Chapter 16: Russel's ABS

5.1K 107 12
                                        

 A/N:

Heeyyyaaaa :> Thank you sa mga nagbabasa nito. ahihihi :> Lalo na sa mga taga FEU. sheyte special mention. whaha, keep supporting :) 

Enjoy reading .. 

Love .. Love .. Love <3

--------------------------------------------------------

Ynnah's POV://

"Anyare dun? Basta nalang tumakbo, hindi man lang nagdala ng payong?" - Kath

Nagkibit balikat nalang ako, "Parang familiar na 'tong scene na to ah. Parang napanuod ko na sa movie. Hmm." Napahawak naman si kuya Carl sa baba nya na tila iniisip kung saang movie scene nya yun napanood." "The notebook?" Biglang sinuggest ni Alexa. "Yun na nga ata yun. Haha, at dahil dyan .. Manonood tayo ng movie."

"Naks. Hindi halatang prepared ka kuya Carl ah." Sabi ko, "Oo naman, nag download talaga ako ng madaming horror movies dito sa USB ko." Nilabas nya sa bulsa nya yung mini red USB nya.

"Wala bang rom-com dyan? He .. He .. He." Pagtatanong ni Alexa. "Rom-Com? Psh. Walang thrill yun. Punta nalang kayong entertainment room ah? Ipapaconnect ko lang 'to." At umalis na si Kuya Carl patungong entertainment room.

"Nagugutom ako. Samahan nyo ko kumain!" Request ko, hindi naman sila makatanggi kasi hinila ko mga kamay nila. Kami lang nina Mae at Alexa ang magkasama dito sa kitchen. Ayun, pinapanuod lang nila akong kumain.

"Hoy! Samahan nyo ko mamaya sa entertainment room ah." - Alexa
"Ayoko nga." Halos sabay naming sabi ni Mae. "Oy ynnah liit. Sinamahan kita dito no. You owe me your life." "Agad-agad? Sige na nga! Ang laki laki mo na, takot ka pa din sa moo moo. Palabas lang kaya yun." Binatukan naman ako ni Mae. Sya kasi katabi ko at si Alexa naman katapat ko "Aba at nagsalita ang isa pang duwag." "Hiyang hiya naman ako sa tapang mo ah." Sumisiksik kasi yang si Mae pag hindi umuwi ng condo si Kath. Takot matulog mag-isa, haha.

"Speaking of .. Saan na naman ba si Kath?" Pagtatanong ni Alexa, "Baka ka-chat na naman sa kwarto nya si Ed." Pagsagot naman ni Mae.

"I'm done! Tara na sa sinehan." Sabi ko, "Sinehan?" Pag-uulit ni Mae. "Haba kasi nung entertainment room." "Tatawa na ba ko?" Sarkastikong sabi ni Alexa. "I hate you! Nagbago na isip ko, Tara na sa kwarto Mae." At hinila ko na ang kamay ni Mae.

"Aba aba. Hindi ako papayag" hinila naman ni Alexa sa kabilang kamay si Mae. Para kaming nagtatag of war dito sa kitchen. "Saglit!!! Anong tingin nyo sakin? Lubid?!!" Pagpupumiglas ni Mae.

"Hindi talaga kayo makuha sa santong dasalan ha? Daanin na natin sa santong paspasan." Eto na sya .. Hinahabol kami, jusko. Ang sakit pa man ding mangurot nito. Yung kirot na nagtatagal.

Bago pa man nya ako makurot,
"Oo na!! Eto na!! Sasama na nga e, kumuha lang ng mga chitchirya." Binuksan ko yung ref at kumuha ng mga chips.

Pinatimpla ko din si Mae ng juice. Para hindi na kami Pabalik balik mamaya habang nanunuod.

Terrence POV://

Aish ! Bakit ba bigla nalang ako tumakbo at hindi man lang nagdala ng payong at flashlight.

Dali dali akong pumunta sa may garden. Paano ko kaya sya makikita dito e ang dilim dilim? Yung pagbagsak lang ng ulan naririnig ko e. Ano nga uli suot nya kanina? Aish! Itim din pala. Napaka pasaway talaga.

"CHLOE!!" "CHLOE!!" Sinisigaw ko pero tila nag-eecho lang yung boses ko. Napapasambunot na ako sa sarili ko, i'm so desperate.

Nagpapanic na din ako, lampa pa naman yun. Paano nalang pag nadulas sya tapos tumama ulo nya sa mga bato? O di kaya nakagat sya ng madaming lamok at naubusan ng dugo? Ang payat pa naman nun.

"CHLOE!!" Sigaw ko uli at isa-isang pinuntahan ang naglalakihang mga puno papuntang orchid farm.

"CHLOE!" Sigaw ko uli hanggang sa makarinig ako ng mga hikbi. Nakita ko sya, nakaupo sa ilalim ng puno. Nakatungo sya at basang basa habang umiiyak.

Tinabihan ko sya, "May problema ba?" Napaka fragile kasi nya, ayokong nakikita syang umiiyak. Ayokong nakikita syang nasasaktan. Pati ako nasasaktan din.

Hindi sya nagsasalita, patuloy lang sya sa paghikbi. "Tara na sa loob. Magkakasakit ka nyan e." Tinulungan ko syang tumayo kaso bigla nyang inalis yung mga kamay ko sa pagkakahawak sa mga balikat nya.

"WHY CAN'T YOU JUST LEAVE ME ALONE?" May galit sa mga Mata nya at tumakbo uli papalayo. Papalayo sa akin.

Mae's POV:// 

Palihim akong nag-sneak out sa kitchen. Sabi ko magbabanyo lang ako pero nagtago ako ng isang basong gatas pampatulog at si Alexa na muna pinaghalo ko nung juice. Like duh, ako lang kaya mag-isa sa kwarto. Mamaya hindi pa ko makatulog no. Nakakahiya namang kumatok sa mga kwarto nila in the middle of the night. Haha.

Pero bago pa man ako makapanhik ng hagdan. "Oh .. My.. God. I'm so sorry." Tapos pinagpag ko yung damit nya which is useless din kasi basang basa na yung sando nya.

Di ko kasi sya napansin, tinitignan ko kasi sina Alexa sa may kitchen door, sabi ko kasi sa banyo lang ako pupunta at hindi na papanhik sa itaas.

"Don't mind it." Sabi ni Russell at hinubad na nya sa harapan ko mismo yung sando nya. Alam naman nating lahat kung gaano katangkad si Russell Escoto. Medyo matangkad din naman ako (5'5) pero hanggang baba nya lang ako so yung Mata ko e nakatapat sa mga dibdib nya

Nung napayuko naman ako, mas yummy pa pala makikita ko. Yung abs nya jusko, 6 pack! Parang gusto Kong bumalik sa kitchen at kumuha ng kanin. Ginutom ako bigla.

"Look what we have here." Narinig ko yung boses ni Alexa from behind.
"Uy!! Ngayon lang nakakita ng abs, gusto ma-experience" tinulak naman ako ni Ynnah at nahulog sa mga kamay ni Russell syempre, palihim ko ding dinama yung abs nya. Grab lang ng grab ng opportunity!! Hahaha

"Ayy!! Bastos ka talaga!" Kunwaring galit ko. "Sus! Gusto mo naman, nakita ko yun!" Panunukso ni Ynnah. Bilis talaga ng mga Mata nito.

"Girls girls .. Okay lang. Tsaka mainit naman e. Papunta din ba kayo sa entertainment room? Sabay na tayo."

Ajsuahsyeh!! Biglang umakbay kasi sakin si Russell. Jusko, there's no backing out.

Inlove with Mr. MVP (Complete)Where stories live. Discover now