Habang nasa loob ng kotse, walang nagsasalita sa amin. Di na nga ako nakapagpaalam sa iba e, ang bilis kasi nang nangayari, ikaw ba naman i-drag ni Terrence mula sa loob papasok ng kotse e. Si Ynnah sumunod nalang din. Umupo sya doon sa may back seat at ako naman ang nasa ang nasa driver side.
Gusto ko sanang itanong kung ano na naman ba ang problema, kaso wala akong lakas ng loob. Halos umusok na kasi yung ilong nito ni Terrence sa galit. Kahit nga ata si Ynnah takot din magsalita e. Yung tipong pag hinawakan mo mapapaso ka.
Sa buong byahe na yun, walang nagsasalita samin. Gusto ko nga sanang buksan nalang yung radyo kaso baka sakin mapunta galit nya e. Hahaha. Huminto sya sa tapat ng condo namin. Agad naman bumaba si Ynnah, "Guys .. Mauna na ko ah? He he .. Good night, thank you Terrence sa paghatid." At nagmamadaling pumasok ng glass door si Ynnah. Madaya talaga 'to. Iniwanan ba naman ako, alam ko namang wala sa dugo ni Terrence ang pagiging gentleman kaya hindi na ko naghintay pang pagbuksan nya ng pintuan nitong white mazda 3 nya.
Bago ko pa man matanggal ang seatbelt ko, bigla syang nagsalita. "Coach Bert gave me an incentive leave and it'll be by next week." Tama ba ako ng rinig? Isang linggong walang Terrence Romeo? Yahoo!!!! Tumingin sya bigla sakin .. "That'll be fun!" At plastic ako sa kanyang ngumiti. "You'll come with me." Hindi ako na-orient!! Napalaki bigla yung mga mata ko doon sa pagkagulat. "WHAT? Why? NO WAY!" May 2 week sembreak kasi kami by next week before mag 2nd sem, naman talaga oh!! Binabalak pa naman naming mag-Baguio ng Le Girlfriends. Don't tell me hindi na naman ako makakasama, huhuhu.
"Aish!! Who's the boss?" Ayan na naman sya sa boss boss nya. "ehhh. Terrence!! May plans na ko for sembreak." "I don't care. I'll see you by Sunday, prepare your things. " at padabog akong lumabas ng kotse nya. "Hey, be careful with my baby." Sinabi nya yun after ko ibagsak yung pintuan ng kotse nya. Baby your face!!
Takot ako sumakay mag-isa sa elevator, pero dahil binad mood ako ni Terrence parang biglang nawala yung fear ko. Hahaha. Pagkapasok ko, nag-shower muna ako saglit ako pumasok na sa room namin ni Ynnah. Aba, ang babaeng ito, nakapajamas na at ang sarap na ng tuloy.
Tinext ko na din sina Mae, pinapasabi kong nakauwi na kami ni Ynnah, mamaya kasi ay hanapin pa kami nun don. Haaaaay. Sana panaginip nalang lahat ng 'to. I am so stressed!
Zzzzzz ..
Gelann's POV://
Ang saya ng gabi na 'to. Si Mark yung first and last dance ko, haha. Halos ayaw nga humiwalay e. Jusko, 1 day palang kami magkakilala pero ganito na epekto nya sakin.
Bigla naman akong inaya ni Mark palabas, kaya naman nakita ko sina Terrence, Chloe at Ynnah. Mukhang pauwi na, aba! Mga hindi marunong mag-paalam. Hmp! Oh well, kasama ko naman si my chinito. "San ba tayo pupunta?" Pagtatanong ko, "basta .." Lang ang sagot nya. Lugar na pala yung basta .. Hahaha.
Kung makatakbo kami akala mo wala akong suot na heels e. Pero okay lang, panatag naman yung loob ko na sasaluhin nya ko kung sakaling mahulog ako. Omo!! Dinala nya ko sa likod nung Villa. Ang ganda nung setting .. May mga floating lanterns, flowers .. Basta maganda! Haha. Sa gitna may candle light table for 2.
Sa dinami-dami ng naging boyfriend ko, ngayon lang ako nakaexperience ng ganitong effort. For the record, sa kanya pa talaga. Inalalayan naman nya ako sa pagkakaupo bago sya umupo.
"So .. What do you think? Do you like it?" Medyo nahihiya nyang tanong.
"I LOVE IT!" Pag-aassure ko sa kanya. "Salamat ha? Kakakilala palang natin, pero ganito na agad. Thank you Mark." "Para sayo, gagawin ko lahat." "May tanong ako .. Bakit ginagawa mo lahat ng 'to? Kahapon nga lang tayo nagkakilala .." Usisa ko. "Well. I have some confessions to make." Mukha ba akong madre para mag-confess sya sakin ng sins nya? Charing! Haha.

DU LIEST GERADE
Inlove with Mr. MVP (Complete)
FanfictionLove is like basketball... First, you learn the fundamentals. Second, you play by the rules. Lastly, you do it with your HEART! - Board of wisdom