DPmeetsWA
War 27
'WAR!'
Acile Shin (Angge)'s P.o.V
Ang tahimik. Bakit kaya walang nagsasalita? Nakakapanibago.Tahimik lang silang kumakain, pati ako. Kahapon naman hindi ganto ah. Anyare? Pati yung mga pasaway na lalaki tumahimik.
Kumpleto kaming kumakain sa hapag kainan. Kumpleto naman kami. Ako, na nagmamasid, Si Steff na taimtim na kumakain, Si Aira na nakapangalumbaba, Si Mae ane na walang paki, Si Godwin na wala ding paki makakain lang, Si Albert na nagsasandok ng kanin, Si Jerick na kumakain, Yung dalawang kambal na himalang hindi nag iingay at tahimik na kumakain lang, Si Voltaire na sinasandukan ng pagkain ang tahimik na si Marthel at si Matthew na mukhang badvibes habang tinotorture ang isda na nasa plato nya.
"Err--Can, Can anyone tell me, What is going on?" I asked them confused, breaking the weird silence on the atmosphere.
Sabay sabay naman silang tumingin sa akin na tila may ginawa akong krimen na kailangan kong panagutan.
***
Matapos ang nakakabaliw na pagkain namin ng wala ni isang nagsalita maliban sa akin na nagtanong at napahiya lang din naman. Matamlay na bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga silid. Tanging sila Voltaire at Marthel lang ang nag-iba ng direksyon, sa sala sila nagtungo at mukhang manonood ata or mag-uusap or maglalambingan or mag-lalandian or mag-haharutan or maglolovemaking or what.
When I already shut the door. Saka ako may narinig na nagsalita. Oh god finally!
"Grabe. Ang awkward!" Bulalas ni Mae ane.
"Kaya nga eh." Pag sasang ayon naman ni Aira.
"Bakit? Ano yun?" Npatingin sila sa akin ng itanong ko iyon.
"Duh~ Ang awkward kanina, hindi mo ba napansin?" Nakahigang sabi ni Steff.
""Nah, Ano ba yun?"
"Haist Angge! Napakamo. Si Voltaire at Marthel at si Matthew." Tirik matang sabi ni Mean.
"Oh? Anong meron sa tatlo?"
"Oh my god, Acile Shin! Ano ba namang sense yan?! Naturingan kang author!" Iritable ng sabi ni "Steff.
"Duh~ Sabihin nyo na lang kasi straight to the point!" Ginaya ko yung mga tono ng boses nila. Nakakainis kasi eh. Di na lang sabihin. Whats up on them!?
"Tsk. Hindi mo ba narinig yung pag-aaway nila Marthel at Matthew kagabi? Parang may something talaga sa kanilang dalawa eh. Feel ko." Sabi ni Aira.
Seriously, di ko pa rin talaga gets yung mga sinasabi nila. Pag-aaway? Si Marthel at Matthew? Nag-away kagabi? Bakit di ko alam yun? At bakit parang ako lang ata ang di nakaka----Oh! I knew it!
"Err--Nag-usap nga pala kaming dalawa ni Voltaire kagabi sa Terris pagkatapos ng scene nila ni Marthel. Err." Pakamot kamot na sabi ko.
"Kaya naman pala.."
"You missed it."
"Sayang! Ke-ganda pa namang convo." She giggled.
"Grabe ka Aira. Hindi kaya nakakatuwa 'yun. Naiipit yung kaibigan natin." Sipat ni Mean.
"Duh~ Ang haba kaya ng hair ni Marthel. 2 hunks, oh ha?"
"Tss." Mean just rolled her eyes. Siguro naisip nya na wag na lang makipagtalo dahil wala rin namang patutunguhan.
"I ship Tairthel!" Sabay-sabay na napatingin kami kay Steff.
"I ship Tairthel. VolTAIR and MarTHEL" Nakangiting sabi nya.
"Ay. Beri bad. Di bagay. Akin, MartThew!" Nakangising sabi naman ni Mean habang iwinawasiwas ang kamay.
"Sorry girls, but I prepare, SeJie." Nakaismid na sabi ni Aira.
"Sino naman yun?" Tanong namin. Sejie?
"Who else? Sean and Anjie!" She said then laughed.
"Buang. MarThew din yun eh!"-Mean
"Uh...for me..hmm, I thnk, uhm, TairThel din. Kasi, look.. Kagabi yung nanligaw si Voltaire kay Marthel, pumayag si Marthel, tas ang sweet-sweet pa nila." Sabi ko naman.
"Yeah right. And diba matagal ng may gusto si Marthel kay V? So why not? TairThel for the win!" Pagsang ayon namin ni Steff sa sinabi ko.
"Okay girls, I respect your opinion but I think malinaw naman ata ang pagkakarinig mo sa usapan nila Matthew at Marthel kagabi diba?" -Mae ane
"Oo nga, and nakakatuwa pa sila pag nagsasama. Nakakakilig. Kahit di man nila sabihin, halata na rin naman sila." -Aira
"Nakakatuwa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Steff
At sinundan ko naman 'yon. "Nakakakilig?"
"Duh~" We said in chorus.
"Halos magpatayan na nga yung dalawang yun kapag nagsasama eh." Sabi ko. Totoo naman kasi. Buti na nga lang at wala silang mga hawak na patalim at baka mga nasa sementeryo na yun pagnagkataon.
"Yeah. Saka baka kayo yung hindi nakikinig ng maayos kagabi. Marthel said that wala syang paki kay Matthew." -Steff
"Duh~ She only said 'Ano ba kita?' and she doesnt say 'I don't care to you motherf*ucker! Get lost!'" Paglalaban naman ni Aira.
"Oh yeah, Aira is really really damn right. Wala naman sinabi si Marthel na wala syang paki kay Matthew, nagtanong lang naman sya kung ano ba nya si Matthew. so theres nothing wrong about that." Sabi naman ni Mean na sinang-ayunan ni Aira cae.
"Eh sa tono pa lang ng pananalita ni Marthel alam nang wala syang paki kay matthew eh. Di na nya kailangang sabihin pa yun!"
At dahil wala naman ako kagabi doon at di ko narinig ang mga pinag-usapan nila Matthew at Marthel ay ic-cheer ko na lang si Steff. Baka kasi sabihin nito wala akong ka-kwenta kwentang kapartner.
"Yeah right!" I said.
"Youre wrong, Ms.Jung. Sa One million lang walang paki si Marthel. She said that diba?" Mataray na sabi ni Kiara.
"But that doesnt mean na---"
"Hindi naman--"
"But--"
"Patapusin nyo muna ako---"
"No! Ako muna ka---"
"Hey! Pagsalitain nyo muna si Aira!" Mae ane yelled.
"No! Steff first!" I yelled too.
"No one---"
"But---"
"F*ck!"
"Idiot!"
"Ugh!!!"
"Damn you!!"
"Assh*le!"
"Oh! Get out!" Di na nakapagtimpi pa si Steff at pinalabas na sila.
"What?" Di makapaniwalang sabi nila Aira at Mae ane.
"Yeah. You two. GET.OUT." Steff said.
Walang nagawa sila Aira at Mae ane kaya napilitan na lang silang lumabas.
Pagkasara ng pinto ay dama ko ay sobrang katahimikan. Walang nagsalita sa aming dalawa ni Steff ng maiwan kami. Pero gusto ko magsalia para dagdag words. "You are so mean Jung." I said.
"I know." Sabi nya saka humiga na parang walang nangyari.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dota Player meets Wattpad Addict ( #Wattys2015 )
Genç KurguUNDER REVISION! Highest Rank: Dota Hashtag: #1 Reader Hashtag: #1 --- Isang babaeng Certified Wattpad Addict at isang lalaking Hustler Dota Player ay ipinagtagpo. Sila ang ipinagtagpo ngunit talaga bang sila ang itinadhana? "DESTINY" Naniniwala...