War 5: Anong meron sa Feb 14?

4.3K 176 14
                                    

DPmeetsWA

WAR 5:

'Anong meron sa Feb 14?'

 <Sean Matthew P.o.V>

Nandito ako sa School nag-aaral.. de joke lang! nag iingay pala. :D "Haaa!! Ang sakit ng ulo ko pre! Meron kasi tayong Science mamaya, pakopya naman ako assignment oh" Sabi ni Godwin 

"Ikaw naman pre! Wag mo kasing seryosohin! Ganto lang yan.. pag-usapan na lang natin kung kailan ulit pustahan sa Dota" Sabi ko 

"Gag0 pre! Ang baba ko na nga sa science eh! Bubugbugin ako ng tatay ko nito! Dali na pakopya ako" Sabi nya "Gag0! Mukha bang may gawa ako?!" Sabi ko sabay turo pa sa sarili ko "Mukha ngang wala" Sabi nya sabay lipat ng pwesto at nangulit ng iba pa naming classmate 

"Hi! Denise cute, meron ka sa science pakopya" Narinig kong sabi ni godwin kay denise "Ayy! Yes, meron ako" -denise 

"Yun! Pakopya. Dali na.. Cute ka naman eh" Tss si Godwin talaga.. "oh, sure ^_^" Pacute na sabi ni denise tss.

Nagulat ako nung may biglang humampas ng likod ko.. si jerick Putcha! Lakas nun ah! "Gag0 pre! Ang ganda ng kadate ko sa 14 tae na! Chicks! Coca cola pa katawan!" 

"Di nga pre? Chicks? Sigurado ka?" Tanong ko

"Oo naman pre! sa susunod pakikilala ko sayo"

"Bakit di na lang double double double date?" Parehas kaming nagulat ni jerick ng biglang katabi na pala namin si albert na pataas baba taas baba pa yung kilay nya. Nagsilapitan na rin ang buong tropa (Chrismar, Christian at godwin) Tas nandito pa yung dalawang ugok. Si Jerick at Albert

"May date din kayo sa feb 14?" Tanong ni godwin habang tinatago ang notebook na sinagutan sa bag nya, magkatabi lang kasi kami

"Oo." Sabay-sabay na sabi nila pwera........ sakin. 

Dumako naman ang tingin nila sakin na akala mo'y may ginawa akong kasalanan "Ano?!" -ako

"Pre! Wala kang kadate sa feb 14?!" Di makapaniwalang tanong nila sakin 

"Oh ano naman?" Balik na tanong ko. "Gag0 pre, Himala! Walang kadate sa feb 14 si DoTa player!" Sabi ni jerick sabay nagpakawala ng malakas na tawa, nakitawa na rin sila chris. Naguguluhan na ako ahh! 

"Teka, Ano bang meron sa Feb 14?" Naguguluhang tanong ko. "Anong meron sa Feb 14?" Pag uulit ko. "BWAHAHAHAHA! :D" Putcha! Tinawanan lang ako

"Pre, Valentine's sa feb 14" Valentines? Ano yun? 

"Eh, ano ngayon? Anong meron dun?" 

"PFFTT!!!" Natatawa sila >_<

"Babarilin ko kayo isa-isa dyan!" Naiinis na sabi ko. POTA! Nagtatanong ng maayos eh

"Araw ng mga puso! pre!" -albert

Araw ng mga puso? ano naman kung araw ng mga puso?! Kailangan ba pag feb 14 May kadate?! Krimen bang walang makadate sa lintek na 14 na yan?! Pwede namang magDota na lang. Hindi ka pa mapapagod na kung saan pumunta. Mauubos lang pera mo sa mga babaeng yan eh. Daming alam. =___=

"Sabi ko na nga ba eh, Walang ka Date ehh..!" -Chrismar 

"Hayaan mo pre! Hanapan ka namin" Sabi ni godwin

Nagtawanan ulit sila.

Tss.. anong nakakatawa?! 

Mangongopya na nga lang ako.. Lumapit ako dun sa nerd na lalaki na wag ko na lang sabihin ang pangalan dahil di naman sya importante. "Oy! Pakopya ako sa SciencE! Kung ayaw mong mabanatan!" Pagbabanta ko, binigay naman nya agad yung notebook nya sakin, agad ko naman kinuha iyon "Sigurado ka bang tama to?!" 

"O-opo." Nauutal na sabi nya 

"Siguraduhin mo lang kundi bugbugin kita!" Banta ko pa sabay umupo sa pinaka sulok at kumopya na. 

"Tingnan mo nga naman si mathew, wala na ngang kadate nangbubulas pa" Rinig kong sabi ni Christian sa mga tropa

"HAHAHAHA yaan mo na yan pre! Bitter lang yan! Kakabreak lang eh" 

"Dota kasi. Ako nga may Gf ako, pero napagtutuunan ko pa rin ng pansin yung gf ko kahit Dota player ako." 

"Hanapan na lang natin si bitter boy ka BLIND DATE" 

"Hahaha sige, hanapan natin si BITTER BOY" 

"Oo nga hanapan natin si BITTER BOY ng sexy na chicks ta---" Binato ko sila ng bag Wahahaha xD Ang epic ng mukha ni Albert eh!

"Gago kayo! Ano yang bitter bitter pinagsasasabi nyo?! Hindi ako Bitter ah! Sweet ako noh?! Tingnan nyo bukas may mahahagilap agad akong kadate" Panatag na sabi ko. 

"OLOL ka Villanuel" Sabi nila.

A/N: Yan na po Request nyo.. Samthinghot,ate santos,Jadine4ever etc.. Sorry ngayon lang ulit nakapag UD lagi kasing nara-Writers block! hahahaha :D Anyway Pasensorry sa mga MURA nila Sean, part po ng story na maging palamura sila wahahaha xD Mga readers USO ACTIVE :) Comment po please vote na rin. Geh yun lang maghahanap pa kasi ako Kadate sa 14. Wala rin ako kadate Ajujuju. T_T

Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )Where stories live. Discover now