CHAPTER 37
Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Mamaya ay makikilala ko ang daddy ni Gabe. Paano kung hindi niya ako magustuhan para kay Gabe? Paano kung may masabi ako? Tapos idagdag pa na late na kaming nakaalis kanina dahil masyado akong nagtagal sa school. Hindi ko kasi namalayan kanina ang oras tapos idagdag pa na hindi ko nadala ang phone ko dahil ibinabad ko pa yun sa bigas!
"Stop worrying, Angel." Kinakagat ko na ang kuko ko dahil sa kaba tapos siya nasasabi pa niya ang stop worrying? Aba! Meet the parents kaya ang peg mamaya tapos hindi ako magwoworry? Nakakakaba kaya! Hindi ba siya kinabahan noong kinausap niya ang daddy ko? Jusko talaga.
Katulad nga ng sabi ni Ravince kay Gabe ay ipinahiram niya ang sasakyan niya. Para raw tiyak na ibabalik niya ako ng buhay.
"Everything will be fine, okay?" Nginitian ako ni Gabe at saka ipinatong ang kamay niya sa legs ko. Lokong 'to ah! Pumaparaan pa! Pero alam ko naman na assurance lang 'yun na magiging okay ang lahat.
Magiging okay ang lahat. Magiging okay ang lahat. Parang mantrang paulit-ulit ko itong sinasabi sa sarili ko para lang mawala ang kaba ko.
"Angel huwag ka kasing kabahan. Pati ako kinakabahan dahil sa'yo, e." I heared him chuckle. Hindi talaga siya nakakatulong. Tinatawanan lang niya ako. "Maaring sa'yo ay hindi pa kita girlfriend pero sa akin girlfriend pa rin kita."
"Hindi naman 'yun, e. " Kinuha nito ang kamay ko and kissed my knuckles.
"Yun kasi 'yon." Nakangiti nitong sagot sa akin. He continued caressing my knuckles while he's driving. Itinigil lang naman niya ang paghawak sa kamay ko nang tumunog ang cellphone nito. "On the way na kami." Nakangiti nitong sabi pero agad din namang nawala ang ngiti niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan ngayon.
Hindi na ito nagsalita matapos ang tawag kanina. Para kasing bigla siyang nawala sa mood. Hindi na nga rin niya hinawakan ulit ang kamay ko.
Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukan ko itong buksan. Magdamag ko yung inilagay sa bigas para matuyo. In fainess naman ngayon ay na-open na ulit.
Nabasa ko ang mga text nina Kevin na nagyayayang mag-aral ngayon, nireplyan ko na lang sila na sa Friday pa ako makakabalik. Ang huling nabasa ko ay ang text sa akin ni Oliver. Sayang daw dahil hindi tuloy 'yung ngayon pero okay lang daw. Next time na lang daw.
Nakarating kami sa hotel resort na pagdadausan ng birthday nina Gabe at ate Yvette bukas. Sinalubong kami ni ate Yvette at tuwang-tuwa naman siyang nandito ako ngayon. Nagulat daw talaga siya noong sinabi ni Gabe ang tungkol sa amin. Na kami na.
"Bakit mo sinabing girlfriend mo na ako?" Naniningkit ang mga mata kong sabi kay Gabe na dahilan naman ng pagtawa niya.
"Well, doon din naman tayo mapupunta saka girlfriend pa kita nung isang araw. Kahapon mo lang naman sinabing binabawi mo." Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya kaya naiinis ako. Hindi naman ako nagjo-joke noong binawi ko, e.
Ibinaba ni Gabe ang mga gamit ko sa sahig ng kwarto ko nang marating namin ito. Maganda ang overlooking ng kwarto ko. Kita ko ang dagat at ang pool sa baba.
"Halika ka na?" Nginitian ako ni Gabe at hinawakan ang kamay ko. "Ipapakilala kita sa daddy ko." Napakagat ako ng labi ko dahil nag-uumpisa na naman akong kabahan. Kanina, laking gulat ko nang salubungin kami ni ate Yvette tapos ngayon naman ipapakilala na niya talaga ako!
"Magugustuhan kaya ako ng daddy mo?" Pinisil lang niya ang kamay niya saka niya ako nginitian. Iginaya na rin niya ako palabas ng kwarto ko.
"Don't be nervous, Angel."

YOU ARE READING
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015