CHAPTER 39
Tahimik kaming naglakad ni Gabe papunta sa lobby ng hotel kung saan naghihintay ang family ni Gabe. Pinong-pino talaga gumalaw si Carissa. Likod pa lang niya, maganda na. Napahinto tuloy ako sa paglalakad. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako belong dito ngayon. Siya kasi, nakakausap niya ang dad ni Gabe samantalang ako, kailangan ko pa yata lumunok ng maraming pampalakas ng loob.
"Angel?" Mahinang tawag ni Gabe sa akin. "May problema ba?"
"Bakit? Nangangamoy problema ba?" Tanong ko sa kanya saka ko muling ibinaling ang mga tingin ko sa naglalakad na si Carissa. Nilingon pa niya kami para siguraduhin na sumusunod kami sa kanya. I didn't smile at her.
"Miru,"
"Wala, Huwag mo akong pansinin." Nginitian ko siya. Ayaw ko naman masira ang araw niya dahil lang insecure ako. Dahil lang nakakaramdam ako ng selos kahit hindi naman dapat. Si Carissa na nga mismo ang nagsabing kaibigan lang siya.
Ako na mismo ang humawak sa kamay ni Gabe. Hindi siya sanay sa akin na ganoon ako pero gusto ko lang ipakita sa iba na akin siya. Na kahit ayaw nila sa akin, akin pa rin siya. At hahawakan ko siya hanggat alam kong may karapatan ako.
Pagdating namin sa lobby ay kaagad na kinausap ng dad ni Gabe si Carissa. Kitang-kita ko rin ang tuwa sa mga mata ng asawa ni tito sa kanya. Nakakainggit siya.
"Miru, kanina pa kita hinahanap." Nginitian ako ni ate Yvette. "Gusto ko sanang mamasyal kasama ka kanina."
"Nakipaglaro kasi ako sa mga nagba-volleyball." Tugon ko. Agad namang napatingin sa akin ang dad ni Gabe na parang ayaw niya ang ginawa ko.
Gusto ko na lang magtago ngayon sa likuran ni Gabe ngayon dahil ako lang ang hindi maayos tignan. Medyo may mga buhangin pa ako sa katawan at basa pa rin ang buhok ko sa pawis. Tingin ko ay hindi talaga ako nararapat ngayon dito.
"I think, hindi na ako sasama." Bulong ko kay Gabe. "Amoy pawis ako." I told him. "Ang dumi ko pa." Tumingin ako sa paa ko na panay buhangin pa rin. Nakakahiya talaga sa kanila.
"Hintayin kita." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tututol pa nga sana ako pero muli na naman itong nagsalita. "Mauna na kayo. May gagawin pa ako. Susunod kami ni Miru."
"But Gabe, today is your birthday. Birthday niyo ng kapatid mo tapos---"
"Tita, ang sabi ko susunod kami dahil may gagawin pa ako. Tara na Miru." Muling pinagsalikop ni Gabe ang mga palad namin at mabilis na naglakad palayo sa pamilya niya.
Tahimik kaming pumanhik sa silid ko kaya laking gulat ko nang bigla niya akong siniil ng halik ni Gabe pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kwarto ko.
"What was that for?" Ang dalawang kamay nito ay isinandal niya sa pader para ikulong ako sa pagitan ng bisig niya. Nakangisi niyang inayos ang buhok ko.
"Kanina ko pang gustong gawin 'yan simula noong sinabi mo kay Carissa na girlfriend kita. Are you jealous?" Mahina ko siyang itinulak para lumayo-layo naman siya sa akin. Amoy pawis ako at ayaw kong ganito siya kalapit sa akin ngayon. Nahihiya ako. "Kahit bawiin mo ulit yung sinabi mo kanina, masaya pa rin ako."
Matagal ko siyang tinitigan sa mga mata niya. Halatang sinsero naman siya sa sinabi niya at ramdam ko rin na gustong-gusto na talaga niyang maging opisyal kami. Alam ko naman sa sarili ko na kahit baliktarin ko ang mundo ay parang may relasyon na talaga kami.
"Hindi ko babawiin." You're mine now. Only mine. Iyan ang gusto kong sabihin pero hindi ko masabi-sabi "Pero hindi mo ako masisisi na bothered ako sa dad mo at sa Carissa na 'yon." Nawala ang ngiti niya sa labi. "Kaya ngayon pa lang sabihin mo na sa akin kung may dapat akong malaman. Kasi sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka o kaya may tinatago ka, hindi ko alam kung paano kita patatawarin."

YOU ARE READING
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015