kailangan kong makita kung nagtatrabaho ba 'yung mga tao namin doon."

"Pero kaya mo na ba?" Sabay na kaming naglalakad palabas.

"Nagpunta ako sa hospital kahapon. Basta huwag lang daw ako nagbubuhat ng kung anu-ano at kung maaari ay magpahinga ako. Papasok ka na?" Tumango ako.

"Pero wala naman kaming masyadong gagawin ngayon. Magpipictorial nga kami para sa grad pic, e."

"Kaya pala wala kang mga librong dala ngayon." Hindi ko alam na maski pala iyon ay napapansin niya. Hindi ko naman siya gaanong napapansin na pumapasok sa work kapag umaalis ako ng apartment. "Malapit lang ang site sa Cress. Gusto mo bang sumabay?"

"Hindi mo naman gagamitin ang sasakyan mo, e." Pang-asar kong sabi sa kanya bago huminto nang makita ko si Carol na nakahalukipkip at nakatingin sa amin.

"Wow, gusto mo na siya ihatid ngayon? Was that you?" Tumingin sa akin si Carol kaya naman itinuro ko ang sarili ko. "Last night, ikaw ba 'yon?" Tumingin din sa akin si Gabe kaya tumingin din ako sa kanya at marahas na umiling.

"Don't lie." Bulong sa akin ni Gabe kaya nginitian ko na lang siya. "Don't smile at me, woman." Sabi nito pero nakangiti rin siya tulad ko.

"Excuse me, nandito pa ako." Parehong nabaling muli ang atensyon namin ni Gabe kay Carol. "I'm asking you kung ikaw 'yun. No, hindi na dapat ako nagtanong kasi ikaw lang naman ang may ganang pumasok ng apartment nang may apartment."

"Uhm sorry Ms. Carol pero kailangan ko ng pumasok, e. Mali-late na kasi ako. Alam mo naman nag-aaral ako. Sana hindi rin kayo mahuli sa work, no?" Nilagpasan ko na siya matapos kong sabihin iyon sa kanya. Ang immature kasi. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero ganun siya umasta.

"Don't call me Ms. Carol if you can't even respect me."

"Okay." Tumango ako at tuluyan ko na nga silang iniwang dalawa. Nope, ayokong nadadamay gayong wala naman akong ginagawa. Tikom naman ang bibig ko dahil wala naman akong mapapala kung ikalat ko man na Gabe rejected Carol last night.

***

"Hindi talaga ako makapaniwala!" Tumawa ako nang malakas na dahilan kung bakit napatingin sa amin ang iba naming kaklase. Hinihintay ko pa naman na tawagin ako para malagyan na nga ng makeup. "Ang ganda ni Carol, diba Kevin? Pero grabe talaga. Nireject siya ni Gabe."

"Seryoso ka? Catch na kaya si Ms. Carol!" Parang nanghihinayang na sabi ni Kev kaya naman inirapan ko siya.

"Hindi siya catch! Maganda lang siya pero hindi naman kasing ganda ng mukha niya ang ugali niya. Ikaw ba Erol gusto mo ng ganung babae?" Umiling ito. "Ikaw Jo...Jonathan?" Umiwas ako ng tingin at kunwari ay may binabasang text sa cellphone ko.

"Depende, bakit? Ganun ka ba?" Kinagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ka naman masama, diba?"

"Namumula si Miru, oh!" Pang-asar na sabi pa nitong si Erol kaya bigla ko siyang tinadyakan. Bakit ko ba kasi sila kinausap ngayon? Naman!

"Uhmm... Tawagan ko lang mommy ko, ah." Tumayo na ako at nagpunta sa kabilang silid para makaiwas na sa mga tingin nang ibang nakarinig sa sinabi ni Jonathan. Good grace! Bakit pakiramdam ko ang tatalim na ng tingin sa akin ng isang grupo doon? Imagination mo lang 'yon, Miru.

Umupo ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Bakit kasi kailangan niyang sabihin iyon? This is really weird.

"Hoy." Umupo sa tabi ko si Kevin at inakbayan ako. "Kung naiilang ka, pagsabihan mo. Tinitignan lang nun kung may pag-asa ba siya sa'yo."

Hello, NeighborWhere stories live. Discover now