CHAPTER 34

79.1K 2.5K 401
                                        


ABA NAMAN! Kung may topak pa rin ang wattpad, di na talaga ako mag a-update! TuT

Alam niyo yung kasiyahan namin ay makabasa na lang ng comments tapos wala pa ako mabasa kasi di pwede magcomment kagabi? Sakit sa kokoro. Tagos na tagos! wahahahahhaa

CHAPTER 34

"Kanina ka pa tulala." kumento ni Gelene sa akin. Umuwi ako kahapon sa amin dahil umuwi na rin naman pala si Gelene. After talaga nung babaeng sumagot sa tawag ko kahapon ay nag-init na talaga ang ulo ko. May karapatan ba akong magselos? Kami ba? Naghahalikan kami, naghahawakan ng kamay, nagyayakapan, hindi pa ba kami sa lagay na iyon?

"May problema ba?" Niyakap ako ni Gelene mula sa likuran ko. Alam kong nagkakaproblema rin sila ni Derek ngayon kaya ayaw kong magsabi sa kanya. Sapat na sa akin na nandito ako ngayon sa bahay nila at nakikikain ng mga niluto ng mommy niya... uhm, di nga lang ganoon kasarap pero ayos na.

"Wala naman." Ngumiti ako nang humiwalay sa yakap si Gelene sa akin. "Diba may problema ka? Sinugod mo na ba si Agatha?" Umiling siya saka pinilit ngumiti.

"Ayaw ko naman ibaba ang sarili ko para lang patulan siya. Kung magpapalandi si Derek edi might as well, maghiwalay na muna kami. Isipin niya 'yang mga ginagawa niya nang matauhan siya."

"W-wait? Makikipaghiwalay ka?" Mabagal siyang tumango pero nginitian pa rin niya ako.

"Ayaw ko lang na nag-aaway kami at nagsasagutan. Hindi ako sanay, Miru." This time ay ako na ang yumakap sa kanya. Ilang beses ba silang nag-away na wala ako? Ilang beses ba siyang nasaktan na wala ako? Bakit hindi ko naisip na maaari siyang masaktan noong panahong iniwan ko siya? Sila? "Pero hayaan mo na, mag-aayos naman kami kung talagang wala siyang ginawang masama, diba?" Ngumiti ulit siya, ramdam kong nasasaktan siya pero ayaw niyang ipakita sa akin. "Kayo ni Gabe? Kumusta?"

Anong sasabihin ko sa kanya? Okay kami? Walang problema? Hindi ako nag-iisip nang kung anu-ano?

"He's fine." Iyon lang ang naging tugon ko sa tanong niya.

"Ang tanong ko, kayo ni Gabe. Hindi siya lang." Umiling siya.

"Okay naman." Pinilit kong ngumiti para hindi na siya magtanong. "We're good. We're still friends." Saad ko.

"Friends." Ulit niya. "Hindi niyo pa rin napag-usapan ang status niyo?" Concerned na tanong niya sa akin. "Miru tanungin mo, okay? Hindi pwedeng hindi mo alam ang status niyo. May karapatan ka namang magtanong" Tumango ako pero hindi ko pa rin alam kung paano ko tatanungin kay Gabe iyon.

Hanggang hindi ko kasi alam ang status namin, hindi ko alam kung may karapatan ba akong ipagdamot ko siya. Pero paano ko nga tatanungin kung biglang may babae naman na naghahanap sa kanya noong isang araw at babaeng kasama niya kahapon?

Gabi na nang inihatid ako nina tita Gail sa bahay namin. Hindi naman kaagad umalis si tita Gail dahil nakikipag-usap pa siya kay mommy.

"Hoy ate!" Tawag ni Jace sa akin sa kwarto. "Nananaba ka. May bilbil ka na, oh." Sinimangutan ko siya hindi dahil sinabi niyang may bilbil ako. Wala akong pakialam kung nananaba ako. Sa masarap kumain, e!

"Namimiss mo lang ang ate mo, e." Pang-asar ko sa kanya na dahilan kung bakit binato niya ako ng crumpled paper.

"Jace, a!"

"Manghihingi lang naman ako ng load. May ititext lang ako."

"Humingi ka kay mommy."

"Ayoko! Aasarin lang ako nun na ititext ko ang girlfriend ko."

"Kung hindi ka makapag-ipon ng pangload mo, edi huwag kang maggirlfriend!" Binato ko siya ng unan ko pero nailagan naman niya iyon.

"Hindi nga ako binibigyan ng pera ngayon dahil grounded ako. Nakipag-away ako ate." Sabi pa niya na dahilan kaya mas lalo ko siyang pinagbabato.

Hello, Neighborजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें