Chapter 5: It's Showtime!

6.9K 139 11
                                        

A/N:

Please do like our page on facebook :)
www.fb.com/LeGirlfriends
Don't forget to vote, share and leave a comment, thank you 😘

P.S.
Some scenes are based on true story.

~~~~~~~~~~~~~~

Tinignan ko ang laman nung plastic, chicken legs and wings.
Prituhin ko nalang kaya? Agad naman akong tumingin ng mga seasonings sa kitchen drawers and fridge.

Kaso pag-tingin ko naman sa fridge, puro gatorade, beer at chips ang laman.
Kaya naman pala malusog, HEALTHY LIVING kasi sya.

Buti naman at may toyo at suka sya, tapos .. Walang salt pero ang daming magic sarap, sponsor din kaya nila 'to? Mang-hingi kaya ko. Hahahaha.

Since wala naman silang breading mix at madaming mantika pang deep fry, tinext ko si Kat para hingin ang kanyang adobo recipe. Alam ko kasi suka, toyo at magic sarap lang din nilalagay nya e.

to : LG Kath
Oy paano magluto ng ADOBO?
*message sent*

* beep*
Fr: LG Kath
May date ako diba? panira oh! haha, basta maraming toyo at suka tsaka lagyan mo ng magic sarap and kunting black pepper. okay na yun."

Kumuha na ko ng kawali, hinugasan ang manok tapos binuksan ang kalan. Pinaghalo ko na sa isang kawali yung hilaw na manok, toyo, suka at magic sarap. Wala naman kasi syang black ground pepper dito.

Medyo nilakasan ko na yung apoy para mabilis maluto. Mag-aalas dose na din kasi.
Habang hinihintay ko maluto ang pag-kain, nagwalis-walis muna uli ako.

GRABE! IDOL KO NA MGA KASAMBAHAY NAMIN.
Mukhang madali pero mahirap din pala mag-linis, buti nalang hindi ganito room ko sa bahay, maging sa condo.
Ngayon palang e naaawa na ko sa mapapangasawa ni Romeo.

After 30 minutes ..
*sniff* *sniff*

Bat parang amoy sunog?

Biglang napalaki ang mata ko ng maalala ko yung niluluto ko. Nawili kasi akong titigan yung mga picture frames na malapit sa kama ni Romeo. Hawig na hawig nya kasi yung daddy nya.

Agad akong pumunta sa niluluto ko at tinanggal ang takip.
"Aray" huhu, napaso kasi ako. Sa sobrang pagpapanic nakalimutan kong mainit nga pala 'tong kawali.

Agad kong pinatay ang kalan. Grabe, halos lahat ng manok ay may sunog na part. Makakain pa din kaya ito? Huhuhu. Anong gagawin ko?

Time Check: 12:30pm

Itetext ko sana si Kat uli kaso bigla akong nahiya, may ka-date nga pala sya. Baka ma turn off naman si Ed pag napansin nyang palaging nakatingin si Kat sa phone nya. Chloe, think !!!

Tinignan ko uli yung fridge .. *ding*
"Yas! Alam ko na!" Matutuwa tuwa kong sabi.

Buti nalang at may 3 eggs sya dito sa ref. Gagawa nalang ako ng adobo chicken omelet para hindi pa din masasayang yung manok. Tatanggalin ko nalang yung sunog na part.

Grabe yung mantika nila dito ah, ang lakas tumalsik. Huhu, my precious skin.

...
*tok tok*

Ipupusta ko buhay ko, si Bakulaw na 'to.

"Bat parang amoy may nasunog? Baka may balak kang sunugin 'tong kwarto ko ah." "Yun talaga unang napansin mo ah? Todo effort pa man din akong linisin 'tong kwarto mo at ipagluto ka. Hmp!" I rolled my eyes on him.

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now