Chapter 15: Selos

5.6K 117 3
                                        

Chloe's POV:

Around 7pm na kami nakauwi ni Terrence, may mga pinalitan daw kasing pyesa. Haha, akala ko nga di na maaayos e. sayang naman, Iphone 5 pa man din yun.

To be honest, wala kasing tumatagal na cellphone sakin. Pinakamatagal na siguro yung 3 months wala namang nasisira, kadalasan naiiwan ko kung saan saan. Mahilig kasi ako magpatong ng mga gamit. To think na 1 week palang yun, pinabili ko kay Daddy nung bumisita sila sa condo. Ganun kasi sila, lalo na pag-stress si Mommy, shopping yung stress reliever nya, medyo nahawa ata ako. Haha.

"Terrence, salamat talaga ha? Akala ko masisira na phone ko." Binilhan din pala nya ng new casing 'to. Color pink! My favorite.

Nginitian nya lang ako tapos ginulo yung buhok ko. Nag-stop na sya sa harapan ng pintuan, pababa na sana ako kaya lang pinigilan nya ko. Bumaba sya at pinagbuksan ako.

Pansin ko lang, good mood sya ngayon ah. Inalalayan nya din ako paakyat ng canopy.

Pagkapasok namin sa bahay.

Halos lahat sila parang nakakita ng multo. Tapos nalipat yung tingin nila kay Terrence hanggang napunta dun sa kamay naming magkahawak. Napabitaw tuloy ako bigla.

"Kaya pala nagpa-iwan e. may gustong masolo .. " Naka-grin lang si Kuya Carl kay Terrence.

"Pss. You shut up." Tapos binato nya sa mukha si Carl ng throw pillow.

"Ikaw babae, anong paliwanag mo?" Pag-iintriga ni Katrina.
"Masakit lang talaga tiyan ko kanina. Naghalo halo na kasi yung kinain ko." "Next time kasi .. Hinay-hinay lang" panenermon ni Terrence. "Opo sir."

Halos lahat naman sila nagpipigil ng tawa, may nag-jojoke ba?

"Eh san naman kayo nag-date?" Tanong ni Mae. "Sa mall --" "Yun yun e. Bilis mo talaga Terrence, idol" tapos nakipag-apir naman itong si Russel kay Terrence.

"Pinaayos ko lang yung phone ko!! Yun lang yun!!" Pero halos walang nakikinig sa akin. Poor me, huhu.

"Naghain na pala sina Manang Fe, Hinihintay nalang namin kayo. Tara na?" - Kat

Pumunta naman kami sa kitchen at umupo na. "Asan sina Gelann at Ynnah?" Mag-uumpisa na kasi kaming kumain tapos wala pa sila sa mga upuan nila. "Pinadalhan na ng pagkain si Gelann sa kwarto nya. Dinala kasi namin sya sa hospital kanina. Hindi pa man kami nag-uumpisa mag-spelunking e natuklaw na ng ahas. Buti kamo at naagapan kaya hindi na kumalat pa yung lason kaso namaga pa din yung paa nya" Pagpapaliwanag naman ni Alexa.

"Ah, e si -- " Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na ako ni Mae.

"Ayun .. Nagmumukmuk sa may pond. Paano ba naman kasi, umasang mapipili ni Daniel as her prom queen. Bitter, mas maganda daw kasi sya kesa sa napili."

Ah ganun pala. Yan kasing si Ynnah, sobrang bihira malungkot, pero pag nalungkot yan wagas. Ayaw ng may kausap, but knowing her. Okay na yan maya maya. Dalhan ko nalang sya chocolates mamaya.

"At ikaw chloe, alam kong madami kang ikwekwento samin mamaya." May pananakot sa tonong sabi ni Alexa. Napatingin naman sakin si Terrence, napayuko nalang ako sa mga nangyari ngayong araw. Haha.

Halfway through palang ako, tapos na si Terrence. "Excuse me lang ha." Paalam nya, kinuha na nya ang Plato nya at inilagay sa may dirty kitchen.

Saan naman kaya pupunta yun at ang bilis bilis atang kumain. Pero mukhang hindi lang ako ang nakapansin, "nag-away na naman ba kayo ni Terrence?" Halos sabay na pagtatanong nina Alexa at Mae. "Hindi naman."

Hindi na ako kumain ng dessert, busog na din naman ako. Tsaka parang lovers lane na yung table, partner partner kasi sila. Hmp! Kagatin Sana sila ng langgam. Mwahahaha *evil laugh*

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now