DPmeetsWA
Dedicated kay cutiestGirl-o6 dahil sya ang mas may pinaka-astig na sagot. Ang galing mo girl ah! May pinanghuhugutan ba? :D XD Better luck next time na lang po sa iba. Actually nahirapan talaga ako sa pagpili parang may mga pinanghuhugutan lahat.
War16
'Mis-understanding'
Voltaire's P.O.V
Pagkalabas ko ng Flower Shop ay dumiretso na agad ako sa pinarkingan ko ng kotse.
"Magustuhan nya kaya itong pinili kong bulaklak?" Tanong ko sa sarili ko.
Haist! Kinakabahan ako. Paano kung hindi nya pala ako gusto?
Nakarating na rin naman agad ako sa bahay nila Marthel. Lalo akong nakaramdam ng kaba.
Tutuloy pa ba ako?
Binuksan ko na yung pinto ng kotse ko at agad na bumaba. Bahala na kung anong mangyayari.
I was about to knock when the door open "Oh, it's you." Sabi ng babae na hanggang balikat ang buhok. May hawig sila ni Marthel. I guess kapatid sya ni marthel. Sa tansya ko mga nasa 14 or 15 years old na sya.
"Uhm, nandito ba si Marthel?" Tanong ko sa kanya.
"Si ate? She's not here."
"Do you know where she going?" I asked
"No. Sinundo sya ni kuya matthew eh." Sabi nya. Kanina english sya ng english, ngayong sinagot ko sya ng english nagtagalog na sya.
"Kuya matthew? Boyfriend nya?"
"Hmm. I think yes? Ikaw? Boyfriend ka rin ba ng ate ko?"
Mariel's P.O.V
Sinuot ko na yung cherevu dress at sttileto ni ate. Kinuha ko lang ito ng walang paalam sa kwarto nya kahapon eh. Inunahan ko na sya dahil alam kong sosoutin nya ito kahapon, buti mas nauna ako. Gusto ko ako unang makabinyag nito.
"Wow! Bagay sakin." Sabi ko habang nakatingin sa ubod laking salamin ko.
Pakembot-kembot na nagtungo ako papalabas ng bahay. Agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sakin ang napakagwapong lalaki. Ang tangos ng ilong, ang mga mata nya mapupungay, yung lips nya napaka-kissable, yung katawan nya halatang may abs tapos..tapos-- teka? Kilala ko 'to ah.
Ah! Yung kahapon na kadate ni ate. "Oh, it's you" nakangiti kong bati sa kanya. Kaya pala familiar.
"Uhm, nandito ba si Marthel?" Tanong nya. Napansin ko yung hawak nyang bulaklak. Para kay ate ba yan?
"Si ate? She's not here."
"Do you know where she going?" Tanong nya. Naks! Naka-english.
San nga ba pupunta si ate?
"No. Sinundo sya ni kuya matthew eh." Sagot ko. Pero infairness dyan kay ate marts ah. Lapitin ng gwapong nilalang. Hindi ko nga alam kung sino ba talaga yung boyfriend nya sa dalawa eh. Feel ko mas mukhang bf nya yung si kuya matthew.
"Kuya matthew? Boyfriend nya?"
"Hmm. I think yes? Ikaw? Boyfriend ka rin ba ng ate ko?" Tanong ko. Malay naman kasi natin dalawa bf ni ate ang landi pa naman nun.
"Ah!-hindi! Hindi nya ako boyfriend, sige I gotta go."
"Okay." Hinatid ko sya ng tingin hanggang makapasok sya sa kotse.
Grabe si Ate marts. She is so malandiiii kahapon may date na sya pati ba naman ngayon meron! Ang matindi pa, iba-ibang lalaki. Tinalo pa ako.
***

VOUS LISEZ
Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )
Roman pour AdolescentsUNDER REVISION! Highest Rank: Dota Hashtag: #1 Reader Hashtag: #1 --- Isang babaeng Certified Wattpad Addict at isang lalaking Hustler Dota Player ay ipinagtagpo. Sila ang ipinagtagpo ngunit talaga bang sila ang itinadhana? "DESTINY" Naniniwala...