♥Tiffany♥
"Kailangan mo ba talagang umalis Panyang?" Tanong sakin ni Taeyeon habang nagpipigil ng iyak.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nagliligpit ng mga gamit ko.Tinutulungan nila ako sa pag-iimpake ng mga damit.
"Kailangan kong sundin ang gusto ni Papa.Lalo na't may kasalanan ako sa kanya." Sabi ko na lang at sinara ang maleta.
"Hindi na kami mangingialam Panyang kasi alam naming problemang pamilya yun.Pero,kailangan talagang sa New York ka pumunta? Hindi ba pwedeng grounded ka ng one month?" -Hyoyeon.
"Hindi talaga eh.Malaki talaga ang kasalanang nagawa ko kay Papa.Tsaka,malay mo,mas maging okay ang kalagayan ko dun"
"Eh gaano ka naman katagal dun?" -Yoona.
"Hindi ko alam.Si Papa pa rin ang mag-de-decide nun."
"Eh paano yung sa school?" -Tanong ulit ni Yoona.
"Magpapasama na lang ako kay Ate o kaya ako na lang papunta sa MGU.Mag-d-drop out na lang ako."
"Eh paano si Luhan?" Out of nowhere na tanong ni Taeyeon.
—--—--—
"Panyang mag-iingat ka dun ah!" -Taeyeon.
"Ano ka ba naman.Magiging okay lang ako." Sabi ko naman.Tinulungan nila akong ilagay sa compartment ang maleta ko.
"Basta mag-iingat ka dun ah.Tumawag ka samin." -Jessica.
"Syempre naman...Oh sige na,baka mas magalit pa sa akin si Papa.Mami-miss ko kayo." Konti na lang iiyak na ako pero kailangan kong ipakita na matatag ako.
"Ikaw din Panyang." Sabi ni Hyoyeon.
Niyakap naman nila akong lahat.Mami-miss ko itong mga baliw kong kaibigan.Nakakalungkot man pero kailangan kong umalis at lumayo sa kanila.
"Tiffany,tara na.May pupuntahan ka pa diba?" Nakalimutan kong si ate pala ang sumundo sakin dito.Nakakahiya dahil kailangan nyang iwan ang trabaho nya dun sa New York para sunduin ako.
"Oh sige.Basta mag-iingat ka dun ah!" Naluluha namang sabi ni Taeyeon.Nung makita kong umiiyak na sila ay hindi ko na kinaya.Naiyak na rin ako.
"Ano ba naman kayo! Pati tuloy ako naiiyak! Wag na nga kayo umiyak! Aalis na ako.Wag na kayo umiyak~" sabi ko.Binuksan ko naman ang pinto sa passenger's seat.
"Mami-miss ko kayo.Bye." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila.Agad na akong sumakay at pinaandar naman ni Ate yung sasakyan.
"Diba dadaan ka pa sa MGU?" Sabi ni Ate.
"Opo ate.Wag ka pong mag-alala,saglit lang ako.Aasikasuhin ko lang yung mga school papers ko."
"Okay.Gusto mo bang kumain muna?"
"SIge.Tapos diretso na agad tayo sa airport.Diba ngayon yung flight natin?""Oo mamayang 1:00 pm.Para makapag-lunch pa tayo."
Silence...
"Thank you ate."
"Ano ka ba naman Tiffany,wala yun.Alam ko namang malaki ang problema ng family natin ngayon...I believe that it's not your fault. I know that you don't understand business that time.Basta ang tandaan mo,nandito lang ako para sa'yo bilang ate mo.Magpasalamat na lang tayo at ang Hotel Corporation lang natin ang nakuha nila." Napalingon ako kay ate nang may pagtataka.
"What do you mean hotel corporation lang?"
"Ang family natin ay maraming branch of businesses.Isa na dun ang Hwang MLT Hotel.Ang business natin ay Hwang-Flairess Global Group of Companies."

YOU ARE READING
Poser Girlfriend
FanfictionWho says a poser account can't break a playboy's heart? Filipino Luhan×Tiffany FF