Y.C. note: Annyeong..kung nabasa niyo po yung last ud ko..Yung note....Eto na po yung katuloy ^^ Kung may maiba man..Mianhaeyeo T^T
----
♥Tiffany♥
Waaahhh!!!!! bakit kasi nagloko pa yung Watty ni Author-unnie !!! Uulitin ko nanaman! kainis! Hindi pala uulitin.May iibahin !
Okay sige..on topic na.Katulad pa rin ng dati
Nasa mall na kami..Hindi kasi traffic kaya hindi hassle ^,~
Kanina pa kami lakad ng lakad nitong si Han sa loob ng mall.Ni Hindi pa nga kami nakain.Aba! kung may datong lang ako dito sa wallet ko kanina ko pa to pinangkain.May bibilhin pa kasi ako kaya na-uh muna sa gastos XD
By the way, kanina din pala hindi mapakali si Han.Parang may hindi sinasabi saken? Hmmm ano naman kaya yun?? I'm so curious yeah!!~~
" Umupo nga muna tayo! Kanina pa tayo palakad-lakad!" Inunahan ko na syang umupo.Buti at walang heels tong sapatos ko kaya hindi masakit sa paa.
" Han!! Kanina ko pa napapansin! May hindi ka ba sinasabi saken?? " Agad kong tanong na nagpabigla sa kanya
" huh?? uh--wala! Wag mo akong pansinin " hindi ako kuntento dun! Kailangan ko ng acceptable reason!
" paanong hindi ko papansinin eh kapansin-pansin ang aking napapansin sa iyong sariling papansin at parang kailangan nang pagtuonan ng pansin" takteng yan! san ko ba nahugot yun?? Nagiging pathetic na ako ah!
" ano?! .....alam mo?? gutom lang yan.tara kain muna tayo"
" My attitude is base on what you treat me" mataray kong sabi
" ano nanaman bang kalokoha yan??" Tanong nya.
Binigyan ko lang sya ng mapang-asar na ngiti.
" in filipino: ang ugali ko ay base kung paano mo ako ilibre....so ...libre ba yan??"
" oo na.Tss " Yeah!!! napatayo ako at inaya agad syang kumain.
.
.
.
.
.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad muna kami sa mall.saan pa ba?? =_=
" luhan..."
"Hm?" Watta reply!
" alam mo bang dumadami na ang nilulusob ng BOREDOM virus?? Sa malamang.. Isa na tayo dun. Ano ba kasing bibilhin natin??" Inis kong tanong.Kanina pa kasi walang nagsasalita.Hindi ko rin naman trip ang magdaldal ngayon.I'm on diet... Diet?? Konektor plis!
" eh hindi ko rin alam! Bakit ba ?" May martilyo ba kayo dyan at maipukpok ko dito sa deer na ito! Ang shunga!
" ang boring!! Wala man lang isang nagsasalita sa atin!!" nagpipigil na ako sa inis ko nyan ah!
" ano bang ginagawa mo ngayon??" Kinagat ko ang lower lip ko na grabe na sa pagpigil na ahitan ng kilay to eh! Bwiset!
" Haha! Ang panget mo! Alam kong pikon ka na.Tara ano bang gusto mong bilhin? Hindi ko na libre ha! Baka gusto mong sa inyo ako matulog!"
Loko to! Kanina pa ako inaasar!
"Tara bili muna tayo ng sapatos" kinalma ko na yung sarili ko.
" para--"
" para suotin!! Para sa event!! Para sa paa! Para saken! Bwiset!!" hindi na talaga ako nakapagpigil.Hindi kinaya ng ganda ko yun eh.
Binigyan nya lang ako ng ngiti which is sobrang nakakainis! Inakbayan nya lang ako at naglakad kami.Nadadala ako sa akbay nya.
" Chill ka lang Ny..Hindi mo kasi ako pinapatapos.Tara na nga"
Hindi ko na sya pinansin.Tinanggal ko na yung kamay nya sa balikat ko.Duh! Baka maging biriterang kuba featuring eyesmile ng bayan ako nyan eh!
" dito ka na lang! Wag ka ng sumunod! Please lang!" Halos magmakaawa na ako sa sinabi ko.Para naman kahit papaano matahimik ang buhay ko.
" haha sige! Bilisan mo ha!" Natatawa nyang sabi at umupo sa bench.
Pumasok na ako sa store na hindi ko alam? Basta yung pangalan na nakalagay sa d-card
.
..
.
Hindi naman ganun katagal ay nakapili na ako ng sapatos.Dalawang pair of heels at doll shoes.
Agad akong pumunta kay miss cashy para magbayad.
" good morning ma'am"
" good morning " response ko sa kanya.na-compute na yata yung presyo.
" ma'am 23, 356.86 peso po.May d-card po kayo?"
" ahy oo.Here" inabot ko sa kanya yung card
" related po ba kayo kay miss Kim Hyoyeon and Taeyeon??" Tanong nya.Pano? Bat alam nya? Hah!! SHE'S STALKING US!!
" uh..yes.why? Is there something wrong??" Tanong ko
" yung card nyo po kasi.Sila po yung pinagbigyan ng ganto kalaking amount ng d-card" pag-explain nya
" magkana na lang ba??" Mapausisi kong tanong
" ma'am 8,000 pesos na lang po" laking gulat-- as in! Gulat! Shock! My bones are tegerger!
"Ang laking discount naman nun.Buti hindi kayo nalulugi" sabi ko.Pero deep inside! Super! Happy!! As in talaga
" oo nga po ma'am eh.Mabait po talaga si Ms. Ky--"
" good day Ms. Kyla~" pareho naming nilingon yung kadadating lang na babae.Brown na medyo may pagka-blonde ang ilang strands ng buhok nya.May kausap yata sya sa phone kaya natatakpan yung left side ng mukha nya.Naka-shades din sya na pure black talaga.
Nakatingin lang kami sa kanya.
Tinanggal nya ang shades nya pero mas kinagulat ko ang nakita ko ngayon.Mas nakakagulat pa sa malaking discount na binigay nila saken kanina.
BULLSHEYDS! Kailangan ko nang---
" hello Ms. Kyla"
" hello.... Leslie, naayos mo na yung schedule ng meeting mamaya?? What time?" Sabi nya sa babaeng kaharap nya
" ah yes Ms. Kyla.Naayos ko na po and mamayang dinner 7:45 pm sa RWM "
"Good.. guys, go back to work " lahat naman na ng employees ay bumalik na sa trabaho nila.Ako naman ay naiwang nakatulala pa rin
" uh- ma'am.Eto na po--" hindi ko na tinapos magsalita yung babae at kinuha na yung binili ko.Pati na rin yung card syempre.Sayang kaya.
Agad akong lumabas ng store.Naabutan ko si Luhan na nagmamadaling habulin ako.
" uy Ny, okay ka lang?? "
" umuwi na tayo."
" pero--" pagtangg
" please?"

YOU ARE READING
Poser Girlfriend
FanfictionWho says a poser account can't break a playboy's heart? Filipino Luhan×Tiffany FF