♥Tiffany♥
Kasalukuyan akong pumipirma sa 200 pages contract.Grabe! Ang dami nito.Wala na nga akong panahon para basahin ito eh.
"Tiffany,your phone." Sabi sa akin ni Nickhun na hawak ang phone ko.
Kinuha ko ito at tiningnan ang caller name.
"Oh Victoria,may progress na ba dyan sa firm?"
[Meron naman po,Miss Hwang.Kaso may kailangan po tayong gawin.]
"Ano yun?"
[Kailangan na po tayong kumuha ng model para sa cover ng Flair Magazine Issue for the next month.]
"Hindi pa ako makakapag-approved ng bagong model.Pwede pa naman yan next week."
[Pero Miss Hwang,kailangan na po nating i-pass yung bagong concept ng magazine para ma-i-publish within this week.Marami na daw po kasi ang susunod pang launch mula sa ibang branches.]
"So what are we going to do? Marami pa akong worksheets na kailangang pirmahan aside sa paghahanap ng new model!"
[Miss Hwang---]
"Ganito na lang Victoria,ikaw na lang ang maghanap ng new model at mag-approved nun.Alam ko namang kaya mo na.And! Alam mo naman ang standards ko...Kumuha ka ng model na influencial.Good-looking and professional.Kailangan maganda ang issue next month,okay?"
[Yes,Miss Hwang.]
"Okay bye."
*tootootoot
"Si Victoria ba yun?" Tanong ni Nick.Type nya ba si Victoria? Well,bagay naman sila.I ship.
"Oo,kailangan na daw kasi ng model para ma-i-pass na within this week."
"Okay."
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho.Ako,pumirma ng 200 pages na contract.Sya naman kumakain lang.Sabi nya tutulong sya sa trabaho ko! Tss.
----
*at Flair Magazine Firm;Tomorrow morning- 9:00 am
Sinalubong ako ni Victoria sa entrance ng firm.
"Anong balita,Victoria? May progress na ba?"
Tanong ko sabay pasok namin sa elevator papunta sa office ko.
"Yes,Miss Hwang.Nakahanap na po ako ng new model."
Nagulat naman ako sa binalita nya.Ang bilis nyang makahanap huh.Well,may tiwala naman ako kay Victoria.
"Good.Very good,Victoria.So,where is she? Napirmahan nya na ba ang contract?"
"Uh...Yes,Miss Hwang...3 months contract po gaya ng napagkasunduan.1 month for the cover of magazine and 2 months of endorsement.Pero..."
Nilingon ko sya at napansin kong nag-aalala sya.May problema bang nangyari sa kontrata?
"Why? You look worried,Victoria.May problema ba?"
"K-kasi,Miss Hwang...Hindi po sya babae." Edi obviously,lalake ang nakuha nya.
"Okay...I don't have a problem with that naman.Gaya nga ng sabi ko,as long na influencial and professional ang nakuha mo...So,where is he?"
*ting
Naglakad kami palabas ng elevator ni Victoria at binabati naman ako ng mga empleyado.I almost forgot,kailangan ko palang maka-usap yung editor.

YOU ARE READING
Poser Girlfriend
FanfictionWho says a poser account can't break a playboy's heart? Filipino Luhan×Tiffany FF