Yung 20 mins walk from school to condo feels like forever .. Charing! Haha. I had fun talking with him. Hanggang ngayon nga, hindi pa din ako makapaniwala sa lahat nang nangyari. Kung susukatin, mga hanggang tainga nya lang siguro ako. Sobrang puti at kinis ng mga balat nya, nahiya bigla yung skin ko. Haha, ang baby face din ng mukha nya. Tapos pag ngumiti, aba e paniguradong matutunaw ka talaga. Omo!!
Pero medyo nalungkot ako ng very light nung nalaman kong 3rd year highschool (Grade 9) palang pala sya. 15 years old lang po sya!! And i'm 18!! Huhu. May mantra kasi akong dapat 2 years older or younger lang mga magiging boyfriend ko. Ayoko namang magmukhang cougar!!! Aiissh, kung makagpag-isip naman ako, as if magiging kami. Huhuhu ..
Pagdating namin sa baba, ayaw na nya sanang umakyat. Nahihiya daw sya sa ayos nya. Naka-jersey lang kasi sya, pero i swear kahit na ganun, sya pa din pinakagwapong lalaking nakita ko sa mga oras na yun. Ininsist ko kasing doon na sya sa amin mag-dinner, pasasalamat ko na din sa pag-aalaga nya sakin. Hihihi!
May tig-iisa kaming susi, kaya hindi uso kumatok. Haha, kaya naman pagbukas ko ng pintuan saktong andoon silang lahat sa sala at nanunuod. Maliban pala kay Kat na nagluluto sa may kitchen.
"Bakit ngayon --- Hi! Pinsan mo?" Tanong ni Ynnah sabay turo kay Mark. Pagkabukas ko kasi ng pintuan, nagtatago pala si Mark sa likuran ko. Kaso nga matangkad sya kaya kita agad, haha.
"Miggy? Tara, pasok ka." Sabi naman ni Alexa with her very maliit and pabebe voice. Haha. Napagkamalan pa nilang si Miggy 'to. Halos kaparehas nya din kasi yung pinsan ko. Mas matanda lang siguro ng 1 year si Miggy, chinito at maputi rin kasi yun.
At hinatak na po nila si Mark Ocampo papasok sa sala. Mamaya isipin nito budol budol gang pala kami. Chos! Hahaha.
"Guys, hindi sya si Miggy. Sya si Mark .." "Boyfriend mo?" Biglang sabi ni Mae, bigla ko tuloy nakagat yung dila ko. Enebe, ganun ba kalakas yung chemistry namin? Hihihihi!!
"Shh!! Mae, don't say bad words" pananaway ni Alexa. "No way! Sa gwapo nito, magiging boyfriend nya?" Pa-iling iling na sabi ni Ynnah."Ah ganun? So ano gusto nyong palabasin?" Pag mamataray ko. "NA GINAYUMA MO SYA!" Biglang sabi ni Kath from behind. Naghahain na din kasi siya sa may dining table, kaldereta yung niluto nya .. Amoy palang, masarap na!!
Si Mark naman, hindi alam kung anong unang sasabihin. All eyes and ears are on him pa naman. Haha, tapos etong si Ynnah at Mae halos gawing laruan si Mark, tinutusok-tusok nila. Haha.
"Hindi mo ba talaga sya pinsan? E ano mo sya?" Pag tatanong uli ni Ynnah. Bakit ba hindi nalang si Mark ang tanungin nila. Nasa the buzz ba kami. Huhu, wait .. Ano ko nga ba sya? Friend? Si Mark nakatingin lang din sakin, hinihintay kung anong isasagot ko.
"A .. A friend?" "May question mark talaga?" Hirit ni Mae.
"Ay may chance!! Sabi nga nila opposite attracts! Ayaw mo nun? matakot ka kapag ang soulmate mo kamukha mo. HAHAHAHA" bulaslas ni Alexa. Kung wala lang dito si Mark baka ni-wrestling ko na 'tong si Alexa!!!"Ahh .. Friend, Hi! Ako nga pala si Kath. may GF ka na? single nga pala ko." Inextend nya yung kamay nya para makipag shake hands at kinindatan pa 'tong si Mark. Kalurkey!! Haha.
Agad ko namang pinutol ang pagshshakehands nila. Mahirap na, baka maagaw pa. Eme! Haha. "Mark, they are my friends. This Chloe .. Ynnah .. Alexa .. Mae .. And Kath!" "Girls, this is Mark .." Pagpapakilala ko. Lahat sila ay nilapitan ni Mark para makipag shake hands.
"Tara na sa dining table, baka lumamig na yung niluto ko." Kath. Habang kumakain, syempre hindi mawawala ang kwentuhan. "Matagal na ba kayong magkakilala? Parang ngayon ko palang kasi narinig name mo." Usisa ni Chloe. "Actually, kanina lang kami nagkakilala." Sabi naman ni Mark na agad nilang kinagulat. "Saan?" Dagdag ni Mae. "Don't tell me kaya ka biglang nawala kanina ay dahil --" bago pa man matapos sa pagsasalita si Alexa e, ako ng tumapos. "Girls! Remember kanina sa gym? Inayos ko kasi foot socks ko, kaya nahuli ako sa inyo tapos natamaan ako ng bola sa ulo. Sya yung nakatama sakin and medyo nakaramdam kasi ako ng pagkahilo kaya naman dinala nya ako sa clinic." "Don't tell me, kayo yung pinagtitinginan ng mga tao kanina sa may r.papa? Aba, trending kaya kayo." - Chloe "Nag-alala kasi ako kanina nung tinanong ko sya tapos halos hindi na sya makapagsalita .. Kaya sinugod ko nalang sya sa may clinic. Malapit lang naman." Sabi ni Mark. Bakit ba kinikilig ako pag sya mismo yung nagkwekwento? Nagpaflashback kasi lahat!! Omo!!
"Kainggit!! Pwede rin ba kong magpatama ng bola sa FEUMBT? Baka sakali may mag Dawn Zulueta sakin! Hahahaha ! -Alexa, kaharutan talaga nitong si Alexa oh. Kahit kailan!! Hahaha.
"Magpapatama nga din ako kay Papa Romeo. Kaso i'm pretty sure, di nya ko matatamaan kasi palagi nya kong mamimiss. Yiieee!!" "Ay may nag-joke. Tawa naman kayo guys" pang-aasar ni Katrina. "Whatever kat. Hmp! Mark, close kayo ni Terrence?" Tanong ni Ynnah, "How was the food, nagustuhan mo ba?" Dagdag na tanong ni Mae. Bago pa man makapagsalita si Mark, si Alexa ay bigla ding nagtanong.
"Mark, Single ka ba? Kasi single din ako baka gusto mong maging TAYO nalang" bigla ko ngang binatukan si Alexa. "Baka gusto mong TUMAYO na dyan sa kinauupuan mo?" Pagbabanta ko. Haha"Mark, pupunta ka din ba sa bonfire party tomo?" Tanong ni Chloe, nag-nod naman si Mark. Bigla syang napatingin sakin sabay sabing "Gelann, gusto mo sabay na tayo pumunta dun?" Magkatabi lang din kasi kami ng upuan. Di ako na-orient! Namula ako bigla .. Yung tinginan naman samin nung mga friends ko wagas .. Mga halos hindi makapaniwala lahat e.
"Ehem ehem .. Ikaw na muna Ynnah maghugas ng plato." - kath
"No doubt! 100% sure na kong ginayuma yan ni Gelann!!" Pagbubulong na rinig naman ng lahat ni Alexa.Bigla ko namang hinila si Mark. "Gabi na, hatid na kita sa baba?" Ang sabi ko. Tumango din naman sya at nagpaalam and nagpasalamat na sa kanila. Aba't nakipagbeso talaga ang mga babaitang ito!
"Salamat nga pala uli sa pagkain. Haha, masarap sya." "Ah, wala yun. Hehe, hayaan mo next time ako na magluluto ng sayo." "Yes! May next time pa pala" enebe, kinikilig na kaya ko dito. Buti nalang kaming dalawa lang tao sa elevator.
"Pwede bang .." "Pwedeng ano?" Pagtatanong ko.
"Pwede bang ikaw nalang yung maging date ko bukas?"

YOU ARE READING
Inlove with Mr. MVP (Complete)
FanfictionLove is like basketball... First, you learn the fundamentals. Second, you play by the rules. Lastly, you do it with your HEART! - Board of wisdom