Chapter 17: Kat and Ed

5.6K 111 3
                                        

A/N:

Hi Guys! Thank you sa mga sumusupport sa story na to!

Paalala! FICTIONAL STORY lng po ito :)

nga pala, sa mga taong tumtulong para mas mapaadami reads nito. SALAMAT PO :3 

KUYA RUSSEL :> ------------->

HAVE A HAPPY READING :*

<3

~~~~~
 Mae's POV://

"Ah .. Eh, guys .. Mauna na kayo, nawiwi-wee na talaga ako e." This time, for real na.

Pagpunta ko sa c.r. sa baba, nakasara. Kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko. May c.r. kasi yun sa loob, nung nasa may banyo na ako. Napapahilamos nalang ako sa mukha ko. Yung feeling na pag pinipikit ko mga mata ko, yung mga pandesal, este abs na natapunan ko and nahawakan ang nakikita ko.

Pagkalabas ko ng banyo, napaupo ako sa kama, kumuha ng unan at itinakip iyon sa mukha ko. "Kyyyaaaaaah!!" Sigaw ko habang nakatakip pa din yung unan. Mamaya marinig nila, nakakahiya. Pero shems! first time ko kaya makakita ng ganun, tapos nadama ko pa. Oh lala!!

Pero, bakit ba naisstress ako? dapat nga diba maswerte ako kasi nakita ko sya ng ganun kalapit. goossshh. 

Napa sign of the cross nalang ako "Lord please lang pooooo, ilayo nyo po ako sa tukso!" Nangako kasi akong hindi ako magboboyfriend habang nasa college, what a distraction. Huhu!! Ang yummy!

May narinig akong tunog ng mga paa sa labas ng kwarto ko. Tapos, narinig ko din yung tilian sa baba lalo na ang nga boses nina Alexa at Ynnah. Sure na sure akong boses nila yun, Nagmana ata kay Tarzan sa lakas ng boses eh.

Pero yung tunog sa labas, patuloy pa din. Palakas pa ng palakas. May tao kaya sa labas? wag mo sabihing may mumu dito? Napahawak ako ng mas mahigpit sa mga unan ko.

Hinanap ko yung phone ko, Shems! Naiwan pala sa baba, baka daw kasi hindi na ako bumaba kaya kinuha nila yung phone ko.

*tok tok tok*

Napanuod ko 'to sa feng shui e, pag yung katok e isa-isa tapos mabagal, hindi daw katok ng tao yun. OMG!!

Bubuksan ko na o bubuksan? Huhuhu. Can someone please help me.

Kinuha ko yung pepper spray sa bag ko. Mamaya hindi pala multo 'to kundi magnanakaw o di kaya rapist. Laki pa man din ng bahay nila Terrence, akala siguro nito e may makukuha sya sakin.

Nakita kong pinihit na nya yung door knob pabukas. Nagtago ako sa gilid, hinihintay makita kung sino ba ang nasa likod ng pintuan.

"Ma -- aray!" Hindi ko pa kasi sya nakikita e pinaulanan ko na ng pepper spray. "Kyaaaah!! Wag kang lalapit!! Tulong!!" Sigaw ko.

Nung itinaas na nya yung mukha nya .. Doon ko lang narealized yung pagkakamali ko. "Russell? Bakit kasi hindi ka nagsasalita? Huhu. Sorry!!" Buti naman at natakpan nya ng mga kamay nya yung mukha nya, hindi tuloy sya masyadong naapektuhan ng pepper spray.

"For the record, second time mo na kong sinasaktan ngayon araw ah." Naka-half smile na sabi nya.

"Hehe .. Sorry na, medyo careless lang talaga ako. Hayaan mo, wala ng 3rd time." Pag-aassure ko sa kanya.

"Kung lahat ay nadadaan sa sorry, bakit pa tayo nagkaroon ng batas dba?" "Eh?" "Papatawarin kita sa isang kondisyon .." "Ano naman yun?"

"Kiss mo ko" ipinaba nya ang mukha nya para maging ka-level ng mukha ko. Tila na-freeze ako, hindi ako makapag salita. Hindi makagalaw. Jusko Lord!!

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now