Le Girlfriends -------------->
Mae, Gelann, Alexa and Ynnah
------------------------------------------------------------------------------------------------------
I CAN'T SLEEP ..
Wala naman akong balat sa pwet ah, di rin naman ako nakakita ng itim na pusa, lalo namang hindi ako nanalamin sa basag na salamin, pero bakit ang malas malas ko? Haaay.
Sa dinami-dami ba naman ng pwede kong mabangga, yung star player pa ng basketball sa FEU.
Pero publicity is publicity, it may be good or bad. Oo, gusto ko ngang makilala pero di naman makilala dahil sa bashers/bully. Sakit kaya sa heart nun!
Ilang araw pa nga lang ang nakalipas, may open letter na ko sa FEU Secret file eh. Yung mga babae tuloy dito sa campus halos mapatay na ko ng mga tingin nila.
Haaaaaay, sana panaginip nalang 'to. Can someone please wake me up from this horrible nightmare.
--------
"Naks, nakiki-uso ka ah! Panda make-up tawag dyan dba? " Pang-asar ni Alexa.
"Inaalala pa kasi nyan yung nangyare nung mga nakaraang araw sa TAMbayan. Don't worry, andito lang kami sa likod mo Chloe, literally. Haha" - Mae"Nakikita mo yang mga babaeng yan? Defense squad ni Romeo lahat yan. Lagot ka!!!" Pananakot ni Gelann. Bigla namang lumapit sa gilid ko si Ynnah.
"Alam mo, may pag-asa ka pa namang mabuhay. Puntahan natin si Papa Romeo tapos say that you're sorry and that you mean it. And lastly, dalhan mo ng ice cream as peace offering, no doubt mapapatawad ka agad nyan *wink* - Ynnah
"Weh Ynnah? Gusto mo lang makita si Terrence eh. Mga pambobola nito, ayy naku." -Kat
"Oy, hindi naman. Actually, gusto ko lang kumain ng ice cream hahaha." - Ynnah."Tingin nyo pag pumunta talaga ako doon, mapapatawad talaga ako nun?"
"We will never know unless you tried it" - GelannRight after ng class namin, we decided na pumuntang gym. Syempre, dumaan muna kaming 7/11 at bumili ako ng 1 galloon of ice cream, juskolord. Dalawang araw na baon ko na 'to ah!!
Bago pa man kami makapasok, bigla kaming hinarangan ni manong guard.
"Hep hep, san kayo pupunta? "- kuya GuardOh no!! Pinagbabawal nga pala umakyat ng gym during serious practice not unless Varsity athlete ka rin o kaya may permission from the coach.
Mga 7pm pa daw matatapos yung practice, meaning maghihintay pa kami ng 1 hour. Sayang naman yung ice cream!! Huhu. Sabay nakatinginan kaming anim, mukhang mag naisip na plano sina Alexa.
"Kuya, di naman bawal bumili sa may tamshop diba? May maganda kasing I.D lace dun, bibilhin sana namin." - ALexa
(Fun fact: Located yung Tamshop sa may Parking area, tapat ng Tamshop yung stairs paakyat ng GYM)
"Hindi naman, pero siguraduhin nyong sa may tamshop lang kayo ah. Babantayan ko kayo."
"Okay po kuya!" Anya naming lahat.
This is it pancit!! Ninja moves na ito!!
Medyo nahirapan kami makatagas sa mga mata ni manong guard, wagas kasi kung magbantay. Buti nalang may ilang estudyanteng nagtanong. Nalingat tuloy atensyon nya. Ako lang mag-isa pinaakyat nila para di rin daw mahalata ni Manong guard.
Dali-dali akong patakbong umakyat ng stairs.
Nakakapanibago, akala ko ba may practice? Eh bakit wala akong marinig na tambol ng bola?
I walked slowly and pasimpleng sumilip sa court.
Bakit walang tao? Pero nakabukas naman yung ilaw? Sabi ni Manong guard may practice, wala naman. Ano bayan!! Sayang yung ice cream!! Mangiyak-ngiyak na ko dito,
Nag-umpisa ng magsipatayan ng mga ilaw. Huhu, wrong timing talaga. Literally na nangingiyak na ko. Haaaay, uubusin nalang namin 'to.
Nawawalan na ko ng pag-asang makita sya, habang pababa na ako, may narinig akong lumabas ng cr.Pinanganak siguro 'to sa cr no? Kung MMK lang 'to, panigurado BANYO ang title namin.
"What are you doing here? Are you stalking me?" Pawis na pawis sya, pero bakit ganun amoy mabango pa din. It's getting hot in here, ohemgee!!!
"Ah eh umm Oh" i said stuttering
"A E I O U? Hahaha. Budoy ka ba?"Aba bastos 'to ah! Kinakabahan lang naman kasi ako e. Aish!!
Itinaas ko yung plastic na may lamang ice cream, sabay yoko. "Oh!"
"Ano yan?" Sabay usisa sa hawak kong plastic.
"Ice cream? For what? Nanliligaw ka ba?" He asked.
"Aish!! Peace offering ko yan. Ayoko kasing mabully ng defense squad mo. So, ano bati na tayo ah? Sige, bye." Mabilis kong sabi sabay talikod at aakmang aalis na.Ngunit bago pa man din ako makatakas, nahawakan nya ang kamay ko. Jusko!! Pawisin pa man din yung mga kamay ko, nakakahiya. Huhu!!
"Mukha ba akong bata na nakukuha lang sa ice cream? Alam mo bang isang tingin ko lang dun sa mga babaeng yun na sinasabi mong defense squad, hindi mo na gugustuhing pumasok uli sa FEU? And to think na hindi lang isang beses mo kong pinahiya, DALAWA."
"Eh Terrence eto na nga e, nag-sosorry na ko dba? Di ko naman sinasadya e. Can we just be friends nalang? or kung gusto mo isipin nalang natin na di 'to nangyari? I swear, hindi mo na ko makikita kahit kailan. Please?"
Matagal nya akong tinignan bago magsalita. "NO."
Masyadong bossy and dominant yung voice nya, huhuhu."So, what do you want me to do para mapatawad mo na ko? I'll do everyth--"
Before i could finished my sentence, he smirked."You're willing to do everything?"
Sabay cross sign sa may dibdib ko. "Bastos ka ah!!"
Biglang napakunot naman ang noo nya. "Let's make things clear. First of, you're definitely not my type."
"Kfly" then i rolled my eyes.
"Simple lang naman yung gusto ko. Be my maid"
"WHAT? DI NGA KO NAGLILINIS NG BAHAY TAPOS GAGAWIN MO KONG MAID?" "Sino bang may sabihing papalinisin kita? My cleaning lady yung dorm ko. Ang gagawin mo lang e sundin LAHAT ng utos ko."
"A- YO-KO"
"Ah, ayaw mo? Okay, ikaw rin. alam mo bang nasa 500k ang followers at fans ko sa Twitter at Facebook? madali lang namang ipost dun yung picture mo at gawan ng negative comments. ikaw rin. di mo na gugustuhing mag-aral sa FEU" and he let out a huge sigh. Napakaloko loko talaga ng taong 'to.
"Psh! Whatever .. Ugh, oo na."
"Good!" Sabay gulo ng buhok ko, mukha ba kong aso para i-pet?"I need you to be here tomorrow, 8am sharp."
"Whatever!!" I rolled my eyes again at padabog na umalis.

YOU ARE READING
Inlove with Mr. MVP (Complete)
FanfictionLove is like basketball... First, you learn the fundamentals. Second, you play by the rules. Lastly, you do it with your HEART! - Board of wisdom