Chapter 19: Love Ko

5.5K 130 8
                                        

A:N//

Thanks sa mga nakaka appreciate ng story na to ! :))

Lovelove :3

~~~~~

Ynnah's POV://

Kinusot kusot ko ang mga mata ko at pinagsasampal ang mga pisngi ko, hinawakan naman nya yung kamay ko para tigilan yung pananakit sa sariling ginagawa ko. Shems, ang warm at ang lambot ng mga kamay nya, "Hey, are you alright? Bat mo sinasaktan sarili mo?"

Confirmed! Hindi nga sya isang panaginip, ni hindi nga ako makapagsalita nang hindi nabubulol. "De- dee-deejay?"

Slowly, nilapitan ko sya .. I poked his face repeatedly. As a certified fan girl, achievement kaya 'to! Shems, mas gwapo pala talaga sya sa personal, ang tangkad, ang bango bango .. Complete package!

"Kilala mo ko? Akala ko kasi .. Walang kuryente sa islang ito. Haha." Ngumiti sya, ang cutie talaga forever ! Lalo na yung small dimples nya, kahit yang eyebag nya .. Jusko! Dyan talaga ako na-inlove e. Hahaha.Ugh. "Grabe ka. Hindi naman ako probinsyana. Haha. May t.v. naman sa bahay namin sa Manila." Sabi ko. Halos lahat ng kilos nya, napapansin ko. Pati nga ata bilang nang paghinga nya, nabilang ko na. Hahaha.

Naaalala ko pa nung unang beses ko syang makita, September 4, 2012 yun e. Sa Isetann Mall, Recto. Haha, yung mga kaibigan ko, tinext ako .. Alam kasi nilang no.1 fan ako ni DJ e. Actually may class ako that time kaya hindi ko alam na may mall tour pala sya. After nung class namin sa filipino, hinila ko agad si Mae at Alexa papuntang Recto. Nag-cut kami sa english class namin, kasi .. I can't miss it for the world!!

Bumili kami nang ticket nun, entrance kumbaga, haha. Kaso isa kami sa mga huli, kaya nasa last row kami. Mga 10 feet din ata distance namin, tumuntong ako sa upuan kahit bawal, haha. Hindi ko na kasi sya makita, tapos may pa-usok usok effect pa nun. Todo tili kaya ako para lang mapansin nya, kinawayan nya ako nun! Tapos, yung mga tao sa likod namin (outside the VIP barrier) binato ko nang piso sabay sigaw nang BABA!!! Hahaha.

Bigla naman natigil yung pagrereminisce ko ng nagsalita sya uli "You must be Ynnah Lopez?"

Kung kanina speechless lang ako, ngayon naka-freeze na. ASDKJSHKLDSSH! Did he just call my name?!!!!! "Uh .. Uh. Ya-yaaah." Sabi ko at ngumiti nang bonggang bongga. Haha. "Sabi na nga ba. Haha, nabanggit ka kasi ni Terrence nung last time na nakapag-usap kami. Nanood kasi ako nung game nila, pakisabi pala congratulations." Eto na ba ang sinasabi ni Terrence? Sya na ba ang aking the one?!

"Sige. Sasabihin ko pag-uwi namin."
"Namin? Meaning may mga kasama ka pala, nasaan sila?"
"Nag-spelunking, medyo takot kasi ako sa mga masisikip na lugar e. Kaya nagpa-iwan nalang ako dito."
"Ahh.. Claustrophobic ka pala. Pero alam mo ba, dapat mas matakot ka dito sa labas. May usap-usapan daw na may kapreng natutulog dyan." Tinuro naman nya yung balete tree na pinagiistambayan ko. "Delikado, balita ko mahilig sa magaganda yun. Baka matipuhan ka." Dagdag nya. Shems, parang nawala naman yung takot ko at biglang napalitan ng kilig. Enebe!! Haha.

SARAP SA TAINGA! Sayang di ko narecord o kaya navideohan man lang. Remembrance! Haha kyaaaaah :"> buti nalang madilim, di nya pansin pamumula ko. "Talaga ba?"
Ibinaba nya kaunti yung mukha nya para maging katapat nung mukha ko. "Mukha ba akong nagsisinungaling?" He teased.

Enebe! Hindi ako sanay sa mga ganito,  jusko! Bakit kasi hindi ako nagpaturo kanila Alexa at Gelann ng mga damoves. Huhuhu!!

"Tara na nga." Bigla nya akong inakbayan.

DOUBLE KILL!!

"Nagugutom na kasi ako, okay lang ba na sabayan mo ko kumain?"
"Actually, ako din. Haha, kaso saan tayo kakain? Hindi 'to Boracay ha?" Pagpapaalala ko sa kanya. Haha
"Trust me. I got you" sabi nya sabay wink. Enebeee, nese kenye ne eng lehet. Hahahaha.
"Nga pala .. Paano pag hinanap ka ng mga kasama mo?"
Inilabas ko naman yung phone ko mula sa pocket ko. "Kulit! Hindi nga ako probinsyana!! Haha, i-tetext ko nalang sila."
"Sorry na, yung ganda mo kasi .. One of a kind." Aba! Nakakarami na 'to ng hirit ah. Mehehehe.

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now