Chapter 7: [SC: HYOKAI] To IYC

583 30 0
                                        

♥Hyoyeon♥

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Taeyeon.Nag-aayos kaming lahat ng mga dadalhin namin bukas.Syempre wala si Panyang kasi nandun sya sa condo nya.Ang laki na nga ng pinagbago ni Panyang eh.Ibang-iba sa Panyang na kilala namin 5 years ago.

Pero kahit ganun,nagbago rin kami.Mas naging independent na kami.May kanya-kanya na kaming trabaho.Si Taeyeon ay isa singer at model din.Si Jessica naman may sariling fashion line na B&E.Si Yoona ay isa nang actress/model.Ako naman ay nag-debut sa isang group ng SHY,means SooHyoYul.Trio kaming mga performer.Si Sooyoung at Yuri ay nakilala ko nung trainee days namin ni Jessica.Hindi na pinagpatuloy ni Jessica ang pagiging artist dahil nga sa fashion line nya.Iisa lang ang agency ang may hawak sa amin kaya palagi kaming magkakasama.

"Hay! Sobrang excited na talaga ako! Saan nga ba kayo nag-s-shoot?" Sabi ni Yoona habang nag-aayos ng mga dadalhin namin bukas.

"Ewan ko eh.Basta beach daw.Wag kayong mag-alala,may service tayo bukas." Sabi ko naman.

"Galing ba yun sa show?" -nilingon ko naman si Sica nang may pagtataka.Yun pang mga yun,susunduin kami? Ha-ha.

"Hindi ah." Sabi ko at sinara na ang maleta ko.Tapos na ako eh.Ang tagal kasi nila kumilos.Yan tuloy.

"Eh sinong mag-susundo sa atin?" Tanong naman ni Taeyeon.

"Yung apat na unggoy at isang negro.De joke lang! Sila Kai at ang tropa nya.Hehehe." Ang wagas ko talaga mang-inis.Di bale,wala naman dito si Kai kaya ligtas ako sa bitay.Kkk.

"Paano sila napasama sa lakad natin bukas?" -Reklamo ni Jessica.Sigurado naman akong ayaw nya kasi kasama dun si Kris.If I know deep inside she like the thought of Kris with us.Naks! Lakas maka-english ah.Ngayon lang yan kasi tinopak ako.Hahaha!

"Kasama natin sila bukas.Inimbitahan din sila eh,tsaka alam nila kung saan ." Kalma ko namang sabi habang itinabi na ang maleta ko.

"WHAT?!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" -Taeyeon.

"Eh...ngayon ko lang naalala?" Patanong ko rin sagot sa tanong nya.

"Alam ba ni Panyang ang tungkol dito?" Oo nga pala.Hindi ko pa maalala kung hindi tinanong ni Jessica.Eh sila naman kasi,sobrang excited silang ibalita kay Panyang kaya pati tuloy ako naki-join forces na rin.

"Hindi eh...Kayo kasi! Sobrang excited kayo kahapon kaya nakalimutan ko nang sabihin." Sabi ko.

"Sige na,sabihin na lang natin sa kanya bukas...Pero teka--anong oras ba ang punta natin bukas?" -Taeyeon

"Gumising na lang tayo ng mga bandang 6-7:30 bukas.Bahala na yung service kung anong oras nila tayo susunduin."

*kinabukasan

"Hyo,nasan na ba yung mga yun? Bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?" -Reklamo ni Taeyeon.Ewan ko ba sa mga yun! Bakit nga ba hanggang ngayon wala pa rin sila? Baka hindi na namin masulit ang araw na ito.

"Ewan ko ba dun! Hintayin na lang natin sila,mamaya siguro nandito na sila." -Alam ko namang gusto na nilang umalis kaya hindi sila kumakalma.Pwera na lang dun sa isang tulugin na naka-hilata sa sofa at dinadama ang oras nang pagtulog nya.

"Unnies,nag-text si Sehun.Nandun na daw sila sa lobby." -Yoona

"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na!" Naunang lumabas si Taeyeon dahil sya ang pinaka-excited.

"Teka,gisingin ko lang si Jessica." Niyugyog ko ng sobra si Jessica para magising.Kiniliti ko na rin para tumawa at magising na nang tuluyan.Edi success.Atleast hindi nya ako kinotongan,lagi akong sinasaktan nyan eh!

Poser GirlfriendWhere stories live. Discover now