War 40: Happy not Happy Monthsarry
Note: Happy 100K Reads! *Tapon kaldero*
Marthel's P.O.V
Ngayon ang araw ng 3rd Monthsarry namin ni Matthew. At masasabi kong napakalungkot ng araw na ito. Ito na nga ata ang pinaka-nakakalungkot na araw na naranasan ko. At pinakawalang kwentang monthsarry na nangyari sa mundo ng Couples. Paano ako makakapagcelebrate ng monthsarry kung wala si Matthew? At hindi pa siya tumatawag kay Mariel. Hindi ko na uli alam kung anong nangyayari sa kaniya doon. Wala na uli akong balita sa kaniya.
Matamlay na lumabas ako ng kwarto ko at nakasalubong ko naman si Mama, "Anak.."
"Hi ma.." Walang ganang sabi ko.
"May nagpadala nitong bulaklak at box. Mukhang galing kay Matthew." Nakangiting saad ni mama na ikinanlaki ng mga mata ko. Agad kong inabot kay Mama ang mga iyon. "Salamat, ma!" Excited akong bumalik sa kwarto.
"Galing nga kay Matthew!" Masayang bulalas ko pagkakita ko ng card.To Marthel
From Matthew
Happy Anniversary! Hope you like my gift! JNagmamadaling binuksan ko yung gift box ngunit agad ko itong naibagsak nang makita ko kung ano ang laman. Patay na pusa. Nakita kong may kasama pa itong note. Computerized ang pagkakasulat kaya hindi ko ma-identify kung kanino ba talagan galing iyon. Nanginginig na kinuha ko ang note.
Surprise?
-AMatthew's P.O.V
"Oo pre. Sigurado kami! Diba jerick!?" Sabi ni Godwin habang sinisiko si Jerick.
"Totoo pre! Galing sa lolo mo! Nakita naming tauhan ng lolo mo ang nagpadala nun kay Marthel." Sabi naman ni Jerick. Tumango-tango naman sila Albert.
Nandito yung mga tropa ko sa kwarto. Paano sila nakapasok? Ang totoo, alas-tres na ng madaling araw. Tulog na lahat ng tao dito sa bahay. Kaya pasimple ko silang pinapasok. Napilitan pa nga kami patulugin yung isang guard kasi nahuli kami. Ngayon, binabalitaan nila ako tungkol kay Marthel at isa sa mga balita nila na nakatanggap daw ang girlfriend ko ng regalo mula sa akin kagabi na ipinagtaka ko dahil wala naman akong natatandaang nagpadala ako kay Marthel. Oo, monthsarry namin kahapon pero men! Paano ako makakapagpadala kung grounded ako? Ginawa ko na nga lahat kahapon eh. Sinubukan ko tumakas kaso dumami bigla yung guards sa labas. Kaya sobrang naguguluhan ako kung bakit pinadalhan ni Lolo si Marthel ng bulaklak at regalo. Imposible talaga na gawin niya iyon dahil tutol siya sa relasyon namin ni Marthel kaya napakalabo lang. Pauli-ulit kong sinisigurado kanila Albert kung kay Lolo nga ba talaga galing o baka naman kay Mom or Dad, kasi napaka-imposible talagang gawin yun ni Lolo.
"Hala mga pre! New news!" Nabaling ang atensyon namin kay Godwin nang sumigaw siya habang nakatingin sa phone niya na para bang may binasa."Ano yun?" Tanong ni Christian
"Sabi ni Mariel, nakatanggap daw si Marthel ng patay na pusa! At nakapangalan daw sayo yung card, Matthew!" Sabi ni Godwin kaya napamura ako. Oo nga, kay lolo nga galing yung regalo na 'yun. Tarantadong matanda na 'yun! Kaya pala ang lakas ng loob na magpadala ng bulaklak at regalo, akala ko pa naman sinaniban ng anghel ayun pala demonyo!
"Tapos meron pa! May kasamang note na nakalagay Surprise then may nakalagay na initial. Letter A." Dagdag pa niya. Napaisip ako. Letter A?Napakuyom ang kamao ko kung sino ang maisip ko. Tama nga ako.
Alfredo.
"Sabi na eh. Naalala ko pinagbantaan ako ni Lolo na gagalawin daw niya si Marthel . Paiguradong ang matanda na iyon lang ang may kagagawan ng katarantaduhan na iyon! At talagang ipinangalan pa sakin yung card ah?! Gigil ako mga pre!" Kulang na lang mabarag ang ngipin ko sa sobrang pagtigib ko. "Hihingi lang ako ng pabor, mga tropa. Pwede bang bantayan niyo muna si Marthel habang hindi pa ako nakakagawa ng paraan para makatakas sa impyernong bahay na ito?" dagdag na sabi ko sa kanila
"Walang problema, pare! Kaming bahala sa girlfriend mo." Sabi ni Albert.
"Oo nga, kami bahala kay Marthel. Basta rank up ah?" Sabi naman ni Chrismar. Natawa sila Jerick kaya binatukan siya ng kambal niyang si Christian.
"Basta kami na bahala magbantay kay Marthel." Paninigurado nila Godwin sa akin.
Marthel's P.O.V
Yakap-yakap ako ni Mama habang naiyak. Hindi ko na kasi kinaya, hindi ko na nga nakita si Matthew kahit pa na monthsarry namin ngayon tapos makakatanggap pa ako ng ganoong klase na regalo. Alam kong hindi iyon galing kay Matthew. Ayokong mambintang pero may iba akong kutob. Gusto ko muna itong kumpirmahin bago ako magsalita.
Bakit ba nila kami ginaganito? Ano bang nagawa kong mali sa kanila? Ano bang ginawa naming masama sa kanila at ginaganito nila kami?!
"Sssh.. Tahan na anak. Malalampasan niyo rin ni Matthew iyan." Pagpapatatahan sakin ni Mama habang hinihimas ang likod ko.
***
Sinusubukan kong magbasa ng Wattpad ngayon. Binilihan kasi ako ni Mama ng Wattpad Books, pa-monthsarry niya sakin. Oh diba? Ang supportive ni mama. Pero the thing is I can't enjoy these books. Yung atensyon ko kasi na kay Matthew. Bwisit pa 'tong title ng libro, "Arrange marriage with a Playboy" Badtrip lang! Arrange marriage raw! Nang-aasar ata 'to.
Tumingin ako sa orasan at nakitang 11:53PM na pala pero hindi pa rin ako makatulog o ni mapalagay.
Minsan napapaisip na lang ako kung totoo pa ba mga nangyayari ngayon o baka nananaginip lang ako. Kasi ang mga nangyayari sakin ngayon, lahat hindi ko inexpect na mangyayari sakin. Para kasing karamihan sa mga nangyayari sa relasyon namin ni Matthew tulad lang ng mga nababasa ko sa Wattpad. Tulad na lang nung regalo na may patay na pusa. Hellooo? Sinong siraulo naman ang walang-awang papatay ng walang kamuang-muang na pusa para sirain ang araw ko? Natrauma na tuloy ako.
Hayst! Di ko talaga mapigilang malungkot. Lalo na kapag naiisip kong engage siya sa Ex niyang para bang mahal pa siya.
"Teka, baka naman extra lang ako sa kwento nila? Baka naman ako lang yung epal sa love story nila? Baka naman kontrabida pala ako sa kanila? Halaaa! Ayokoooo!" Mababaliw na talaga ako sa mga naiisip ko. Binato ko sa dingding ang libro ko na Arrange Marriage pero tumayo rin naman ako para kunin at pagpagan. Syempre wattpader pa rin ako, no!
Pakiramdam ko mababaliw na ako. Miss na miss ko na talaga siya. Kahit sana boses lang please! Kahit boses lang marinig ko.
"12AM." Malungkot na bulalas ko nang makita kung anong oras na. Wala na. Finish na.
At natapos ang 3rd Monthsarry namin ng boyfriend kong si Matthew nang hindi ko man lang siya nasisilayan o nakakausap.

YOU ARE READING
Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )
Teen FictionUNDER REVISION! Highest Rank: Dota Hashtag: #1 Reader Hashtag: #1 --- Isang babaeng Certified Wattpad Addict at isang lalaking Hustler Dota Player ay ipinagtagpo. Sila ang ipinagtagpo ngunit talaga bang sila ang itinadhana? "DESTINY" Naniniwala...