CHAPTER 31

89.3K 2.6K 214
                                        


Kung di niyo pa nabasa ang 30. basahin niyo muna. wawents na chappie yun pero keri na para sa tamad na kagaya ko

CHAPTER 31

"Tignan mo, hindi ka makasagot. Bumalik ka na sa unit mo." Syempre masakit na hindi ko man lang maririnig ang sagot niya. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko saka kung gusto man niya ako, sana mag-isip pa siya ulit.

Tumayo na ako.

"Gusto pa rin kita. Malay ko ba kung anong nangyari noon? Basta ang alam ko, gusto ko yung Miru na nakikita ko ngayon. Nagustuhan kita noong tapos na yung aksidenteng yun. Walang magbabago." Sana nga.

"Pakilock na lang yung pinto pag lumabas ka na." Sabi ko sa kanya saka pumasok na ako sa kwarto ko. Narinig ko na ang pagbukas at sara ng pinto kaya alam kong umalis na siya.

Gabriel Vaughn: Sleep well, Angel. Don't overthink pls.

Hindi na ako nagreply pa sa text niya. Basta ipinikit ko na lang at hinayaang kainin ako ng antok.

***

Gabi na nang makauwi ako. Pumunta ako sa sementeryo bago ako umuwi. Anim na taon lang siya, halos kasing gulang lang niya ang isang pinsan ko ngayon.

"Angel?" Imbes na si Gelene ang datnan ko sa apartment ay si Gabe ang nandito at nanonood.

"Hey." Nginitian ko siya. "Kanina ka pa? Si Gelene?" Inilapag ko ang bag ko sa mesa bago umupo sa tabi niya.

"Lumabas sandali. Hindi na kita naabutan kaninang umalis ka. Balak ko sanang samahan ka." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. "Nasabi sa akin ni Gelene na dalawang taon na simula noong naaksidente ka. Ang sabi niya noong conscious ka na, ayaw mo nang magpabisita." Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang mga kamay namin.

"Mabilis akong nagmamaneho noon dahil galit ako. Ganun ako, e. Ewan ko ba ganun ako dati, hot-tempered. Pero dahil sa bilis ng pagmamaneho ko ay hindi ko nakita yung truck na mabilis din magpatakbo." Lumunok ako at saka pinatay yung TV. Humarap ako kay Gabe na ngayon ay nakatuon ang buong pansin sa akin.

"May nakaaway kasi ako noon." Nginitian ko si Gabe na nakikinig pa rin sa akin. "Ang babaw, noh? Pero sobrang inis kasi ako noon. Badtrip na badtrip ako. Yung tipong, wala naman akong ginawa pero bakit niyo ako inaaway?" Tumawa ako pero hindi tumawa si Gabe. "Napuno lang siguro ako saka medyo pabaya talaga."

Huminga ako nang malalim saka ko itinaas ang mga tuhod ko sa sofa at niyakap.

"Mabilis din yung truck kaya nawalan siya ng balanse. Iniwasan ko yung truck pero ang daming pumasok sa sasakyan ko na tubo, yun kasi yung laman ng truck." Tumingin ako sa sahig. "Tumama sa likuran ko isa pero mabuti na lang at nakayuko na ako noon kaya hindi tumama sa mukha ko yung iba. Basag-basag yung salamin ng sasakyan kaya marami akong naging sugat." Lumunok ulit ako. "Hindi ko nakita 'yung bata sa gilid. Nasagasahan ko siya. And then, wala na akong maaalala. Hindi ko alam kung sino ang tumulong sa akin palabas. Hindi ko alam kung sino nagtakbo sa akin sa ospital."

"Three days akong walang malay. Sa tatlong araw na yun, hindi ko alam na may nasira na pala akong pamilya."

"Hey, Angel... Don't blame yourself."

"Then who should I blame? Ako yung nakasagasa!" Tumayo ako at kumuha ako ng malamig na tubig. "Kung naging maingat ako, kung hindi ako mabilis magpatakbo noon baka wala pa ako noong nawalan ng balanse yung truck!"

Lumapit siya sa akin at kinuha ang basong hawak ko at inilapag sa lamesa. Niyakap niya ako. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ramdam kong ayaw niyang sinisisi ko ang sarili ko. Tanggap ko naman na malaki ang kasalanan ko lalo na sa pamilya ng batang iyon.

Hello, NeighborWhere stories live. Discover now