CHAPTER 40
Pinunasan ko kaagad ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Pero kahit anong punas ko ay malabo pa rin ng pangingin ko.
"Ma'am okay ka lang?" Tumango ako bilang tugon sa receptionist. "May masakit po ba sa'yo?" Umiling ako at pilit ko pa ring pinupunasan ang mga luha ko. Sumisikip ang dibdib ko. "Gusto mo po bang samahan na po kita sa room niyo?" Muli akong tumango kaya inalalayan niya ako patungo sa loob ng elevator.
Ibinigay ko sa kanya ang cardkey ko para siya na mismo ang magswipe niyon sa elevator.
"Masama po ba ang pakiramdam niyo?" Tumango ako at malalim na huminga. "May asthma po ba kayo?" Umiling ako at pinilit kong sumagot.
"I'm f-fine. Gusto ko na lang makuha ang mga gamit ko." Punas lang ako nang punas ng luha ko. Tumigil lang naman ako sa pagpupunas nang makapasok na ako sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang mga gamit kong nagkalat at isiniksik sa bag ko.
"Ma'am, I'll help you pack your things." Concerned na sabi nito sa akin kaya tumango na rin ako. "May kasama po ba kayo ma'am? Para masabihan ko po." Marahas akong umiling at inilabas ang cellphone ko at hinanap ang isang numero. Ibinigay ko ito sa babae.
"P-please call that number. And please tell him to bring R-ravince with him." Pumunta ako sa bathroom para maghilamos pero sadyang hindi tumitigil ang paglandas ng mga luha ko. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero damn!
Carissa is pregnant. Kaya ba lagi niyang inaabangan si Gabe sa unit nito? Hindi ba siya nakahintay kaya mas nauna niyang sbaihin sa ama ni Gabe?
"Hey, bakit mo inaayos ang mga gamit ng girlfriend ko? Nasaan siya?"
"S-sir kasi po. Ang sabi po niya wala siyang kasama at aalis na po siya."
"No one's leaving. Thanks anyway." Napayuko ako nang marinig ko iyong sinabi ni Gabe sa babae. I bit the inside of my cheeks at muling tumingin sa salamin. This is you, Miru. The weak Miru. The crybaby.
Paglabas ko sa bathroom ay nanlaki kaagad ang mga mata ni Gabe nang makita niya ako. This time, hindi ko na pinunasan ang mga luha ko. Kahit naman magsinungaling ako ay mahahalata pa rin niyang umiyak ako.
"Angel, what's wrong?" Lumapit ito sa akin at pilit na pinunasan ang mga luha ko. Napansin ko rin na lumabas na ang babaeng tumulong sa akin.
"G-Gusto ko ng umuwi." Naramdam ko ang mainit niyang yakap sa akin. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng lakas. "Gusto kong umuwi kay mommy. Gusto kong yakapin si mommy."
"Sshh. Ihahatid kita bukas, okay?" marahas akong umiling at itinulak siya.
"Y-yung susi. Kukunin ko yung susi. Uuwi na ako. Ayoko na dito"
"Miru, hindi ba pwedeng bukas na lang? Gagabihin tayo sa daan."
"Ang sabi ko ngayon na! Hindi ka ba makaintindi? Gusto ko ng umuwi!" Natigilan siya dahil sa pagtataas ko ng boses. "Gusto ko na lang umuwi sa bahay. Gusto kong makita ang kapatid ko, ang mommy ko." Nakayuko kong sinabi.
Ilang beses huminga nang malalim si Gabe. Ramdam ko rin ang mga titig niya sa akin.
"Fine. Ihahatid kita ngayon." Hindi na ako sumagot at nagpatianod na lang ako palabas nang hawakan niya ang palapusuan ko at binuhat sa kabilang kamay niya ang bag ko.
Kahit na nakaalis na kami ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Tama pa ba? Hahawak pa rin ba ako?
Panakanaka itong sumusulyap sa akin para i-check ako. I'm trying not to cry pero hindi ko talaga mapigilan. This is just too much for me.

YOU ARE READING
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015