♥Tiffany♥
Hindi ako umiiyak.Wala akong dapat na iyakan.Iiyak lang ako kapag worth it yung taong iniiyakan ko.
Nasasaktan ako sa nangyari at hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.Akala ko kapag tumagal,mawawala ang sakit.Pero wala,mas lumala ang sakit.Hanggang ngayon ay ako pa rin ang talo.Pinilit ko namang maging matapang eh.Kahit na ibang-iba na ako ngayon,hindi pa rin nag-iiba yung nararamdaman ko.
Alam ko namang wala akong karapatang magalit o masaktan dahil sa simula't-sapul,ako ang may kagagawan lahat ng panloloko kay Luhan.Pero ako lang ba? Nasaktan din ako! Naloko.Nadaya at natalo.Hindi ko naman ginusto yun eh.Maraming taon na ang lumipas pero bakit ba ako pa rin ang sinisisi nya sa lahat? Hindi ba pwedeng kalimutan nya ang nagawa ko? Ako na nga itong lumalayo,pero sya itong lumalapit sa akin.Para ano? Para ipamukha sa akin ang kasalanan ko? Para ipakita na hindi ko dapat sya minahal?
"Ma'am nandito na po tayo." Sabi sa akin ng driver.Nagtaxi ako kahit na natatakot ako.Mabuti at walang nangyaring masama sa akin.
Inabot ko ang bayad bago ako lumabas ng sasakyan.Nakatayo lang ako sa harap ng building.Ang tagal ko na ring hindi napuntahan ito pero wala pa ring pagbabago.Tanging yung mga halaman ng naging malago na.
Dito pa rin kaya sila nakatira? Madadatnan ko pa rin ba sila dun? Handa na ba akong ipakita ang bagong ako?
Kahit na nag-aalangan ako ay pumasok ako ng building.Sumakay ng elevator at pinindot ang floor na mapupuntahan.
Sila lang ang makakausap ko ng maayos ngayon.Sa kanila ko mailalabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.Sana lang ay hayaan nila akong mag-explain sa nararamdaman ko.Miss ko na silang lahat.Gusto ko na ulit silang makita at mayakap.
*ting
Naglakad naman ako para pumunta sa tapat ng isang unit.Nakatayo lang ako doon at nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ito o hindi.Maiintindihan naman siguro nila ako diba? Parang pamilya ko na sila.Sila na ang naging karamay ko sa mga saya at lungkot na naranasan ko 5 years ago.Pero heto ako ngayon,babalik sa unit na ito.
Ni-type ko ang passcode na alam ko noon.Baka hindi pa nila yun pinapalitan.
*click
Bumukas ang pinto.Hindi pa rin nila pinapalitan ang passcode.Pumasok ako sa loob nang dahan-dahan.May mga naririnig akong ingay.Sila siguro yun.
"Ya! Jessica! Tumayo ka nga dyan! Bakit ba sa hagdan ka natutulog?"
"Yoona yung mga magazine mo dito nagkalat.Maglinis ka nga!"
"Oy Hyo! Hayaan mo na nga yang si Jessica.Gutom na ako eh."
"Kaya mo na yan.Gigisingin ko pa itong si Jessica."
"Waaah! Unnies~ Yung washing machine nasira! Paano tayo makakapag-laba nyan?"
Naabutan ko sila sa sala.Nakasilip lang ako dun dahil may wall bago ang sala.Nakakatuwa silang tingnan.Nagbago lang ng konti ang mga mukha nila pero ganun pa rin ang ugali nila.Mga makukulit.
"Oh! Hi Panyang~~" nilingon naming lahat—-kahit ako.Nilingon namin si Jessica na bigla na lang akong binati habang tulog sa hagdan.
"Si Panyang~~ PANYANG?!" Sabi ulit ni Jessica pero ngayon ay gising at nakatayo na sya.Pati naman ang iba ay napatingin na rin sa akin.Wala akong nagawa kungdi ang ngumiti sa kanila.Isa-isa naman silang nagtakbuhan palapit sa akin at niyakap ako.Na-miss ko ang mga yakap nila.Feeling ko kasi,hindi nila ako papabayaan.Pamilya ko na sila.

YOU ARE READING
Poser Girlfriend
FanfictionWho says a poser account can't break a playboy's heart? Filipino Luhan×Tiffany FF