DPmeetsWA
War 25
'Courting'
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Sila steff at Aira cae pala. "Akala ko tulog ka na." Sabi ni mae ane sabay higa sa tabi ko. Humiga na rin si Steff. Masters bedroom 'to kaya kasyang kasya pati sampung tao dito. Malaki pa kama. Kumpara sa kama ko, umuuga na.
Nagkwentuhan muna kami ni Steff about school works, si aira cae nakatulog na. Halatang tamad sa gawaing paaralan. Puro punta lang ng bar ang inaatupag hahaha.
"Ano nga uli gagawin natin sa El fili?"
"I don't know. Ang lalalim kaya ng mga words. Hirap intindihin."
"Para san pa ang--"
*BLAGG!*
Sabay kaming napatingin ni steff sa pinto habang si Aira cae ay narinig naming napamura. Siguro nagulat. Natutulog pa man din sya. Kawawang Aira. hahaha. "The f*ck Mae ane. Hindi kailangang ibalibag ang pinto!" Pasigaw na sabi ni Aira. Halatang nabitin ang tulog. "Eh pano naman kasi girl!!!" Kinikilig na lumapit samin si Mae ane, "Ano ba yun?" Kunot noong tanong ko. Inuga-uga nya ang balikat ko bago sya nagsalita. "Yiiiieeee!!!!!"
"Bakit ba?" Sabay naming tanong ni Aira at Steff. Para kasing ano 'tong si Mae ane eh.
"Kasiiiiii!"
"Ano ngaaa?!" Naiiritang tanong ni Steff.
"Nakakakiliiiiggg!"
"Sasabihin mo ba o susungalngalin kita ng unan na 'to?" Banta ni Aira sabay taas ng unan.
Huminga muna ng malalim si Mae ane upang pakalmahin ang sarili bago muling nagsalita. "Eh pano naman kasi ako di kikiligin girl? May binabalak ata ang mga boylets dun sa baba.." Sabi nya. Nagkatinginan kami nila steff. "Binabalak?" Tanong namin
"Binabalak. Nakita ko sila nagkakabit ng mga kung ano-ano sa baba. May sosorpresahin ata? Hmm. Sino kaya satin? Yiiiieee! May magtatapat na ata ng nararamdaman!" Sabi nya habang ngiting ngiti, Umiling-iling si Aira saka nagsalita,"Teka, di ko magets. Unang-una, Sino ang may balak nyan? Pangalawa, Sino yung sosorpresahin? Pangatlo, Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo na may aamin na? o baka naman nag-aasume ka lang dyan kasi nasobrahan ka sa pagbabasa sa Watty? At pang huli, Ba't ang landi mo?"
Bumusangot naman ang mukha ni mae ane na kanina lang ay ngiting-ngiti. "Malandi agad? Hindi ba pwedeng kinikilig lang? at syaka, Sure na sure ako girl! Narinig ko nga pag-uusap nila, sabi..baka daw di magustuhan or baka i-reject ng girl si boy at alam nyo ba kung sino ang manonorprise?"
"Sino?" We asked in chorus.
"Si Voltaire!" Biglang naging abno ang way ng pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalang iyon. OMG! Si-sino dawww?! Si Voltaire?! Gosh! Sino naman kaya ang susurpesahin nya??
"Si-sigurado ka ba dyan mae ane?" Tanong ko. "Apkors!"
"Eh? Sino bang i-susurprise?" Tanong ni Steff. "Yun ang di ko alam."
Biglang tumawa si Aira kaya nama'y napatingin kami sa kanya. "Hahahaha! Di na surprise yun!"
"Bakit naman? Surprise yun! Sabi nila." -mae ane. "Nah, Di na natin matatawag na surprise yun. Alam na natin eh. Ang mabuti pa matulog na lang tayo." Sabi ni Aira sabay higa at nagtaklob ng kumot. Nagkibit-balikat na lang si mae ane sabay nagsalita. "Excited na ako."
Kinabahan ako bigla. Si Voltaire? May liligawan? Sinoooo?! Imposibleng si Steff kasi pinsan nya yun. Sino? Si Mae ane? Si Aira? (o ako?)
Voltaire's P.O.V
"Dyan na lang 'tol. Mas maganda dyan."
"Ito pre? San ko 'tong ilalagay mga puso na 'to?" Tanong ni Matthew. "Dapat kalat yan."
Ngayong araw. Ngayong araw na ako magtatapat. Ilang taon ko rin 'tong kinimkim no. Ikiniskis ko ang mga palad ko, Medyo kinakabahan lang naman ako--Okay, sige na nga, Kinakabahan ako. Natatakot kasi ako, Paano kung i-reject nya ako? --- "Ayos naaaa!" Sabi ni Albert. Napatingin naman ako. Woah! Beautiful. "Okay na ba yan mga 'tol? Baka naman pag nakita na nya, ---" Pinutol ni Matthew ang sasabihin ko. "Naku pre! Panigurado pagkakitang-pagkakita pa lang nya nan tyak na sasagutin ka kaagad nun!" Sabi ni Matthew habang minamasahe ang likod ko, pampatatag ata. Sheesh! "Teka pre, Sino palang isusurprise mo? Hindi namin naitanong kanina." Tanong ni Kenzin sakin.
Napangiti ako nang maimagine ko ang mukha ni Marthel. "Oo nga, sino nga ba? Nang makilatis kung babagay sayo." Sabi naman ni Matthew.
Tumingin ako sa malayo.
"Si.."
"Si?"
"Si.."
"Si?"
"Si.."
"Si?"
"Si.."
"..." Napalingon ako ng wala na akong natanggap na 'Si?' ngunit nakita ko sila nakahamba ng suntok. "Sino ba talaga?! Bubugbugin ka na namin!" - Jerick
"Kasi nahihiya akong sabihin."
"Potah! Ang bakla mo naman! Sabihin mo na!" Kakamot-kamot na bulyaw sakin ni Kenzin. "Eh kasi,"
"Eh kasi ka dyan! Sino nga kasi! Wag ka kasing kabahan! Panigurado namang sasagutin ka kaagad nun! Pagkakitang-pagkakita palang nya ng petals na 'to sasabihin agad nya. 'YES! YES!' Kaya wag ka na kabahan. Sino?" Mahabang litanya ni Matthew habang tinataas taas pa ang isang pirasong pulang petals.
Nakatingin lang sila sakin, hinihintay ang aking isasagot. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Si...."
"..Marthel."
"Ha???!!!!" Eksaheradang sigaw nila. "Bakit? May problema ba kay Marthel?" May halong pagtataka sa boses ko. Nagsialisan sila, naiwan lang kami ni Matthew. "Pre, teka. Ano nga ulit ang sinabi mo? Si-si Marthel? Sigurado ka ba dyan?" Tumango ako sa itinanong nya. "Bakit ba?"
Lumapit sya sakin at saka inakbayan ako, "Pre, Ngayon pa lang. Sinasabi ko na sayo. Wag mo nang ituloy."
"Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko. Hindi pwede. Baka maagaw pa ng iba. Saka sigurado na ako.
"Kasi.."
"Kasi?"
"Kasi, ano. Pasakit sa ulo ang mga babae. Tas.. Alam mo pre, Sa tingin ko, sa tingin ko lang pre ah. Mukhang ano yan si Marts eh, mukhang siga. Naku! Mahirap makuha yan! Sinasabi ko sayo pre. Syaka.. sa palagay ko di yun nadadala sa mga surprise-surprise!" Mahabang litanya nya.
"Pano mo naman nasabi yan?" Tanong ko.
"Tch! Pre! Tinatanong pa ba yan!? Lagi kaya kaming magkasama ng babaeng yun! Bespren ko na nga yun eh! Kaya alam na alam ko ang mga tipo nun!" Sabi nya habang inuuga uga ang balikat ko. "O ganto na lang, dahil bestfriend ka naman pala nya at kilala mo na ang mga tipo nya, Ano-anong klase sa lalaki ang tipo nya?"
Napatingin sya sa malayo,. "Ano.. Tipo nyang lalaki, Di gaanong mayaman. Di englishero! Saka.. dapat hustler sa dota pre!"
Hustler sa Dota? Tsk! Di ako marunong nun ah! LOL lang saka COC ang alam ko. "Edi papaturo ako."
"Pre,---" Napatigil si Matthew sa pagsasalita ng biglang may pumasok. "Mga pre! Nandyan na sila Marthel!" Agad na naalarma ako ng marinig ko iyon! Nakita kong napahilamos si Matthew habang ako ay iniready na ang sarili. Nagwawala ang nasa dibdib ko.

YOU ARE READING
Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )
Teen FictionUNDER REVISION! Highest Rank: Dota Hashtag: #1 Reader Hashtag: #1 --- Isang babaeng Certified Wattpad Addict at isang lalaking Hustler Dota Player ay ipinagtagpo. Sila ang ipinagtagpo ngunit talaga bang sila ang itinadhana? "DESTINY" Naniniwala...