Poser 1

4.7K 78 3
                                        

<3 TIFFANY <3

*KRINGKRING*

Inabot ko naman ang cellphone ko para sagutin ang kung sino ang mapangahas na tumatawag sa isang Tiffany Hwang.Binaling ko ang tingin ko sa alarm clock.Psh.Mag a-alasais na pero hindi pa pala ako bumabangon.

Binalik ko ang tingin ko sa lokong antalain ang panaginip ko sa aking pinkish dreamland! Pagtingin ko naman ay si Taeyeon lang pala. Ang magaling kong best friend.

Ipe-press ko palang yung answer button pero nakapag-missed na sya ng call.Tsk.Loka-loka talaga yung espasol na pandak na yun.

Bumangon na ako para maligo.Hindi naman ako nag pa-panic kahit male-late na ako. I hate panicking. Masyadong exaggerated ang action ng ibang ganung tao.

...
Matapos ko namang maligo ay isinagawa ko na ang lahat ng karitwalan ko tuwing umaga.

Habang nag-aayos naman ako ng aking necktie mala superman na pink, may nag text sa cellphone ko.

FROM : taengoo

Hoy Panyang,kanina pa ako tumatawag sa'yo babaeng pinaglihi sa pink. Dumaan kami sa inyo ni Yoona kanina kaso tulog ka pa daw sabi ng Kuya mo kaya nauna na kami. Gumising ka na ma le-late ka na! Ingat sa byahe!

--

Shunga talaga tong si Taengoo minsan.Hindi naman ako bumabyahe dahil hinahatid  ako papuntang school.

Ay nakalimutan ko! College na ako ngayon! Mga lokong yun?! Iwanan daw ba ako eh hindi ko alam ang daan mula dito hanggang school. Buti ba nung High School pa pero College na ako! Magagaling na kaibigan.

Di bale, sasabay na lang ako kay Papa.Baka madaanan nya yung school eh. 'Yun ay kung papayag siya. Well, hindi ko alam.

Agad akong bumaba para maabutan ko pa si Papa. And, I'm glad na kumakain pa lang sila ni Kuya kaya energetic akong bumaba at bumati sa kanila.

"Good morning!" - Bati ko bago umupo. Nginitian ko rin ang mga katulong na nakatayo sa likod namin. Hindi naman kami maselan sa mga kasama sa pagkain pero ayaw talaga ni Papa nang ibang tao sa hapagkainan kaya kaming tatlo lang ang dapat na nasa lamesa.

"Morning."- Nginitian din ako ni Kuya bago niya ako abutan ng plato.

Napatingin naman ako kay Papa na ngayon ay nagbabasa ng dyaryo.Okay lang! Busy siguro sa pagbabasa ng mga news ngayon. Hindi ko naman hilig ang mga ganyan. Mas gusto kong manood ng My Little Pony! So cute!

Ay oo nga pala,

"Pa...uhmm.Hindi ko pa po kasi alam ang daan papuntang school...opposite po ng daan nung High School. Papa~....pwede po bang suma--"

"Roy ihanda mo na ang sasakyan dahil ma le-late na ako sa appointment ko kay mr. Dee."Umalis na lang si Papa ng hindi man lang nag papaalam sa amin. Hindi niya rin naubos ang paborito niyang kape.

Napayuko na lang ako. Lagi na lang ganun si Papa. Ilap sya sa akin palagi. Pati na rin kay kuya. Hindi ko alam kung bakit pero lagi ko lang sinasabi sa sarili ko na, baka stress lang siya sa trabaho.

"Okay lang yan. Ako na lang maghahatid sa'yo,okay?"

Tumango na lang ako kay Kuya. Alam niyang malungkot na naman ako kaya ginulo niya lang ang buhok ko at ngumiti sa akin.

---------

*edited*

Poser GirlfriendWhere stories live. Discover now