SUS! GUSTO NIYO LANG MAKITA SI LANCE! WALA BUBURAHIN KO NA SIYA SA MUNDOOOO! MUAHAHAHAHA
CHAPTER 20
"Dad, si Gabe po." Napalunok ako nang sarili kong laway nang tingnan ni daddy si Gabe. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Dati naman tuwing nagpapakilala ako ng kaibigan ay hindi ako kinakabahan.
"Gabriel Vaughn Rodriguez po."
"I know you. You're with Engr. Elisa when I saw you." Elisa?
"Yes, sir." Sir? Agad kong napansin ang pagngisi ni daddy bago ito umupo. Sinenyasan din niya si Gabe na umupo sa harap nito.
"Miru, kumuha ka nga ng tubig."
"Pero dad---"
"Kumuha ka ng tubig."
"May uutusan namang iba---"
"Miru." Ngumuso na lang ako at naglakad papuntang kusina. Ewan ko ba sa daddy ko, minsan hindi ko talaga maintindihan. Ang galing pa naman niyang magtago ng expression sa mukha. Saka hindi naman talaga niya ako inuutusan. Usually ay sina Ravince at Jace lang ang inuutusan niya. Kainis talaga.
Sa kusina ay nadatnan ko si mommy na nagbi-bake ng cake. Probably kay Jace na naman. Mahilig kasi iyon sa cake at dahil siya ang bunso, siya rin ang spoiled sa aming magkakapatid.
"Aalis ka na ba talaga ngayon? Hindi ka pwedeng umabsent muna bukas?"
"Mom, may pasok ako sa ojt bukas. Sayang 'yung mababawas na oras. Saka ayaw ko nang magtagal doon." Makikita ko na naman kasi si Carol, lagi pa naman niya akong pinag-iinitan dahil kaibigan ko ang ex niya.
"Si Gabe talaga ang kasabay mong babalik? Malapit lang ba siya sa apartment mo?"
"Kapitbahay ko siya mommy." Naglabas ako ng tubig sa ref at kumuha ng dalawang baso. "Lagi niya akong dinadalhan ng pagkain tuwing gabi. Ang sabi nga niya ay ang payat ko raw."
"Nililigawan ka ba niya?"
"Hindi po. Ganun din naman ang mga barkada ko sa akin." Kinargahan ko na ng tubig ang mga baso. "Dalhin ko lang 'tong tubig sa kanila."
"He's a good guy, but Miru huwag mong masyadong pinapapasok sa unit mo, ah."
"Hindi naman po." Ako nga ang pasok nang pasok sa unit niya lately. "Saka kilala siya ni Ravince kaya napapadalas ang kapatid ko sa apartment. Huwag kayong mag-alala. Bantay sarado ako ng kapatid ko doon kaya never pa ako nagkakaboyfriend."
"Hindi naman kita binabawalan mag-boyfriend." Nakangiti pa si mommy nang sabihin niya iyon. Yun nga yata ang dahilan kung bakit ayaw kong magboyfriend. Hindi kasi niya ako binabawalan.
Nang dalhin ko na ang tubig sa kanila daddy ay wala na si Gabe. Nadismaya ako nang si daddy na lang ang maabutan ko doon. Malamang, pinauwi niya. Sabi ko nga, e. Dapat talaga hindi ko sila iniwan kanina.
"Nasaan na siya?"
"Pinauwi ko na. Gabi na kaya hindi kita mapapayagang sumama sa kanya pabalik."
"Pero dad!"
"Ihahatid kita."
"Sama ako!" Galing sa kusina si Jace. Ni hindi ko nga alam kung kailan siya pumasok sa kusina para kumuha lang ng cookies. "Ngayon na ba?"
"Oo. Tawagin mo ang mommy mo kung gustong sumama." Kahit kailan talaga ay padalos-dalos sila magdesisyon. Okay, fine. Sige na nga. Basta makabalik lang ako sa apartment ngayon.
Ibinaba ko na ang mga gamit ko at ipinapasok kay Jace sa sasakyan. Ilang oras ang byahe namin papunta sa apartment. Hindi na sumama si mommy dahil may tatapusin pa siya at isa pa, hindi pa tapos ma-bake ang cake kanina.

YOU ARE READING
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015