Chapter 6: Terrence and Vice

10.5K 136 2
                                        

"Vice and i are .. Childhood best friends" "Weh?" Ang agad na reply ko. Parang may mali kasi sa pagkakasabi nya, o baka iba lang kasi yung ineexpect kong isasagot nya.

Nilapitan ko sya at umupo sa side nung sofa "Alam mo Terrence, tayo-tayo lang naman dito e. wag mo na ideny -" natigilan ako, nyong tingin nya kasi parang may galit.

Agad akong umalis sa kinauupukan ko, mamaya masapak pa ko nito.
"Uhh, eh .. syempre joke lang yun. he-he-he. Ikaw naman kasi masydong seryoso." Sabay pasimpleng hampas sa mga biceps nya.

"You wanna really know the truth?" "Of course!!" At pumwesto ako sa harapan nya para makinig. He took a deep breath bago magsalita uli.

"Magkapit-bahay kami dati sa Tondo, siya pa nga nagturo sakin mag basketball nun e. Kuya Vice ang tawag ko sa kanya. Ang galing-galing nya mag basketball noon kaya naman na-inspired akong maging basketball player din." Nag-pause sya saglit .. "Kaso lumipat sila ng tinitirhan tapos nawalan na ako ng balita sa kanya. Tapos nagkita uli kami nung nag try-outs ako sa FEU Men's Basketball team. Halos hindi na nga nya ako nakilala nun, haha. Pabiro nya pa ngang sinabi na "Yung kuya mo dati, Ate na ngayon." Dahil din sa kanya kaya nag-iba pananaw ko sa mga Bakla, Tomboy, Bisexual o kung ano pa man sila. Kaya nga siguro madalas pag-kamalan na kami ay dahil sa sobrang close namin. Ma-regalo din kasi yan si Vice, nahihiya na nga akong tanggapin minsan tapos magtatampo sya. Kaya noon, lagi ko syang tinitreat ng siomai rice dyan sa may r.papa, haha. Lalo na nung nag-uumpisa palang ako." May sense din pala talaga kausap itong si Terrence e.

"Kaso ngayon hindi na kami ganun kadalas mag-kita, syempre sobrang sikat na nya tapos ako .. Medyo nakikilala na din. Nakakainis lang, kasi madaming makikitid ang utak. kung ano-anong kongklusyon na ang sinasabi nila. Lagi syang na-iisue kaya naman nag-decide akong kusang lumayo sa kanya. Dinadahilan ko nalang na busy sa practice ganun." Kitang-kita ko sa mga mata nya yung lungkot. Ngayon ko lang nakita yung side ni Terrence na ganito. Bigla naman akong nahiya, kasi isa din ako sa mga taong tinutukoy nya kanina. Sino nga ba ako para i-judge yung friendship nila.

Nalipat uli atensyon namin sa t.v., akala ko kasi tapos na, hahaha. Bibigyan pa pala sila ng prizes.

*SHOWTIME*

Jhong Hilario: Nanalo kayo ng 6,000 pesos! Si Ryan naman ang nag-abot ng tig- 1500 pesos each sa kanila.

Vice Ganda: "At meron pa kayong tig-iisang cellphone from STAR MOBILE!"
Si Ynnah kasi yung nasa gilid, si Vice yung nagbigay isa-isa ng phone, nung si Ynnah na inabutan nya "Oh, ayan star mobile phone." Sabay talikod. Ramdam kong natakot si Ynnah nun. Hahaha.

"E, Terrence bakit parang ang bitter ni Vice kay Ynnah?" Usisa ko, feeling ko kasi close na kami kaya okay lang magtanong ng magtanong.
"Aba malay ko, ako ba si VICE?" Sabi nya sabay kunot ng noo.

Haay. Etong bakulaw na 'to talaga, kanina ang ganda ng kwento sabay ngayon beast mode uli. May switch button kaya 'to sa likod? Hahaha mister bipolar. Nakalimutan ko na ngang maghugas, nawili kasi ako sa kakapanood ng showtime. Pansin ko lang, palaging sa kanila naka-focus yung camera. Inggit ako!!! Huhuhu.

"Ehem .. Tapos na oh? Baka gusto mong ituloy na yung paghuhugas ng plato?" Sabi sa inyo e, bumalik na naman sa mister sungit mode si Terrence.
"Pss. K!!" At padabog akong bumalik sa may kitchen sink.

"Pagkatapos mo dyan, pwede ka ng umuwi."
Nagpantig agad yung tenga ko doon ah, sabay ngiti ng sobrang laki sa kanya.

"Nga pala, FEUMBT will be having bonfire party this Sunday. Kailangan nandon ka, isama mo na din mga friends mo." Sinabi nya uli, pero yung tingin nya nakapako na sa tv. Nanonood uli sya ng NBA.

"Anong FEUMBT? Hehe." Mag cacamping kami ganun? Kasi dba bonfire party? Dala nalang siguro kami madaming marshmallows. Haha.

"Seriously? Ilang taon kana sa FEU?"
"Oy, bata pa ko nun. Frosh palang ako, tanders ka na kasi" sabay belat sa kanya.
"Pssh. FEU Men's basketball team kasi .. Baka pati yung bonfire di mo din alam ah? Haha" pang-aasar nya.
"Alam ko kaya yung bonfire! Ginagawa namin yan sa province no. Dadala kami madaming marsmallows!! Yum!!" "Bobita ka talaga!! Haha, binayaran mo lang siguro yung faculty nung nagtatake ka ng entrance exam no? Hahaha." Tawa lang sya ng tawa. Nakakainis!! May mali ba sa sinabi ko? Nagpout lang ako sabay act like i'm so offended. Kaso natatawa din ako sa tawa nya e. Haha.

"Hay naku, assignment mo yan ah." "Okay boss!!!" At pinagpatuloy ko na ang paghuhugas. Ang cute nung apron nya, hello kitty. Hahaha.

Pagkatapos ko maghugas, sinabit ko na yung apron at kinuha ang bag. "Boss!!! Alis na ko." Tumayo sya sa pagkaka-upo sabay lumapit sakin. "Oy, hindi mo na ko kailagan ihatid, alam ko na naman daanan e." Mahiya-hiya kong sabi. Tinaasan naman nya ko ng kilay. "Bakit naman kita ihahatid? Kapal ah!" "Pssh, sabi ko nga." Sabay talikod sa kanya, tapos hinawakan nya yung kamay ko.

*dug dug dug* heart beat yan!! Haha

Bakit ba ako kinakabahan, huhubels. "Give me your phone." Hinalungkat ko naman sa bag yung phone ko. "Here's my number .." He hand me back my phone, at talagang Sir Terrence Romeo yung nilagay nyang name sa contact ko. Kapal din ng fez eh oh.
"So call me maybe?" Agad kong hirit. Pero wa-epek!

"Just kedeenggg" "he he he .. Very funny" he said sarcastically.
"Don't text me, i don't read texts. So call me, You'll still be my maid even during the party. Wear something good, yung magmumukha kang tao."

Wow ha, mukha naman akong tao ah. *checks my mirror* chos!
Minsan iniisip ko, di kaya kalahi 'to ni Edward Cullen? Parehas sila ng Buhok e. Hahahahahaha.

"Copy sir, so pano ba yan, uwi na ko ah?" "Lock the door when you leave." Sabay talikod at balik sa trono nya.

Ano kaya yung bonfire party? Ano kayang pwedeng suotin? Yung magmumukhang tao ako. Huhu, chos!!

---------------------------------------------------------------------------

A/N:
Anong kulay kaya babagay kay Chloe? Ano kaya ang bonfire party? Magdadala kaya sila ng sandamakmak na marshmallows at tent? Magmukha kayang tao ang Le Girlfriends? ABANGAN!!

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now