DPmWA
War 32
'Voltaire o Matthew?'
Marthel's P.o.V
Ilang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong pumili. Dalawa silang hindi sumusuko. Sobra-sobrang effort ang ipinapakita nila sa akin to the point na imbis na matuwa ako ay lalo lang akong nasasaktan. Kasi sa ipinapakita nilang pagiging matiyaga lalo lang nila akong pinahihirapan, sa ipinapakita nilang pag-eeffort lalo lang silang masasaktan sa oras na pumili na ako. Pero hindi ko naman pwedeng takasan ito kasi nalaman ko na. Nalaman ko na kung sinong mas matimbang.
Narealize ko 'to ng dalhin niya ako kahapon sa isang lugar. Lugar kung saan mas lumalim pa ang ugnayan namin. Hindi ko pa masabi sa kaniya dahil natatakot ako, hindi pa ako handang masaktan ang isa sa kanila. Hindi ko matitiim na makitang may masasaktan ng dahil sa akin, pakiramdam ko ay sinasaksak ako ng libo-libong punyal ngunit dahil mahalaga din siya sa akin at naging parte siya ng buhay ko mas dumoble pa ang sakit, ang libu-libong punyal ay naging bilyun-bilyon. Naiisip ko pa lang na may masasaktan ako ay nasasaktan na ako. May paraan ba para matakasan 'to?
Nakakatawang isipin na dati-rati pinapangarap ko pa na sana ay may dalawa ring manligaw sa akin, yung tipong pag-aagawan nila ako parang katulad ng nababasa ko sa wattpad. Laging may karibal ang isa, pero hindi ko akalain na ganito kahirap. Ngayon, naiintindihan ko na si Samantha ng TBYD. Nauunawaan ko na siya kung gaano kahirap.
Nabalik ako sa ulirat ng biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mariel.
"Hello," Walang ganang bigkas ko.
"Hello ate? Sa wakas ay sinagot mo na rin! Alam mo bang nag-aalala na kaming lahat sa'yo?! Lalo na si Mama! Nasaan ka ba?! Ilang araw ka ng nawawala! Bigla-bigla ka na lang umaalis ng walang paalam! Lagot ka kay mama!" Sermon sa akin ni Mariel sa kabilang linya. Imbis na magalit ako dahil binubulyawan niya ako ay napahikbi ako, hindi ko mapigilang mapaiyak, sa kadahilanang hindi ko malaman. Narinig kong napatahimik si Mariel. Pinipilit ko na wag ipahalatang umiiyak ako ngunit alam ko na alam na ni Mariel na umiiyak ako dahil sa hikbing hindi ko mapigilan. "A-ate Marthel. Nasaan ka? Pupuntahan kita." Lalo lang akong napaiyak sa sinseridad sa boses ni Mariel. Kapatid ko pa rin talaga siya. Na kahit lagi kaming nagbabangayan ay concern pa rin siya sakin. Ate pa rin niya ako. Ginagalang, minamahal.
***
"Ate, you don't need to think what to choose, you just need to feel who you loved the most." Hindi ko alam kung si Mariel pa ba talaga tong kausap ko. Hindi ko alam kung isang 15 years old na babae pa ba ang kausap ko. Kung makapagsalita kasi siya ay kala mo napakaeksperto na sa pag-ibig, kung makapagsalita siya kala mo ang dami na niyang naexperience.
"Pakiramdaman mong maigi kung sinong mas mahal mo. Pakiramdaman mo kung kanino ka nagiging mas masaya, nagiging mas komportable, ganun lang." Gabi na, kaninang tanghali pa siya advice ng advice magmula ng dumating siya at aluin ako pero ni isa doon ay parang hindi nagsisink-in sa utak ko. Iniisip ko kasi kung paano ko ba sasabihin sa isa na mas mahal ko yung isa ng hindi siya masasaktan.

YOU ARE READING
Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )
Teen FictionUNDER REVISION! Highest Rank: Dota Hashtag: #1 Reader Hashtag: #1 --- Isang babaeng Certified Wattpad Addict at isang lalaking Hustler Dota Player ay ipinagtagpo. Sila ang ipinagtagpo ngunit talaga bang sila ang itinadhana? "DESTINY" Naniniwala...